Ahh yes makakapagupdate na HAHAHA tapos na ang stress sa school. Keep safe everyone at sana maenjoy niyo to!
HINDI ko inaasahan na tatanggapin ko ang alok ni Jerick na samahan siya sa pagpasyal sa mall. After nung nangyare, mukhang gusto niyang bumawi. Kasalanan mo naman kasi eh! Tatakbo takbo ka kinakausap kana nga ng tao sabi ng isip ni Azi. Pero bakit nga ba niya ako gustong makausap? I wonder.... Napatigil ako sa pag iisip ng tumigil bigla si Jerick. "Hindi ba sumasakit paa mo?" Tanong niya sakin. Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko ng sinabi niya iyon. Baket ganun lang pero apektadong apektado ako? Ano naba ang nangyayare?
"UHMMM... H-hindi naman." Nauutal na sagot ni Azi. Hindi ko rin alam bakit ko natanong kung sumasakit naba ang paa niya kakalakad. Nagmumukha tuloy akong may pake sa babaeng to. Diba nag move on kana? Diba diba? Sabi niya sarili sa likod ng isip niya. Napabuntong hininga siya at binuhat si Azi..... Binuhat si Azi? Ano ba tong ginagawa ko! "Mukhang di ka nagsasabi ng totoo kaya bubuhatin nalang kita." Haaaaa?! Bakit ko naman siya bubuhatin? Oy Jerick ibaba mo nga siya! Sabi ng isip niya. Sa halip na ibaba ay tinitigan niya lang si Azi. Kitang kita ang pamumula ng pisnge ng babae sa ginawa niya. Hindi niya maitago ang hiya niya ng bigla siyang sinampal ni Azi. "Siraulo ka pala eh, bakit moko pinangungunahan?!" Pasigaw na sabi ni Azi, "desisyon karin eh no." Pag patuloy niya. Hindi alam ni Jerick kung ano ang magiging reaction niya. Kung matutuwa ba siya dahil alam niyang meron pang nararamdaman sa kaniya si Azi, maguguluhan sa pagsampal nito, o mahihiya sa ginawa niyang pagbuhat. "Pasensiya na. Nagreact lang bigla katawan ko." Paghihingi ng tawad ni Azi. Nagulat siya. Ako na ang may mali pero siya pa ang humingi ng tawad, ugaling ugali ni Azi. Pero sinaktan mo parin ako. Sabi ng isip niya. Pimiling siya upang mawala iyong naiisip niya. Kailangan na niyang mag move on doon. "Ako dapat ang mag pasorry eh," may biglang idea siyanv naisip, "Ahh alam kona, lilibre nalang kita para makabawi ako."
"ANO naman ililibre mo sakin?" Curious na tanong ni Azi. Out of the blue bigla nalang niya akong ililibre, ano naman kaya iyon? Oh Azi wag mag assume ha? Baka masaktan ang puso. Di naman ah!
"Basta, surprise nalang." Tsaka na ito nag patuloy sa paglalakad. Litong lito ako sa lalakeng to. Talagang may topak eh hilig mag surpresa. Pati nga pag alis niya surprise eh. Napipilan siya naisip. Hindi nila napagusapan ang pag alis ni Jerick, basta agad nalang siya nakipag break up ng walang dahilan.TAHIMIK lang si Azi sa buong paglalakad namin. Hindi ako mapakali, may mali akong nagawa kaya dapat itong surpresa nato, makabawi ako. At dahil sinuswerte ang araw ko, nakasalubong namin si Diane. "Jerick!" Saka niya ako niyakap. Kumalas ako sa yakap. Kitang kita ko dito ang napaka laki niyang ngiti. Niyakap niya ako pero wala akong naramdaman. Nawala bigla ang ngiti nito ng makita niya si Azi. "Bakit kasama mo ang babae nayan?" Tsaka niya tinuro si Azi. Napalingon ako kay Azi, at gulat ko na napakadilim ng mukha nito. Nagiging ganto lang si Azi kapag nag seselos..... pero.... "Nandito ako kasi may date kami ni Jerick, at ayaw namin ng third party." Sagot ni Azi saka niya ako hinila. Hindi ko alam anong meron pero napangiti ako sa naging reaction niya. Baka, may pagasa pa. "San ang punta natin?" Malamig na tanong ni Azi. Nagulat ako pero diko pinakita dahil nakarating na kami sa resto. "Dito." Nakita niya ang gulat sa mukha ni Azi. Napangiti siya. Bingo!
SERYOSO ba siya? Dito niya ako dinala? Alam niyang litaw sa mukha niya ang pagkalito. Baka mahulog ulit ako sa kaniya dahil dito. Hindi, hindi na uli. "Bakit moko dinala dito?" Malamig na tanong niya. Kahit na nagsasaya siya sa kaloob looban niya, hindi parin mawala sa isip niya ang payakap ni Diane. Gusto niyang ipakulo ang buto ng babaeng yun hanggang sa mamuti na buto niya. Pwede. "Kasi ito ang paborito mong kainan diba? Lalo na at hilig mo ang specialty nila." Sagot nito. Parang may kung ano nanamang kumiliti sa tiyan niya. Marunong talaga magpakilig itong lalakeng to. Pero ayaw na niyang lumalim pa iyon. Kung pwede lang talaga na hindi na tumibok ang puso niya para sa lalakeng to, kung pwede lang. "Hey, Earth to Ms. Azi, are you there?" Pag gising ng diwa sa kaniya ni Jerick. "Tara pasok tayo." Pag aya ko sa kaniya. Baka bigla akong mag 'I do' kahit wala itong tinatanong. Habang hinihintay namin ang order namin, diko maiwasang tumingin kay Jerick. Ano bang meron sa lalakeng to? Bakit biglang bumait sakin?
KINAKABAHAN at hindi mapakali si Jerick kaya kung ano ano nalang ginagawa niyo. Tingin sa phone, tingin sa palagid at minsan, napapabaling siya kay Azi. Hindi rin niya alam bakit ganito pakikitungo niya sa babaeng to, pero ang alam lang niya ay dapat niyang pigilan ang kung ano man ang malapit na dumating. Sinaktan ni siya ng isang beses nh babaeng to, hindi niya hahayaang masaktan siya ulit nito. Ng dumating na ang inorder nila, halata sa mukha ni Azi ang pagkatakam. Alam niyang paborito niya ang inorder nilang- "Carbonara!" Sigaw ni Azi bago siya tumuloy sa pagkain. Natawa siya sa ginawa niyang yon, para siyang batang maliit na hinapagan ng masarap na carbonara. Habang kumakain, malalim parin ang pag iisip ni Jerick. Pinagiisipan niya kung susubukan pa o hindi na. Gustong gusto na niyang pigilan ang nararamdaman niya, pero iniisip niya rin kung mapipigilan nga ba niya. Alam niyang meron pa, meron pa siyang gusto- hindi alam niyang mahal pa niya si Azi.
"Azi."
"Hmm?"
"I have something to say."
"S-spill it."
There's no turning back.
"Do you want us to start again?
YEY NAKAPAG UPDATE NA HAHAHAHAHA SANA MAENJOY NIYO TALAGA TO. OO REDUNDANT NA HAHAHAHAHA
YOU ARE READING
Definitely, not a love story
RomanceA boy that is always unlucky when it comes to love.