Kabanata 3

15 3 0
                                    

      23 years old na ako, may nakilala na naman akong guy, siya yung nagcheer sa akin nung mga araw na down na down ako but at the same time meron siyang complicated relationship with his girlfriend. So ako naman medyo may nasabi sa kanila ng girlfriend niya.

"Ayusin niyo ang relationship niyo kung maaayos pa." diretsang sabi ko sa kanya kasi ako yung nanghihinayang. Pero sabi niya hindi na raw eh, kasi si girl wala na daw pakialam pa sa kanya at binabalewala pa siya. Hanggang sa nagbreak na sila and then nalaman ko na lang na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya.

Minahal ko siya at ganun din siya sa akin, wala kaming label pero alam kong doon na din papunta ang kung anong meron kami. One time after work siya ang sumundo sa akin at hindi ko alam na sa bahay pala nila kami tutungo. Nakilala ko yung family niya.

"Tayo na ba?" he asked. I remained silent for a while nangangapa ng isasagot. Pero mas pinili kong hindi muna kasi kapag naging kami agad parang ang bilis naman.

Lumipas pa ang ilang araw. We talked everyday and I can literally feel his love for me. Sabi niya pa sa akin na nararamdaman daw niya kung paano at gaano ko siya pinahahalagahan at mahalin na kahit kailan ay walang sinuman ang nakakapagpadama sa kanya.

Syempre dumating din yung araw na sinagot ko na siya at ang sarap lang sa feeling na yung taong mahal na mahal mo kasama mo at sa wakas ay kayo na. He always treated me like a princess, he always bring lunch, snacks and dinner. Overflowing yung happiness na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Alam niyo yung pakiramdam na ikaw yung pinaka-importanteng  tao sa buhay niya? Ganun ang pakiramdam ko nun. Pinakilala ko na din siya sa parents ko. Kasundong kasundo niya agad ang family ko even yung mga pamangkin ko, game na game siyang mapagod sa paglalaro. Ang dami na naming plano sa buhay since pareho kaming may stable job. After 3 years magsisimula kami ng magandang buhay at pamilya. Sabi niya pa ay papakasalan niya ako at ihaharap niya ako sa altar, kahit sa simpleng kasal lang daw kasi hindi naman talaga kasal ang pinaghahandaan kundi yung pag-aasawa.

Dumating ang araw ng monthsary namin, syempre nagbatian kaming dalawa. Ang pinagkaibahan lang is yung akin ay may pa long sweet message pa at nag-effort talaga akong mag-edit ng videos pero ang masakit ay hindi niya man lang yun pinansin or kahit reaksyon man lang ay wala. Nagtampo na ako kasi syempre kung yun lang daw ang pag-aawayan namin, sa susunod ay wag na daw akong gagawa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, nakakalungkot lang kasi nag-effort ako. I put so much time and effort para lang gawin yun tapos pagdating sa kanya no reaction? Then I asked him kung bakit hindi na siya masyadong pumupunta sa bahay at kahit pagmemessage bibihira at ang sabi niya naman ay busy lang daw siya, hindi daw sa lahat ng oras ay andito siya  sa bahay namin at hindi daw sa lahat ng oras ay online siya at cellphone lang ang hawak niya. Sinabi ko sa kanya na naiintindihan ko siya pero sana kung may free time siya i-message niya ako. Hindi ko naman kasi hinihingi lahat ng oras at atensyon niya, spare time lang ang gusto ko kahit kaunti lang, ang dating na nga nun ay parang namamalimos na ako ng time and attention sa kanya eh.

After that he became cold, kapag nagtatampo ako ang ginagawa niya ay pinapalipas na lang parang wala na siyang pakialam, binabalewala na lang niya ako. May pasabi-sabi pa siya noon na 'walang matutulog hangga't hindi tayo nagkakaayos', pero nagbago ang lahat. Kalaunan ay hindi na siya nagmessage, narereceived niya naman ang mga messages ko, tinatawagan ko siya via messenger pero ayun kina-cancel niya. Kinagabihan nakita kong naka-online siya so chinat ko siya.

[So ano ito? Seen lang?] sabi ko.

[Sorry] he replied. Kaya nagtaka ako.

[Sorry saan?] I asked.

[Kausap ko kasi si Jessy] he answered.

Nung mabasa ko ang message niya sobrang nanginginig ako kasi syempre kausap ng boyfriend ko ang ex niya. Yung puso ko parang sinaksak ng paulit-ulit, hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko sa sobrang sakit. Tinanong ko siya kung nagkabalikan na sila at ang sabi niya naman ay wala daw kasiguraduhan pero parang ganun na daw. So napatanong na lang ako na ano na lang ako? Pupunta daw sa kanila si Jessy at mag-uusap daw sila. Kasi dati pa siyang humahabol sa ex niya eh. Kahit daw nagmumukha siyang aso, kahit pamilya nung ex niya tinatanggap niya yung mga masasakit na salita. Sabi ko kung ganun ganun na lang na kapag naisuka niya na ay kakainin niya pa ulit at ang sagot lang niya ay 'ARAY'. Kaya pinapili ko siya kung sino sa amin, pero hindi siya makapili, mahirap daw magdesisyon agad kung sino ang pipiliin niya, panahon lang daw ang makapagsasabi kung sino daw sa amin ang mahal niya. Ako yung mahal niya o yung ex niya, naguguluhan daw siya. Ang sakit, parang gumuho yung mundo ko.

Sabi pa niya na kapag hindi daw nag-work ang relationship nila sana daw ay may babalikan pa siya. Iniintay ko pang magpaliwanag siya sa akin pero ang narinig ko na lang din mula sa kanya ay MAHAL NIYA RIN YUNG EX NIYA. Ang dami-dami kong tanong pero hindi niya masagot yung iba at sobrang sakit ng nangyayari.

Ako na yung kusang lumayo at nagparaya, everytime na nakikita kong online siya gusto ko siyang i-message pero pinipigilan ko yung sarili ko kasi hindi niya naman ako rereplyan eh. Sobrang sakit, lahat ng pangarap namin nawala na lang. I'm so depressed na umaabot na sa point na hindi na ako nakakatulog ng maayos, hindi na ako makakain, parang nawawalan na ako ng ganang mabuhay. My family and other friends, sila na lang yung nagpapalakas ng loob ko. Kapag naaalala ko lahat ng araw na masaya kaming magkasama bigla na lang tumutulo yung luha ko. Pagkatapos kong ibigay lahat ng oras at pagmamahal sa kanya, ito lang yung gagawin niya sa akin hindi ako mapalagay hangga't wala akong natatanggap na kasagutan sa lahat ng katanungan ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit, lagi na lang akong nasasaktan. Binuo niya ako at sa huli dinurog niya ulit ako. Ang hirap at ang sakit tanggapin, minahal niya ba talaga ako o ginawang panakip butas lang?

Itutuloy…

Sana Ako NamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon