JFF 4: blank space
Yoona's POV
Four years... Four years din ang naka-lipas at oo aaminin ko... aaminin ko hindi padin ako nakaka-move-on sa kanya, binigyan nya ko ng dalawang anghel at yon ang ipinagpapasalamat ko dahil kahit papano binabawi ng dalawang anak ko ang sakit na ibinigay sa akin ng ama nila, sinubukan kong makipagrelasyon sa ibang lalaki dito sa Japan pero nakokonsensya lang ako dahil hindi ko naibibigay ang buong puso ko sa kanila, kaya mas itinuon ko muna ang atensyon ko sa mga anak ko... at ngayon ang fourth birthday ng kambal kaya abalang-abala ako sa pag-aayos ng lahat, buti nalang ay may mga filipino community dito na tumutulong sa kapwa nila filipino, sila din ang mga naging bago kong kaibigan sa mga panahon na kailangan ko ng makakausap, at good news nakapag expand nadin ng hotel ang papa ko dito sa japan kaya ngayon kaarawan ng kambal eh naandito sya...
"mama si Kuya Yhubert ayaw ibigay si kon" pagrereklamo ni Yhula, si Kon ay isang stuff toy na nasa bleach palagi nilang pinag-aagawan itong stuff toy na to lalo na si Yhubert pero pag sinasabi ko namang ibibili ko sya ng bago sinasabi lang nya na ibibigay din naman nya ito sa kapatid nya na si Yhula, parang ginagawa lang nya itong option para magka bonding sila, although lagi naman silang mag-kasama, hindi ko sila pinaghihiwalay kase ayokong maranasan nila ang nanyari samin ni Theo...
"i said dont call me kuya, we are twins same age lang tayo Yhula," naka-simangot na angal ni Yhubert kay Yhula, ewan ko ba kung kanino nag mana ng kakulitan tong mga anak ko, pinaliwanag ko ng mas matanda si Yhubert kay Yhula pero ayaw nyang pumayag, lagi nya pinaglalaban na same age lang daw sila, kaya hinahayaan ko nalang...
"yhubert ibigay mo na kay Yhula si Kon, pls baby madami pang aayusin si mommy" pag awat ko sa dalawa, madali namang pagsabihan tong si Yhubert, meron syang sariling paraan ng pagpapakita kung paano sya manlambing,
(FLASHBACK)
one night Yhubert saw me crying sa may kwarto ko, hindi na sya kumatok basta-basta nalang syang pumasok sa kwarto at niyapos ako ng mahigpit..
"baby why are you here? its already late.. go to your bed baby" sabi ko sa anak kong naka-yapos padin sakin
"no mommy, dito lang ako, i am a big man already, i will handle all your problems from now on" kung maka pag-salita naman tong anak ko kala mong alam na nya ang mga sinasabi nya...
"san mo naman natututunan yang mga sinasabi mo baby?"
"mommy don't call me baby!..." tumingala sya para makita ang muka ko sabay pagrereklamo na wag ko na daw syang tawaging baby
"okay baby--"
"ma!!"
"okay MR Yhubert san mo naman natututunan yang mga bagay na yan?"
"sa anime po, sabi kasi doon yung mga elder brother daw, sila daw yung poprotekta sa mga younger siblings nya tsaka daw sa family, eh wala naman kaming daddy ni Yhula kaya ako nadin ang po-protect sayo mommy" napatigil ako dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko, para sa idad nyang ito hindi ko inaasahan na makakapagisip sya ng ganito,, niyakap ko nalang si Yhubert ng mahigpit, at ganoon din naman ang ginawa nya sakin...
"thank you Yhubert mahal na mahal kayo ni Mommy, alagaan mong mabuti si Yhula ha"
"yes mommy... hmmm mommy pwede bang secret lang natin to?" kumawala ako sa yakap nya, at ipinantay ang paningin naming dalawa
"anung ibig mong sabihin Yhubert"
"hmm mommy wag mong sabihin kay Yhula yung mga sinabi ko sayo ha, aasarin lang nya ko eh..."
"okay baby ako ng bahala" napansin kong aangal pasya sa pag-tawag ko ng 'baby' kaya hinigpitan ko nalang ang pagkakayakap ko sa kanya, yung yakap na may alaga yung may assurance na hindi sya masasaktan sa higpit ng ginagawa kong pag yapos sa anak ko...
BINABASA MO ANG
JUST for FUN
Fiksi Remajalove? it may be disturbing but it will be full of fun... note: The places and scenes are only fictional and product of writer's imagination. Be aware of some vulgar words, it is only used for expressing the character's feelings. Being open minded i...