Zenailah's POV
"Babe itong pizza gusto mo?" Nakangiti ang nga labi ni Xyffer habang inaalok sa akin ang pagkain niyang pizza.
Anong nangyari aa kaniya bakit ganiyan siya?-_-
Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay. "Please stop,nakakairita na."
Tumayo ako, iniwan ko silang dalawa doon sa mesa at lumabas sa cafeteria.
--
Xyffer's POVDumako ang tingin ko sa kaharap ko ngayon, Zlinth tss. Kilalang kilala ko ang lalaking kaharap ko ngayon. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko parin malimot limutan ang atraso sa akin ng gagong ito. Kumawala ako ng mapaklang tingin.
"Oh Zlinth, you like her?" I asked him, I know base sa paglapit niya kay Zenailah may gusto siya rito.
"No" maikling sambit nito, tss.
"Oh c'mon dude, I know you so well. Hindi ka naman makikipagkilala sa isang babae kung hindi mo ito gusto" diretsong sabi ko.
"I don't know if I really like her but she's interesting. I want to be one of her friends" ani niya.
Hindi ko nalang siya sinagot at kinuyom ko ang aking kamao. Friends? It is really impossible for a woman and a man to be just friends. Alam kong may gusto siya kay nerd ayaw niya lang sabihin. May gusto man siya o wala, I don't care. Basta bawal mapa sakaniya si nerd. I'm not jealous!
Muling bumalik ang inis nararamdaman ko para sa gagong kaharap ko ngayon.
*2 years ago, flashback*
"Fuck dude! You already know that she is mine!" Sigaw ko sa kaibigan ko, tss. Gagong kaibigan.
"Dude hindi pa kayo, hindi mo pa siya nililigawan." Mahinahong saad niya sa akin.
"You know everything! Liligawan ko na siya diba?! Ikaw pa ang pinagsabihan ko na liligawan ko na siya diba?! LILIGAWAN KO SIYA! Tapos malalaman ko nalang, kayo na?!" Hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko siya ng sobrang lakas.
Alam niyang gustong gusto ko si Kate tapos aagawin niya? Aahasin niya? tangna! Sabi niya suportado niya ako tapos malalaman ko nalang na sila na?!
*End of Flashback*
Makalipas ang isang buwan naghiwalay din sila dahil hindi yata makaya ang long distance relationship, lumipat kasi si Kate sa ibang bansa para doon na mag-aral at mamuhay.
Nakakainis lang ang habang wala pala ako sa tabi niya, dumidiskarte siya sa taong liligawan ko na alam naman niyang gustong gusto ko. Kaya hindi ko hahayang mapa sakaniya si nerd lalo na ngayong nasisiguro kong may gusto siya sa babaeng iyon.
Simple lang naman, papaibigin ko ang babaeng gusto niya which is si nerd. Para maramdaman ng gagong si Zlinth ang naramdaman ko ng mga panahong inangkin niya ang taong gusto ko.
Gagawin ko lahat para mapa-ibig ko ang nerd na 'yon. Hindi naman siya 'yung babaeng tipo ko kaya malabong magkagusto ako sa kaniya. 'Pag nakaganti na ako sa kaibigan ko at tapos na ang lahat, sasabihin ko nalang kay nerd na ginamit ko lang siya para makaganti naman ako kay Zlinth.
Napangiti ako dahil sa naisip kong plano. Sa sobrang pag-iisip ko at pag-alala ng nakaraan. Hindi ko namalayan na wala na pala si Zlinth sa harapan ko. Mabuti naman bago ko pa siya mabawian ng buhay.
Uwian na at tumungo muna ako sa condo ng kaibigan kong si Harles upang i kwento sa kaniya yung naisip kong plano.
"Pero bro huwag mo nalang idamay si Ms. Demaquilant" Harles said.
"Paano ko magagawa ang plano kung hindi ko siya idadamay?" Naiinis na tanong ko.
"Hindi ko alam, naaawa lang ako kay Ms. Demaquilant kasi pati siya madadamay. Bro paano kung mahulog siya sa iyo ng lubusan? Bro masasaktan mo siya ng lubusan mag-isip ka"
"Concerned ka naman yata masyado,tsk"
"Naaawa lang talaga ako. Pero ikaw ang bahala, basta sinabihan na kita."
"No matter what you say you can't change my mind, that's final" ani ko.
Hmanda kana Nerd, dahil simula bukas mag-uumpisa na akong paibigin ka...
--
Thank you for reading ^_^ Keep safe guys. Sorry for the lame update pero sana kahit papano magustuhan niyo, labyoooo^_^.~Kimmy
YOU ARE READING
Ginayuma ako ng isang Nerd
Teen FictionExternal appearance is not the basis for someone to love you. If someone truly loves you, he/she will accept all your imperfections and continue loving you. ┄ ❏10-20-20