MINSAN sa buhay natin hindi talaga natin maiiwasang masaktan lalo na kung niloko tayo. Kasi yung mga taong nanakit sa atin ang dahilan ng pagbabago natin at minsan hindi din natin maiwasang mag-expect sa isang relasyon o tao kaya sa bandang huli ay masasaktan tayo at iiyak.
Minsan kasi kaya tayo nage-expect ay dahil sa pagi-imagine natin eh, nandyan na yung perfect couple na kayo pero sa huli hindi pala, nandyan yung kayo na yung nakatadhana at humantong na yung pag-iisip mo sa kasalan pero bandang huli hindi pala talaga mangyayari. Ang mga tao ay mahilig mag-imagine then in reality hindi pala magkakatotoo ang mga nasa isip natin kasi nga imagination lang lahat ng yun. Saklap ba? Dahil sa isiping yun sino pa ba niloloko natin? Syempre sarili lang din natin. Pero wala ng mas sasaklap pa sa nangyari sa buhay pag-ibig ko. Lahat ata ng kamalasan pagdating sa pag-ibig ay nasambot ko. Ngayon naniniwala na ako na may isang tao na darating. Mamahalin mo ng sobra kesa sa sarili mo. Ibubuhos lahat ng oras at panahon. Gagawin mo ang lahat para mapasaya siya at maging kontento, pero hindi yun magiging sapat para manatili siya at ang magagawa mo lang ay ang "mahalin siya sa malayo".
Alam niyo yung nakakatakot sa love? Yung sobrang saya niyo naman but then the next day hindi na pala ikaw ang nagpapasaya sa kanya. And the saddest part is yung taong nagbibigay sayo ng magandang alaala ay naging alaala na lang din, at alam niyo kung ano yung pinakamasakit? Yung taong pinaramdam na mahal na mahal ka ay mafafall out love na lang bigla. Kaya dun tayo sa lalaking kahit puro challenges na yung hinaharap niyo ay pipiliin niyang ayusin kesa tapusin. Kasi ang love hindi yan puro kilig at saya. Maraming beses na akong nasaktan pero kasabay ng mga yun ay marami din akong natutunan. Lagi akong nakatangin sa langit at bumubulong sa hangin na "Sana ako naman".

BINABASA MO ANG
Sana Ako Naman
PovídkyAko si Czarina, isang babaeng sawi lagi sa kwento ng buhay pag-ibig kaya lagi akong nakatanaw sa langit at ibinubulong sa hangin ang salitang "sana ako naman". Siguro nung umulan ng swerte sa pag-ibig ay mahimbing ang tulog ko, kaya simula first bo...