20 years old na ako ng magsimula akong magtrabaho sa isang fastfood marami na akong naging experience lalo na sa dati kong trabaho which is yung beer house. Kasama ko ang bestfriend ko sa bawat trabahong pinapasukan ko, magkapitbahay kami and her name is Lesha. Hindi lang kami basta-bastang magkapitbahay at second cousin ko din siya. We're partners in crime, lahat ng ginagawa ko ginagawa niya din at ang ginagawa niya naman ay ginagawa ko din. Lagi kaming magkasama ni Lesha sa trabaho like kapag nag-out na ako from work, sa mga customers.Then one day I met this guy named Luis. Sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko siya nakilala, sa una hindi ko alam kung bakit palagi siyang pumupunta dito sa fastfood chain na ito eh, madami namang ibang makakainan. Kada punta niya dito sa pinagtatrabahuhan ko ay laging ako ang hanap niya at syempre dahil ako ang hanap kaya pumupunta naman agad ako. Sino ba naman ako para hindi puntahan ang isang lalaking napakagwapo, napaka-puti at napaka-pula ng labi. Kaya isang araw nung dumating siya umupo ako sa tabi niya tapos tinanong niya ako.
"Anong gusto mo?" pagtatanong niya. Pero mas tinanong ko siya.
"Ano ang gusto mo" pagbabalik ko ng tanong sa kanya habang may malokong ngiti sa labi.
"Kumanta ka muna" sagot niya naman sa tanong ko. Kaya kumanta naman ako kasi hindi ako marunong umurong sa mga ganung bagay. Hindi man sa pagmamayabang ay may talent talaga ako sa pagkanta at pagsayaw.
Napansin ko na lamang na habang kumakanta ako ay nakatulala siya sa akin. And then lumipas pa ang ilang araw, nagkayayaan na magbonding.
Inaamin ko naman na meron naman talagang nagaganap sa amin eh kasi simula pa lang nung nasa bar kami naghoholding hands na kami ng patago atsaka parang iba yung nararamdaman ko towards him.
Months passed madami na kaming memories na nabuo kahit na patago lang ang relasyon namin pero hindi ko naman alam kung relasyon bang matatawag yun kasi wala namang nagaganap na ligawan sa amin, basta palagi lang siyang pumupunta sa pinagtatrabahuhan ko. Hanggang sa nagkakilala na sila ni Lesha, parang wala naman kay beshie kasi alam ko naman na sanay na sanay na yun na maraming lalaki sa paligid niya atsaka di ko alam, siguro nasanay na din siya na may umaaligid din sa aking lalaki.
Isang taon na kami ni Luis, isang gabi noon hindi ako nagtrabaho kasi may isang taong pupunta at dadalaw sa akin, sa bahay. Oo, si beshie lang ang nagtrabaho, kaso biglang nagtext sa akin si Luis at sinabing...
[Pupunta ako ngayon dyan]
Buti na lang nakaduty si beshie ngayon kaya ipinahabilin ko muna si Luis kay beshie. Sabi ko naman kay Luis ay si Lesha muna ang kausapin niya habang wala ako kasi masama ang pakiramdam ko. Habang magkasama kami ni mama parang may nararamdaman akong mali, hindi ko sigurado kung ano yun ah pero kabado ako na parang may nangyayaring hindi maganda. Biglang tumunog yung cellphone ko, nagtext yung kaibigan kong si Ayesha at ang sabi niya.
[Nakita ko yung bestfriend mo at yung boyfriend mo na magkasama papuntang hotel]
Nagtaka ako and at the same time I feel nervous, parang gusto nang pumatak ng luha ko pero hindi pwede kasi nandito si mama kaya kinalma ko ang sarili ko tapos biglang may nagtext na naman at dun na ako tumayo at umalis sa harap ni mama saka binasa ko ang text ng tinuturing kong kapatid, sabi niya na nakita niya ding pumunta ang boyfriend ko at si Lesha sa hotel. Dahil dun tuluyan ng tumulo ang luha ko kaya ang ginawa ko ay nagtext na ako sa kanilang dalawa, pinagmumura ko silang dalawa kahit na hindi naman talaga ako palamura. Tinatawagan ko si Lesha pero hindi niya sinasagot, si Luis naman patay ang cellphone kaya nagmessage na lang ako sa kanilang dalawa ng masasakit na salita. Magkasama silang dalawa for pete's sake, alam kong alam niyo ang pakiramdam na yun, bigla namang tumawag si beshie ko kaya kinausap ko siya at nagawa niya pa akong tanungin kung bakit. Ay aba! Potcha may lakas talaga siya ng loob para magtanong ng ganun?
"Masarap ba siya? Sabi ko sayo bantayan mo lang at kausapin hindi yung titikman mo. Bakit mo ginagawa yan sa akin? Bestfriend kita eh, partners in crime pa tayo and to think na pinsan pa kita." sunod sunod na sambit ko habang patuloy pa din sa pag-iyak. "Sa tagal ng pinagsamahan natin, ikaw pa ang gagawa sa akin nito. Nagawa mo yun? Nagpagalaw ka kasi alam mong hindi ako makakapunta."
Sobrang sama talaga ng loob ko noon kay Lesha, how dare she can do that to me? Wala naman akong pagkukulang, kay Luis naman wala akong ginawang mali para gawin nila sa akin ito.
Pinabayaan ko na lang sila, humihingi sila ng tawad pero hindi ko agad tinanggap dahil sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Kaya nagfocus na lang ako sa pagtatrabaho ko. Nagresign ako sa dati kong trabaho at nagpakalayo-layo. Oo, hindi pagsuko o pagkaduwag tong ginagawa ko, nagresign ako sa dati kong trabaho dahil kailangan kong makahinga kasi ayaw magresign ni Lesha. I sacrificed my work for her, kahit na hindi kami magka-ayos kapakanan niya pa din ang iniisip ko. Kaya hindi na muli pa akong nagpakita sa kanila. Tinapos ko na lahat ang meron sa aming tatlo. Kailangan ko muna ng konting panahon para makahinga sa pangyayaring ito. Sooner or later mapapatawad ko din sila, magkakaharap muli kami ng ayos na wala ng galit at sisihan na mangyayari.
Itutuloy….
BINABASA MO ANG
Sana Ako Naman
Cerita PendekAko si Czarina, isang babaeng sawi lagi sa kwento ng buhay pag-ibig kaya lagi akong nakatanaw sa langit at ibinubulong sa hangin ang salitang "sana ako naman". Siguro nung umulan ng swerte sa pag-ibig ay mahimbing ang tulog ko, kaya simula first bo...