On my way home nakita ko magkasama sila Dana at Jessie, "Bingo! di na ko mahirapan tawagin sila, manong para po!" huminga ako ng malalim sabay sigaw, "hoy! Dana! Jess! Antayin nyo ko!"
Patakbo ako lumapit sa kanilang dalawa, pag tingin ko mas namamaga pa ang mata ni Dana kesa sa akin, "Anong nangyari? Umiyak ka ba? Jess ano nangyari dito?" Nagulat ako nang yumakap sa akin si Dana sabay hagulgol.
"Amber niloko nya ako! Nakita ko sya may kasamang iba. Di ko kaya te ang sakit!"
Pagkasabi nya ng mga salitang yun hindi ko na napigilan at umiyak na rin ako, "Ako din niloko nya! Gagong mga lalake yan mga manloloko!"
Nagulat kami nang biglang sumingit sa gitna namin si Jessie, "Teka ha, ayaw kong basagin ang drama nyong dalawa but you must remember nasa kalsada tayo oh? Pinagtitinginan na tayo, baka isipin nila inaaway ko kayo no! Tsk!"
Tahimik kaming naglakad pauwi. Pag dating namin sa bahay namin, dumeretso kaming tatlo sa kwarto ko at agad kong kinwento ang nangyari. I cant help it, so I break down and cry, I started crying like crazy while punching my pillow. It feels like hell and I still cant think of any reason why he did that.
"Ako din, kanina ko lang nadiscover. Nagpapractice kami ng play sa clubhouse malapit sa school namin, tapos I saw my classmate checking out on some guy..."
*Flashback ni Dana*
"Marice, anong ginagawa mo jan? Sinong sinisilip mo?Mukha kang tanga jan, nakatuwad ka pa. Balik na tayo sa practice tara!" yaya ni Dana
"Sandali! Si kuya kasi ampogi oh tingnan mo, kaso si ateng ang chaka parang 3 days nang walang ligo oh?"
Hindi ko dapat papansinin, pero nang sumilip ako bigla akong kinabahan, "mukhang pamilyar 'tong likod ni kuya oh? I guess I saw him somewhere," oo nga medyo panget si ate pero hindi naman mukhang walang ligo.
Then I realized, "Teka, boyfriend ko yan ah!"
Nagulat si Marice sa bigla kong paglapit sa dalawa, narinig kong tinawag nya pangalan ko pero 'di ko sya nilingon.
Akmang hahalikan na ni kuya si ate nang kalabitin ko sya sa balikat, "Hoy! Hoy Andrew! What do you think you're doing?"
Para syang nakakita ng multo pag harap sakin, confirmed sya nga at parang gumuho ang mundo ko. Biglang nanghina mga tuhod ko at feeling ko tutumba ako, but I need to be tough.
"Tart sino sya?" tanong ng babae.
Nakatulala pa din si Andrew at halatang gulat na gulat sa pangyayari.
"Hmm, since mukhang di na sya makakasagot ako na lang magpapakilala, I'm Dana, his girlfriend for like 2 years now. Im pleased to meet you by the way, but Im not into knowing your name. And you Mr. Ledesma, I just wanna say, fuck you kasi mambababae ka na lang ang panget pa ng pinili mo, wala kang taste!" sabay tapak sa paa nya.
"Thank goodness 5 inches heels ang suot ko! Mamatay ka sa sakit hmp!" I said confidently sabay alis.
*End of flashback*
Umiiyak na kaming dalawa ni Dana nang biglang tumugtog ang "Sandali Lang" ng Silent Sanctuary.
'Sandali lang, wag mo munang sasabihing ayaw mo na.
Di ba pwedeng pagusapan ang lahat nang ito?
Di ko alam kung may nagawa akong kasalanan.
Bigla na la lng nangiwan ng walang dahilan.. Walang dahilan...'
Lalo kaming humagulgol ni Dana sabay tingin nang masama kay Jessie.
"What?! I just played it, mas maganda kasi iyakan nyo pag may background music e. Ayos ba? Swak na swak yung part di ba?" she said with a smirk.
"Langya ka Jess! Hahahaha i dont know if you're here to comfort us or to make us cry! Amber yung kaibigan mo oh?"
"But seriously, I love you girls! Those guys who made you cry, mga wala silang kwenta. Ayos lang yan, atleast you knew who they are di ba? Its ok to cry, normal yan, you're hurt e! But you need to make sure that what happened wont make you miserable, instead, show those douchebags that youre stronger and so better without them, that they weren't your loss at all. Mas magpaganda kayong dalawa para maglaway sila sa inyo. Huh!"
"OMG! Dana narinig mo ba yung kaibigan mo? Gosh mature na sya! Di ako makapaniwala that those words came from you. Hahaha."
"Gaga ka Amber! Ano naman tingin mo saken puro arte lang laman ng utak? Syempre kunyari concerned din ako sa inyo no! Baklang to!"
======================================
BINABASA MO ANG
love lies
RomanceThis story will tell you how I understand the rule of life; that one day you're the happiest person on earth, the next day youre a deadmeat. That people come and go; and some of them will get in to your life, be the best part of it, then use you and...