Di' ko maalala ang sigla ng iyong ngiti
Ang kulay ng rosas sa iyong mga pisngi
Sinabi mo na kailangan kong sumayaw
Na kailangan ko nang humataw.Graduating na tayo, sa amin na ang kinabukasan
Ang aking iniisip, bago tayo'y nagsayawan
Inom, sayaw, inom, pwede din sabayan
Sana hindi matatapos, isang gabi na walang hanggan.Isang maling akala, "special effects" sabi ko
Ang kisame, dumidilim ng mga maitim na ulap,
Sayaw lang nang sayaw, kami ang naloko
Dahil sa mga magagandang lumilipad na kislap.Ubo ng ubo, di' na makalabas
Nabaha ng mga taong walang-taros tumakas
Sindak at init, ang aking nararamdaman
Paradiso naging impiyerno, hindi ko matakas.
BINABASA MO ANG
My Little Black Book of Poems and Stories
CasualeAs an aspiring writer, I sometimes have what I like to call, 'brain farts'. Some of them come at me at the perfect time, some just happen while I'm in the middle of doing something. Nevertheless, the result is me writing it down and making a literar...