EXPECT THE UNEXPECTED

24 7 13
                                    

Hi! Gusto ko lang sabihin na grab niyo lagi yung opportunity kapag nasa harapan mona yun langs hehe sana mag enjoy kayo! :)

NAGING boring ang mga nakaraang linggo ni Jerick. Puro trabaho nalang ang ginagawa niya dahil malapit na silang mag pasa ng grades since malapit ng matapos ang 3rd Quarter ng school year. Napangiti siya ng makita ang mga grado ng estudyante niya, para siyang proud na magulang nang makita na napakaganda ang mga grado ng mga ito. Isinara niya ang laptop niya at napag isip isip niyang mamasyal. Linggo din naman bukas kaya susulitin na niya ang weekends niya. Dali dali siyang naligo at nag suot ng komportableng damit at kailangan kulay black, dahil yun ang paborito niyang kulay. Nag pantalon siya at hindi mawawala ang cap niya. Lagi siyang nagsusuot nito kapag lumalabas siya ng bahay. Tinignan niya ang orasan. Maaga aga pa. Sabi niya sa isip niya.

Mabilis na pinaharurot ni Jerick ang kaniyang sasakyan papuntang mall. Di niya alam kung ano ang gagawin niya dun kaya hahayaam nalang niya ang mga paa niyang mag lakad kung saan nila nais pumunta. Napunta siya sa isang jewelry store kung saan may nakita siyang pamilyar na mukha. Diba si Tyron yun? Ano ginagawa niya dito? Nilapitam niya si Tyron at tinapik ito sa balikat. Napatalon naman sa gulat si Tyron. "Siraulo ka ginulat mo ako!" Galit na sabi ni Tyron. Patawa tawa lang si Jerick ng mapansin na may hawak na singsing si Tyron. "Para kanino yan Ty? Ikakasal kanaba?" Tanong agad ni Jerick.

Nagtaka si Jerick ng hindi umimik si Tyron. "Ikakasal na dapat, kaso hindi natuloy." Malungkot na wika ni Tyron. Di alam ni Jerick ang sasabihin niya dahil ganto rin ang sinapit niya kay Azi. Ang kasal na dapat ngayong taon na mangyayare ay hindi natuloy dahil nalaman niyang may kinakasamang iba si Azi.

"Sino ba ang babaeng dapat papakasalan mo?"

"Si Angel pre." Sagot ni Tyron.

Hindi na nagulat si Jerick sa sagot ni Tyron. Alam kasi nilang lahat na may gusto sa isa't isa si Tyron at Angel. Pero bakit hindi matutuloy ang kasal nila? "Bakit hindi matutuloy? Anong nangyare?" Tanong ni Jerick. "Alam mo pre, labas muna tayo dito tapos hanap tayo ng pwedeng upuan at kainan. Nagugutom na ako eh." Reklamo ni Tyron habang pinupunasan ang luha. Ngayong pinaalala ni Tyron, naalala din niya na hindi parin pala siya kumakain kaya sumangayon siya dito at naghanap sila ng kakainan.

Napunta sila sa isang sikat na fastfood restaurant. At talagang maliit ang mundo, nakita ni si JM na kumakain doon na mag isa at maraming papeles ang nasa lamesa. Dali dali silang lumapit don at ginulo si JM.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" Bakas ang irita ni JM sa mukha niya. "Pano niyo ba ako nahanap? Tsaka bakit magkasama kayo? Nag dedate ba kayo?" Pabirong sabi ni JM. "My friend," may accent pang sabi ni Jerick, "this guy, Tyron, needs our help on cheering him up. Ewan ko ba bat ako nag ingles basta broken tong si Bangus." Agad nagbago ang ekspresyon sa mukha ni JM. Kita agad ang pagaalala sa mukha nito. "Tatawag nalang ako ng waiter, order nalang ulit kayo ng pagkain, ikwento mona Ty habang kumakain tayo." Wika ni JM. Umupo sila ni Tyron, at nagsimula na siyang magkwento.

"AZI HINDI kona alam ang gagawin ko," pagiyak ni Angel kay Azi, "mahal na mahal ko naman siya pero bakit kailangang magkaganto?"

"Angel, may mga bagay talagang nangyayare ng hindi natin inaasahan at hindi natin gusto," tulad ng pangloloko sakin ni Jerick, "kahit na anong ipilit mo, kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, hindi talaga." Kahit anong pagtatanggol ko sa sarili ko, kahit na ginawa ko lang yun para makaganti, pinili parin niya ang pagiging tama niya at nag matigas ang ulo. Grrrrr nakakainis kaparin Jerick.

"Hindi ko talaga kaya, ikakasal na kami eh." Patuloy parin sa pagiyak ni Angel. "Puntahan kaya kita diyan Gel, ok ba yun?" Suggest ni Azi, "Sige, dalhan moko ng pagkain ah?" "Sure." Walang pasabi sabing pinatay ni Azi ang tawag at nagsimulang maligo. Nang makaligo siya, dali dali siyang nagbihis ng biglang nag vibrate ang phone niya.

Pasyal nalang tayo sa mall. Pick me up nalang kasi wala akong gana mag drive thanks -Gel

"Oh, so may change of plans." Sabi niya sa sarili niya. Binilisan niya ang pagbihis niya at pinaharurot ang kotse papunta sa bahay nila Angel. Mga ilang minuto ang hinintay niya ng makita niyang palabas ng bahay si Angel at kumakaway sa kaniya. "Hey sorry natagalan." Sabi ni Angel. Ngiti nalang ang tinugon niya. Ng makasakay na si Angel sa sasakyan, dumiretso na sila sa mall. Para mawala sa isip ng kaibigan niya ang nangyare, naisipan niyang ayain itong kumain sa isang fastfood restaurant. Papasok na sila ng may nakita siyang mga pamilyar ang mukha. Nanlaki ang mata niya ng makita niya si Jerick kasama sina Tyron at JM. Anong pinaguusapan nila? Tungkol ba ito kay Angel at Tyron? Di na siya nag patumpiktumpik pa at hinila ang kamay ni Angel. "Wala ako sa mood para kumain ng pagkain nila, hanap nalang tayo ng iba yung mas masarap." Wika ni Azi. "Hindi ba favorite mo ang fastfood resto na ito?" Naguguluhang tanong ni Angel. Napipilan siya. Masyado siyang kilala nito. "Wala lang akong gana kumain diyan." Mapait niyang sagot sabay hinila si Angel paalis. Bakit ba kasi nandito yung lalakeng yun? Arghhh nakakainis!

"SO WALA kang gagawin? Mag mukmok kanalang diyan? Susuko ka kaagad? Ipaglaban mo siya Ty." Wika ni JM. Nang malaman namin ang nangyare kay Angel at Tyron, naawa kami para sa kanila. Hindi nila ginusto ang nangyare, pero kailangan nilang gawin. Pero may paraan pa. "Ty, hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal niyo ni Angel. Masaya na kayo sa isa't isa. Ipaglaban mo siya at patunayan mo sa magulang niya na mahal mo talaga siya." Matapang kong sabi kay Tyron. Ramdam ko na medyo gumagaan na ang loob ni Tyron sa mga sinasabi namin. At kilala namin si Tyron, hindi siya papatalo basta basta. "Tama kayo, hindi dapat ako sumuko. Ipaglalaban ko dapat siya. Pero paano?" Nanghihinang tanong ni Tyron. "Ipakita mo sa magulang niya na kaya mong isuko lahat makuha mo lang ang pagibig at ang oo ng anak nila." Sagot ni JM. "Wow JM kelan kapa naging love guru?" Pabirong tanong ko. Tinignan lang ako ng masama ni JM kaya natawa ako. "Ubusin nalang natin to at nang makaalis nakayo. Basta wag kang sumuko Tyron, gawin mo ang lahat, sa ngalan ng pagibig." Saktong timing naman ng biglang nagbukas ng radyo mall at ang kanta ay Sa ngalan ng pagibig by December Avenue. Natatawa ako ng biglang kumanta si Tyron at JM. Para silang mga tanga. Ako na ang nahihiya para sa kanila dahil pinagtitinginan na sila sa resto.

Nang matapos ko ang pagkain ko ay nagpaalam agad ako kina JM at Tyron. Naglakad lakad muna ako sa mall upang hindi naman masayang ang pagpunta oo rito. Nag tingin ako ng mga sapatos, damit, appliances, gadgets at kung ano ano pa, pero wala akong nabili. Window shopping lang ang ginawa ko at natatawa ako sa sarili ko. Akmang lalabas na ako ng mall ng may nakita akong pamilyar na bulto. Hindi ako pwedeng magkamali dahil memoryang memorya ko ang bulto na yun. Nang humarap ito, nakita rin niya ang gulat nito. Azi.

BAKIT BA nakatingin lang at nakatayo tong si Jerick? Natutunaw ako eh. Wika ni Azi sa isip niya. Ano ba Yashrine, dimo ba naalala ang ginawa sayo nang lalakeng yan? Nang maisip yun, biglang bumalik lahat ng sakit na dinanas niya. Pinigilan niyang maiyak at lumakad papunta kay Jerick. Halata ang pagka ilang sa mukha ng lalake ng makita itong papalapit sa kaniya. So meron parin pala akong epekto sayo Mr. Lorente. Natatawang sabi niya sa isip niya. "Hi Jerick, kamusta?" Malapad na ngiti niyang pagbati. Bilang isang batchmate ang pagsabi niya ng Hi at pangangamusta niya. Wala ng iba. "O-ok lang naman A-azi, ikaw?" Nauutal na sagot ni Jerick. Kinikilig si Azi sa kaloob looban niya. Para siyang teenager sa pagkilig niyang ganun, pero kailangang kumalma. "I'm good and all." Matipid na sagot niya. "So how's your relationship status? Are you getting married soon?" Bakit ka nag eenglish? Bakit mo tinanong yan? Nagmumukha kang desperada Yashrine! Pagpapanic niya sa kalooblooban niya. Parang may paru-parong gumagalaw sa tiyan niya nang makitang ngumiti at tumawa si Jerick. Ah, Yashrine marupok. "As of now, wala pa but I don't really have an interest on going to a relationship, well at my current state." What does he mean by his current state? Umaasa parin ba siya? Lord itaboy niyo pa ako sa mga lalakeng paasa, Amen. "Are you there Azi? Ang lalim ng iniisip mo ah?" Pag babalik sa kaniya ni Jerick sa totoong mundo. "Ah wala naman. So, catch you later." Nag mamadali siyang umalis. Di na niya kaya yung bigat na nararamdaman niya. Malapit na siya sa exit ng biglang may humila sa kaniya. Malakas ang paghilang iyon at bigla siyang napatumba sa humila sa kaniya. Ng mulat ang niya ang mata niya, nakita niya kung sino iyon. "Jerick..."





Awts anyare kaya kay Tyron at Angel? HAHAHAHAH
Maagang update kase why not? HAHAHAHA baka mapansin ni crush charot.

Definitely, not a love storyWhere stories live. Discover now