Chapter 1

25 3 0
                                    

Xyffer's POV

Araw ng Linggo at nandito ako ngayon sa isang coffee shop para magrelax at magbasa ng libro.

Inilagay ko sa mesa ang kape na bitbit ko at naupo sa upuan. Gusto kong mag relax kaya nagbasa ako ng libro. Habang ako ay nagbabasa naramdaman kong parang may tumitingin sa akin.

Ininom ko ang aking kape at napatingin sa kabilang mesa na nasa harapan ko. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng makapal salamin, magulo ang buhok, may bitbit ding libro, at patingin tingin ito sa aking direksyon. She's a nerd.

Ang sama ng tingin niya dito sa direksyon ko. Alam kong ako ang tinitingnan niya pero bakit hindi manlang ito makatingin sa mga mata ko. Nakikita ko sa mga mata niya na puno ito ng hinanakit at mukhang galit na galit habang nakatingin sa direksyon ko.

Magkakilala ba kami? Hindi siya pamilyar sa akin. Baka isa lang talaga siya sa mga babaeng laging sumusunod at tingin ng tingin sa akin.

Naiinis na ako sa babaeng ito, hindi ako naiinis dahil pangit siya. Naiinis ako dahil kanina pa siya patingin tingin sa direksyon ko at hindi ako komportable!

Napatayo ako sa aking inuupuan at hindi na tinapos ang iniinum kong kape at binabasa kong libro.

Nawalan na ako ng gana. Hindi kasi talaga ako komportable na patinhin tingin siya sa direksyon ko at ang mas malala nasa harapan sa kabilang mesa lang siya at hindi manlang siya nahiya.

Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Stop staring at me" mahina at naiinis kong bulong sa kaniya.

Aalis na sana ako ngunit agad itong nagsalita. "I'm not staring at you" mahinahon na tugon nito.

Naupo ako sa harap na upuan sa table niya. "Then bakit nakatingin ka sa direksyon ko. Huwag mo ng i deny pa, isa ka sa mga babaeng sunod ng sunod sa akin. May gusto ka sa akin" agad na sabi ko sa kaniya. Napataas siya ng kilay at nagsalita.

"Kapal, hindi kita gusto bakla. Tinitingnan ko 'yung babae sa likod mo, ex bestfriend ko. Saka hindi kita type, ang hangin mo" napahiya ako sa dahil sinabi niya, sinabihan pa akong bakla. Fuck! Naging assuming ako. Napayuko ako at tumugon sa sinabi niya.

"Mukhang galit na galit ka sa ex bestfriend mo" pag-iiba ko sa usapan, masyado kasi akong napahiya. Alam kong galit siya sa ex bestfriend niya dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya.

"You don't care" sagot nito. Ansungit naman ng nerd na 'to. May dalaw yata.

Tumayo ako at nagpaalam ng umalis. "I have to go"

Agad akong lumabas sa coffee shop at napag pasyahang dumiretso sa grocery shop. Iyon kasi ang utos ng nanay ko. Mag grocery daw ako. Sumakay ako ng taxi patungo sa grocery store. Wala akong sariling kotse saka estudyante palang naman ako.

Ako nga pala si Xyffer Keiron, nag-aaral sa Clementine Zen University, isang private school dito sa lugar ng Quezon City.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa grocery dahil malapit lang naman ito mula doon sa coffe shop na pinanggalingan ko.

Paglabas ko ng taxi at maging sa pagpasok ko sa grocery store andaming nakatingin sa akin. Lalo na ang mga babae. Hindi naman sa pagmamayabang pero nagmana kasi ako sa aking ama, gwapo kaya ayun habulin ng alam mo na, habulin ng babae.

Sanay naman ako dahil kahit sa school ganito rin, madalas nga 'pag-papasok ako sa gate ng school may mga babaeng sinisigaw pa ang pangalan ko at may bitbit na kung ano-ano. Lagi akong may mga natatanggap na regalo mula sa mga babaeng ka schoolmate ko.

Ginayuma ako ng isang NerdWhere stories live. Discover now