Xyffer's POV
Bagong araw nanaman at kailangan ko ng bumangon para pumasok sa paaralan at makita nanaman ang pagmumukha ni nerd.
--
ClassroomNarito ako ngayon sa loob ng classroom namin at hinihintay ang aming guro.
"Uy bro 'yung crush mong model na si Demze, lumabas na ang magazine ng bago niyang photoshoot." Napalingon ako sa kaibigan kong si Harles dahil sa sinabi niya at talagang bitbit niya pa ang magazine.
"Let me see" sabi ko sa kaniya at agad naman niyang binigay sa akin ang hawak niyang magazine.
Napatingin ako sa magazine at nakita ko ang napakagandang mukha at katawan ng aking paboritong model na si Demze.
>//<
"Gorgeous" isang salitang aking nasambit.
Walang pinagbago ang ganda niya parin. Si Demze ay isang sikat na model. Medyo matagal na siyang model pero walang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. 'Yung Demze kasi parang ginagamit niya lang na palayaw o parang codename. Sadyang ayaw talaga nila ipaalam ang pangalan ng modelo na ito at itinatago ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya.
Hinahangaan ko siya ng lubos dahil nga maganda siya, sexy, at maraming nagsasabi na si Demze raw ay isang napakabuting tao. Nais ko siyang makita balang-araw ngunit alam kong napaka imposible, isa siyang napakasikat na modelo at ang hirap niyang abutin.
"Kung kilala ko lang sa personal iyang si Demze liligawan ko talaga 'yan" sabi ni Harles.
"Ako gagawin ko ng girlfriend, magsapakan nalang tayo para malaman kung kanino siya dapat" ani ko naman.
"Hahaha, sige lang."
Nagtawanan nalamang kami ng aking kaibigan na si Harles dahil sa aming walang kwentang usapan.
"Hindi naman kayo magugustuhan niyan"
Gulat kaming napalingon kay nerd na siyang nagsalita non. Tiningnan ko si nerd na nagbabasa lang ng libro na ang title ay "Love Potion" baliw din 'tong si nerd, mga kabaliwan binabasa. Nang gagayuma siguro 'to.
"Bakit naman hindi? Kilala mo ba siya" tanong ko sa kaniya.
"Oo" maikling sambit nito na nagpagulat sa amin ng kaibigan kong si Harles.
Kilala niya si Demze? How? Pinagloloko lang kami ng nerd na ito.
"I'm just kidding"
-__- akala ko naman totoo na.
"Hindi naman talaga kami maniniwala sa 'yo, imposible naman na magkakilala kayo" saad ko.
"Hoy nerd ng gagayuma kaba? Bakit ganiyan binabasa mo?" Tanong ko sa kaniya, andami naman kasing pweding basahin bakit love potion pa."Ah ito ba, gagayumahin sana kita" walang emosyong sambit nito.
O_o
Ako gagayumahin niya raw?! Love Potion?!
"Nababaliw kanaba nerd?"
"Baka"
O_o
Baliw na nga, hindi ko nalang siya pinansin pero nasa isip ko parin ang sinabi niyang gagayumahin niya ako. Love Potion?! Ano 'yun pag-ibig na potion? Para ano?! Mahalin ko siya? Hindi mangyayari 'yon.
Nagulat ako dahil biglang tumayo si nerd na nasa tabing upuan ko lang. Naglakad siya papunta sa harapan at bumulong sa aming teacher. Tinitingnan ko kung ano ang kaniyang ginagawa kaya nakasunod ang paningin ko sa bawat galaw niya.
YOU ARE READING
Ginayuma ako ng isang Nerd
Fiksi RemajaExternal appearance is not the basis for someone to love you. If someone truly loves you, he/she will accept all your imperfections and continue loving you. ┄ ❏10-20-20