Chapter 6

6 2 0
                                    

Xyffer's POV

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 1am na at hindi parin ako nakakatutulog kakaisip. Bakit ba kasi iyon ang pumasok sa isip ko? Si nerd at ang matandang manggagayuma ay iisa?

Napasabunot ako sa buhok ko hindi ako makatulog! Bakit kasi doon pasiya dumaan? Hayst.

Lumabas ako sa kwarto ko at tumungo sa kusina ng aming bahay para uminom ny tubig. Napahawak ako sa ulo ko "Ansakit sakit na ng ulo ko" sambit ko sa sarili ko.

"Sino ba kasi iniisip mo?"

(ʘ言ʘ╬)

Bigla kong naibuga ang tubig na iniinum ko dahil sa gulat at takot.

Ako lang naman ang gising ngayon, s-sino yung nag salita? Nakapikit akong nilingon kung sino ang nasa likuran ko.

"Nay! Multo!" Sigaw ko habang nakapikit parin ang mga mata ko.

"Ano bayan kuya ang bakla mo" unti unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ng aking kapatid. Nakaginhawa ako ng maluwag dahil nalaman kong walang multo. Alam ko lalaki ako pero takot ako sa multo.

"Bakit kapa pasulpot sulpot? Nanggugulat kapa" sabi ko sa kapatid ko.

"Kumuha lang ako ng cake sa ref, ginutom ako eh." Sagot naman nito. Pambihira ala una ng umaga nagugutom siya?

"Kakaiba rin iyang tiyan mo ah"

"Ikaw kuya bakit hindi ka makatulog?" He asked me.

"Hindi ko alam, wala lang ito."

"You're Inlove" sagot niya.

Ah Inlove

Inlove...

Inlove...

Inlove...

Ano?! Inlove?!

"Kalokohan, hindi ako Inlove. Balik na ako sa kwarto ko matulog kana rin, iyang katakawan mo 'di mo talaga mapigilan" sabi ko sa kaniya at agad ng tumungo sa kwarto ko, nahiga at sa wakas makalipas ang ilang minuto ako ay inantok at nakatulog.

--
Narito na ako ngayon sa paaralan sa loob ng classroom mismo. Hindi ko alam sa sarili ko pero parang natatakot akong kausapin o lapitan manlang si nerd ngayon. Siguro dahil sa naisip ko kagabi.

Katabi ko siya ng upuan pero hindi manlang ako nagkaroon ng lakas ng loob ngayong araw para kulitin, lapitan at magpapansin sa kaniya. Pero paano na ang plano ko kung hindi ko siya lalapitan? Hayst bahala na kailangan ko siyang kausapin para mahulog siya sa akin.

"Nerd sabay tayo ng lunch" masiglang yaya ko sa kaniya ngunit hindi manlang ito sumagot o lumingon manlang.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya papaharap sa akin upang matitigan kisiya sa mukha.

(。・//_//・。)

Tangna ang ganda ng mga mata niya. Sa likod ng makapal niyang salamin nakikita ko ang mahaba niyang pilikmata at kayumangging mga mata. Ang mukha niya ay napaka kinis, wala akong nakikitang black heads, white heads, acne o kung ano pa. Ang ilong niya may perpektong hugis, napakaganda at tangos ng ilong niya. Maging ant kaniyang kilay ay napaka ganda rin at ang kaniyang labi kahit wala itong lipstick ito ay mapula at may magandang hugis.

O_O

Arghhh bakit ko ba siya pinagmamasdan. Siya ay tulala paring nakatingin sa akin at doon langako natauhan, dinistansya ko ng kaunti ang aking sarili sa kaniya at napakamot ako sa aking batok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ginayuma ako ng isang NerdWhere stories live. Discover now