GRADE 12 Senior High School ako. When I was in my 6th grade I have this guy classmate who wants to court me, but I refused because of the reason that we're both still young to be in a relationship. 6 years had passed at nagparamdam siya via chat. He accidentally reacted to my story, its been so long at yun lang ulit yung oras na magkakausap kami. So di ko na inaksaya yung oras kaya nagreply ako sa kanya and I asked if how is he. We talked and then he became serious, tinanong niya kung bakit hindi ko siya pinayagang manligaw sa akin noon kaya sinagot ko ang tanong niya. Napunta yung usapan namin sa dramahan, na sana kami pa hanggang ngayon, na sana masaya kami ngayon. Aminin ko man o hindi nanghihinayang din ako kasi gusto ko din siya since grade 6 eh.
"Hindi ba natin pwedeng subukan?" he asked.
"Subukan? Ang alin? Yung mga bagay na hindi nangyari noon?" I asked back. Napapaisip ako sa pinag-uusapan namin, it's getting more serious that I expected.
"Oo Cza, ikaw lagi ang iniisip ko simula nong grumaduate tayo. Lagi kitang kinakamusta sa mga kabarkada ko na kaschoolmate mo. Meron pa nga akong kaibigan sa school na kapangalan mo eh, everytime na may tumatawag sa kaibigan ko ikaw agad ang naaalala ko. Kaya kung may chance man ako sayo, pagbigyan mo ako Czarina. I really like you."
Sandali akong natigilan dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Gusto niya pa din ako kahit na 6 years na ang nakalipas. I really didn't expecting this. Isa din si Harvey sa mga taong hindi ko makalimutan dahil siya yung taong laging nakadikit sa akin noong elementary. At first nag-aalinlangan pa ako kung papayag ba ako o hindi, pero naging magkaibigan naman kami back then kaya pumayag na rin ako. Wala rin namang masama kung susubukan di ba?
Days, weeks and months had passed, lagi kaming magkasama kapag gagala at lagi din kaming magkavideo-call tapos lagi kaming inaabot ng 3am sa pag-uusap. Hindi ko ini-expect na unti-unti na naman akong nahuhulog sa kanya ng hindi ko namamalayan. Hindi ko maiwasang mag-imagine sa isip ko, like, what if sagutin ko na siya then magiging masaya siya tapos yun we're both happy. Pero hindi nangyari yun dahil nagkaaway kaming dalawa kasi nagselos siya sa lalaking kausap ko, little did he know na pinsan ko lang yun. Bigla na lang naglaho yung expectations ko. Away ang nangyari in reality.
Lumipas ang ilang araw na hindi kami nagkakausap at nagkakasama. Nasa magkaibang school kami, habang naglalakad ako sa labas ng campus ay bigla na lamang may humawak sa akin kaya agad ko iyong tiningnan para malaman ko kung sino yun at laking gulat kong si Harvey iyon. Hinigit ko ang kamay kong hawak niya pero hinawakan niya naman ako sa braso at hinila ako palayo sa campus. Habang naglalakad kami palayo ay nag-uusap kami, humihingi siya ng sorry kaya nagka-ayos kami. Tinuloy niya ang panliligaw niya at sinagot ko naman siya. Syempre bawat umpisa ng relasyon ay sweet at masaya pa pareho pero kalaunan biglang nagbago ang pakikitungo niya, naging cold siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Grumaduate na ako ng Senior High at ayos pa kami noon, binati niya pa nga ako ng 'Congrats babe'. Bakit biglang naging ganto siya? Naging cold bigla.
Wala na akong maisip na paraan para makausap siya at malaman kung bakit siya ganun, kaya pumunta ako sa school niya. Walking distance lang naman simula sa school ko papunta sa school niya. Nang makita ko siya ay hinigit ko siya patungo sa eskinita, I try to open up what I feel ng dahil sa pakikitungo niya. Hanggang sa umamin siya sa akin na napipilitan lang pala siya sa relasyon na pinasok namin. Umamin din siya na ayaw pala sa akin ng mga magulang niya at mahal niya pa daw ang ex niya. Ang daming reasons kaya hinayaan ko na lang siya sa desisyon niyang maghiwalay na lang kami at wala naman akong ibang magagawa kung hindi tanggapin na lang ang katotohanang hindi kami ang para sa isa't-isa, pero hindi pa din nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya kahit na isang taon na ang lumipas ay siya pa rin. Dumating pa nga sa punto na ini-stalk ko every social media accounts niya para malaman ko kung ayos lang ba siya o kung may bago na ba siya. Nasasaktan din ako sa ginagawa ko pero dahil mahal ko pa rin siya ay titiisin ko makita ko lang siya palagi kahit sa pictures at videos man lang. Hindi likas sa akin ang magalit kasi alam ko namang walang patutunguhan kapag puro galit ang pinairal ko. Kapag namimiss ko siya hinahawakan ko lang yung singsing at binabasa ko ang sulat niya para sa akin, mga espesyal na bagay na bigay niya and then yun iiyak at makakatulugan ko na.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Sana Ako Naman
Short StoryAko si Czarina, isang babaeng sawi lagi sa kwento ng buhay pag-ibig kaya lagi akong nakatanaw sa langit at ibinubulong sa hangin ang salitang "sana ako naman". Siguro nung umulan ng swerte sa pag-ibig ay mahimbing ang tulog ko, kaya simula first bo...