So after ng mahaba habang hiatus, nakapag update ulit ako HAHAHHAHA may tinapos lang akong schoolworks at nag preliminaries kasi tapos naging busy sa buhay HAHAHHAAH anyways sana maenjoy niyo tong update :3
"OK CLASS, any questions?" Matapos kong maidiscuss ang napakahabang lesson, ito nalang ang masasabi ko. Mukhang wala ng gustong mag tanong dahil uwing uwi na sila. Well, hindi ko naman sila masisi since ganto rin naman kami dati. Lalo na last subject so talagang uwing uwi na ang mga estudyante. "Kung wala na kayong questions, pwede na kayong umuwi. Class dismiss." Isa isa nag ayos ng gamit ang mga estudyante at lumabas ng classroom. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa lamesa, nilapitan ako ng isa sa mga estudyante ko.
"Mam?" Tanong ni Jam
"Yes nak? May kailangan ka?"
"May napansin po kasi ako sa inyo mam, bakit parang antamlay niyo po ngayon?"
Napipilan ako tanong niya. Hindi ko inasahan na mayroong makakapansin. Simula kasi noong tinanong ako ni Jerick if may second chance pa kami, hindi na ako makapagisip ng maayos. Ilang linggo mula nung huli naming pag kikita at hanggang ngayon, wala parin akong maisagot sa tanong niya.
"Mam?" Pagpukaw ng atensyon sakin ni Jam. "Ah okay lang ako. Medyo marami lang akong iniisip, lalo na at pasahan na ng grades niyo sa susunod na linggo." Pagsisinungaling ko. "Ah ganun po ba Mam? Sige po, if ever na mag kailangan po kayo mam, mag open lang po kayo sa class namin. Di lang po kaso ako yung nakakapansin na hindi ka ok mam." Tsaka na ito lumabas ng classroom. Napapansin ng buong class ko na hindi ako ok? Awiee nakakataba ng puso! Kaya minsan masaral maging isang guro dahil may mga estudyante kang tinuturing ka na bilang ina. Inayos kona ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom.
PAGOD nanamang uuwi dahil sa tambak na requirements na ipapasa. Napapaisip tuloy ako sa career choice na aking pinili. Makapag online nga muna. Kabukas ko ng Facebook, nag pop agad ang notifications ng aking mga estudyante na nag chicheer up sa akin. Ang babait naman ng mga to. Sa simpleng bagay lang na iyon ay gumaan na ang aking pakiramdam. Habang nag iiscroll ako sa Facebook, may nakita akong pamilyar na mukha roon. Azi. Banggit ko sa isip ko. Hmm mukhang sa school lang din pala namin dati siya nagtuturo, kamusta na kaya siya ngayon? Wala na akong narinig pa mula kay Azi matapos ang aming paguusap ilang linggo na ang nakalipas. Mali ata na tinanong ko agad siya. Pero kailangan kong itanong iyon lalo na at hindi ako mapakale at ramdam ko na meron pang pag asa ang pagiibigan naming dalawa. Nagising ako sa katotohanan ng biglang mag ring ang aking cellphone. Unknown Number, sino naman kaya ito?
DAHIL bumili ako ng bagong cellphone, kailangan kong isave ang mga nasa contacts ko mula sa isang cellphone. Matagal narin itong phone na to at sa palagay ko kailangan konang palitan dahil outdated na siya kumpara sa ibang devices. Habang nag sesave ako, nakita ko ang pangalan na nakalagay kay Jerick. Hunnybunch❤. Nakakadiri pero ang ganda pakinggan at the same time. Hmm tawagan ko kaya siya? Makikilala niya kaya ang boses ko? Natawa ako sa naisip ko. Dito ko malalaman kung kilala ba talaga ako ng lalakeng to o hinde. Habang nag hihintay ako sa sagot niya, nag isip ako ng kanta na pwedeng ilyric prank sa kaniya. Ah eto maganda to. No answer, bakit naman ayaw niya sagutin? Tinawagan ko ulit siya, hindi parin sumagot. Matapos ang limang tawag, sinagot rin ng hunghang. Pabebe amp.
"Hello?" Panimula ni Jerick sa tawag. Here goes nothing.
"All I knew, this morning when I woke..." pagsisimula ko sa lyric prank.
"Sorry?" Gulong gulo na boses ni Jerick
"Is I know something now, know something now I didn't before." Pigil kong tawa na tinuloy. Wala siyang kibo, so tinuloy ko nalang ang pagkanta.
"I just wanna know you better, know you better know you better now."
"Cause all I know is we said "Hello", and your eyes look like comin' home." Pagtuloy ko sa pagkanta habang inaalala ang nakaraan namin ni Jerick.
"All I know is a sinple name, everything h-"
"Has changed" Pagtuloy ni Jerick sa kanta na ikinagulat ko. Naalala ba niya?
"Wag kanang mag tago Azi. Kilala ko ang boses mo at kilalang kilala kita, hinding hindi mo makakalimutan ang kantang kinanta ko sayo noong nililigawan pa kita."
Natahimik ako. Ayokong mag salita dahil baka bigla akong umiyak sa saya, sakit at sa iba pang emosyon na nararamdaman ko. Alam kong meron pang pangalawang pagasa, nararamdaman ko.
"Kung hindi ka pa makapag decide sa isasagot mo sa tanong ko.." Tuloy neto. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Titigil na ba siya? Meron nabang ibang babae sa puso niya? Paano na uli ak-
"..hihintayin ko hanggang sa handa kana." At bumuhos na ang luha ko. Pinatay ko ang tawag at baka marinig niya akong umiyak. Meron pa, meron pang second chance. Pero, natatakot siya na baka masaktan siya uli sa parehong tao na minahal niya ng sobra sobra. Biglang tumunog ang cellphone niya. Meron siyang text na nareceive na ikinigulat niya.
"Isang tawag o text mo lang sa akin na 'handa kana' Azi, pupuntahan kita diyan. Babalikan kita at ibibigay ko ang lahat sa iyo."
Naiiyak lalo si Azi sa nabasa niya. Nakapag desisyon na siya, bibigyan na niya ulit ng pangalawang tsansa si Jerick. Tinawagan niya ito, kinakabahan siya.
"Ambilis naman, may sagot kana?" Gulat na tanong ni Jerick.
"Oo, oo ang sagot ko" Walang pag dadalawang isip kong sinagot.
"Azi, Azi...... Azi"
"Azi."
"Oyy Azi nandiyan kapa ba?" Pag balik sakin sa katotohanan ni Jerick.
"Anong nangyare?"
"Tinaning kita if pwede pa ba tapos bigla kanalang tumunganga diyan. Bakit hindi ka nakasagot?" Sabi niya na may halong pagaalala. Nasa isip kolang pala lahat yun. Nakakainis! Gusto niyang mag wala pero kailangan niyang kumalma. "Maraming salamat sa treat mo, pero aalis na ako, bye." Nag mamadali siyang umalis at hindi na siya nagulat ng hindi siya habulin ni Jerick. Nakakainis! Akala ko totoo na lahat!
Shookt kaba? Sorry na HAHAHAHAHHAHA
YOU ARE READING
Definitely, not a love story
RomanceA boy that is always unlucky when it comes to love.