Hi! -K
AFTER 10 YEARS, mag kikita kita ulit kamit ng mga batchmates ko. Musta na kaya sila sa mga buhay nila? May mga asawa na siguro ang mga yun, tapos ako, single parin. Sumpa na nga siguro to. Ito ang mga sumagi sa isip ni Jerick ng mabasa ang invitation na kaniyang natanggap. Mukhang engrande ang magiging reunion nila dahil unknown ang taong nag isponsor sa kanilang venue.
Bumalik siya sa pagkakahiga at inisip kung sino sino ang mga taong makikita niya ulit. Kamusta nakaya sila? Ano na kaya ang estado nila sa buhay? Mahinang natawa si Jerick ng maisip ang mga to. Azi.
Bigla siyang napaupo ng masisip ang pangalan na iyon. Ang babaeng yun.
Bumalik lahat ang ala-ala niya na tila bang parang kahapon lang nangyare ang lahat. Mga pangakong napako, pagibig na di nagtagal, panloloko sa kaniya, paghihiwalay nila. Parang napaka sariwa ng lahat ng ito kahit na taon na ang nakalipas.
Piniling niya ang kaniyang ulo at tumayo ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. "Unknown Number... Sino naman kaya ito?" Wika niya sa isip niya.
Pinulot niya ang kaniyang cellphone at sinagot ang tawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng marinig kung sino ng tao sa kabilang linya.
"HELLO? Number ito ni Jerick diba? Musta kana? Tagal na nung last tayong nag usap at nagkita ah, BTW free kaba? Punta ka sa venue ng pag gagawan natin ng reunion. Need kasi nating icheck ang venue at ikaw yung isa sa mga taong naisipan ko na samahan ako dahil alam kong malapit kalang sa venue."
Di siya pwedeng magkamali, si Azi nga ang tumawag. Di niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya pero kailangan niyang pigilan iyon, bilang isang propesyonal at kausapin ito ng maayos. "Oo, free ako ngayon." Tugon niya. "Great! See you at 3pm sharp." Saka na binaba ang tawag.
Napatitig sa kawalanng patayan siya ito ng tawag. Di siya makapaniwalang nakasave pa sa phone ni Azi ang number niya. After all this years lol, ayan umaasa nanaman ako wika niya sa isip niya. Natawa nalang siya sa naisip niya. Totoo naman kasi, minahal niyang buo si Azi pero ang ginawa sa kaniya nito, hinding hindi niya makakalimutan.
Tumingin si Jerick sa orasan niya at gulat na nakitang malapit na mag tanghali. Dali-dali siyang naghanda ng pananghalian at hinanda ang damit na susuotin para sa lakad niya mamaya.
"3 PM SHARP, ayus ka Jerick hindi kaman late." sabi niya sa sarili ng makita na 4PM na ng hapon. Nakasanayan na ito ni Jeric. Alam niya kasing malapit lang ang bahay niya sa venue kaya hindi na siya nagmadali. Nang makarating siya, nakita niya ang mga pamilyar na mukha. Mga barkada niya nung college. Sina Tyron, Ian, Ezekiel, Sean at JM lang ang nakita niya. Wala si Ced? Himala. Nag tingin-tingin pa siya sa paligid pero hindi niya makita ang hinahanap niya. Asan si Azi? Tanong niya sa sarili niya. Bakit koba siya hinahanap? Wala ng kami diba? WALA. "Anong wala kadiyan? Anong pinagsasabi mo?" Napatalon sa gulat si Jerick ng marinig niya ang boses ni Tyron.
"Wala, walang forever."
"Napaka bitter mo naman Jerick my friend." Si Sean yon na may hawak at inom inom na softdrinks. "Hayaan niyo si Mr. Broken, di parin nakakamove on." Wika naman ni Ian. Hindi nalang siya umimik, alam niya na alam ng mga kaibigan niya na nasaktan siya dahil kay Azi dahil saksi sila sa nangyare. "Alam niyo, gawin nalang natin ang kailangan nating gawin dito at kailangan kopang umuwi ng maaga." Sabi niya sa mga kaibigan niya. Tinawanan lang siya ng mga mokong kaya napailingiling nalang siya. Dumating pa ang iba nilang mga kaklase at nagkaron sila ng munting kamustahan, pero ni anino, hindi niya nakita mula kay Azi.Matapos nilang makausap ang may ari ng venue at naarrange ang lahat ng kailangan ayusin, ay nagpaalam agad si Jerick sa mga kaibigan niya. Palakad siya papunta sa kotse niya ng may nakita siyang pamilyar na bulto. Si Azi ba ito? Bakit nakatayo lang siya sa harapan ng sasakyan? May hinihintay ba siya? Bakit di ko siya nakita kanina? Piniling niya ang ulo niya sa sobrang daming tanong nito. Paminsan naiinis din siya sa sarili niya dahil sila nag kakasundo ng isip niya. Sumakay siya sa kotse at mabilis itong pinaharurot patungo sa bahay niya. Kailangan niyang mabura sa isip niya ang babaeng yun at kung maari, mabilisan dahil mababaliw na siya.
Di alam ni Jerick kung paano niya makakalimutan ang babaeng yun. Kahit anong pilit at tanggi niya, siya parin talaga. Napabuntong hininga siya ng may nag notif sa phone niya. Kumunot ang noo niya ng makitang nag message sa kaniya si Diane.
Hi Jerick? Balita ko kailangan ng by partner ang reunion natin, gusto mo bang partner tayo sa pagpunta dun?
Salamat sa offer, pero ok lang na ako nalang mag isa ang pumunta sa reunion.
Tugon ni Jerick. Ayaw na niyang tignan ulit ang phone niya kahit ilang beses pa ito mag notif. Kilala niya si Diane, makulit ito dahil may gusto talaga ito sa kaniya. Kahit nung sila pa ni Azi, kinukulit siya nito. Alam ni Jerick na walang patutunguhan ang pakikipag usap sa kaniya kaya hindi nalang niya pinapansin. Paano kung si Diane na iniignore mo ang the one? Napaisip siya. Hindi siya desperado pagdating sa pagibig, pero dahil malapit ng lumagpas sa kalendaryo ang edad niya, kailangan na niyang maghanap nito. Baka kung ano ano pa ang isipin niya kaya dinaan nalang niya ito sa tulog.
Nagising si Jerick dahil sa paulit ulit na pag ring ng doorbell niya. Tinignan niya ang cellphone niya at ng makita niyang 6 AM palang, napakunot noo siya. Naiinis siyang bumangon at bumaba upang buksan ang pinto. Sino bang hindi maiinis? Ang aga aga mag dodoorbell sila sa bahay niya. Ano ba kailangan ng taong to? "Papunta na." Sigaw niyang sabi. Kabukas niya ng pinto, hindi niya inaasahan ang nakita niya. Papikit pikit siya dahil baka nananaginip lang siya. Nakatayo si Azi sa harapan niya ngayon at nakapang tulog pa. "Goodmorning Jerick! Sorry kung nagising kita ng maaga, gusto ko lang na may pag usapan tayo." Wika ni Azi.
"Ano naman iyon?" Hinawakan ni Azi ang kamay niya. Saktong pag hawak niya sa kamay niya ay nagising si Jerick mula sa panaginip niya. Wala sa sarili niyang tinignan ang kamay niya. ARGHHHH BAKIT BA NANGYAYARE TO.
-YEY OFFICIAL NA NAG START ANG STORY SANA PO MAGUSTUHAN NIYO HEHI
YOU ARE READING
Definitely, not a love story
RomanceA boy that is always unlucky when it comes to love.