Nung araw na din yun umalis na ko ng school, hindi ko na tinapos mga klase ko. Hindi ako makakapagfocus 'pag magstay ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung san ako pupunta, kung paano ako magsisimula. I decided to go to my bestfriends Dana and Jessie, kailangan kong may makausap, kung hindi baka mabaliw ako.
Patawid na ako ng kalsada, pakiramdam ko wala pa din ako sa sarili na naglalakad. Pag dating ko sa gitna, parang nakita ko si Patrick sa kabilang side nang kalsada at mukhang inaantay ako. Nagmadali akong tumawid, kaya di ko napansin ang mabilis na takbo ng truck papunta sa direksyon ko.
Blam!!! Thud!!!
"Amber! Amber!"
"Amber! Amber!" sigaw ng isang babae na hindi ko mawari kung sino at damang dama ko pag yugyog nya sa balikat ko.
"Amber please, c'mon! Amber please wake up!"
Pag dilat ko ininspeksyon ko ang katawan ko kung buo pa ko. "Walang dugo, walang masakit. Oh Sharon anong ginagawa mo dito?"
"Sira ka! Bakit ka natutulog dito? Umalis ka na at pumunta sa klase mo, magstart na class mo at andun na mga classmates mo kami na gagamit ng room na to."
"Ha?" Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid, nasa classroom pa pala ako, "Ay sorry, nakatulog ako. Sige bubye, thanks for waking me up friend."
'Kainis bakit hnd pa naging totoo!' Bulong ko sa sarili ko.
Dali dali kong kinuha ang phone ko para tingnan ang call log at messages classroom at saka dumeretso sa CR. Pumikit ako at huminga nang malalim, "Lord please, tell me that everything is just a dream. That Patrick and I we're still ok," sabay sampal sa sarili.
Pag dilat ko, "Fudge! Totoo nga, hindi nga ako nananaginip. Hayop na yun! Nakatulog siguro ako kakaiyak, si Patrick kasi e!" Pag harap ko sa salamin nagimbal ako, "Shit! I look like a mess!"
Naghilamos agad ako at nagmakeup, kumalat pala yung mascara at eyeliner sa ilalim ng mata ko. Takte mukha akong durugista!
Pag tapos ko magayos, i decided to rest for real at absenan ang ibang subjects ko. Sumakay na ko ng jeep pauwi at this time alam kong hindi na ako nananaginip.
BINABASA MO ANG
love lies
RomanceThis story will tell you how I understand the rule of life; that one day you're the happiest person on earth, the next day youre a deadmeat. That people come and go; and some of them will get in to your life, be the best part of it, then use you and...