Joren's POV
Nakatanghod lang ako kay Chingching habang kinakantahan niya 'yong mga batang pulubi at binibigay ang tinapay na bigay ko sa mga 'yon.
Busy lang ako sa pagbabantay nitong bakery. Ilang taon na rin ako dito. Si Richie din ang una kong kaibigan. Mabait siya at magaling kumanta.
Mabait nga si Richie kaso minalas siya sa pamilya niya maliban na lang sa Inay niya. Mabait kasi ang Nanay ni Richie. Buti nalang doon siya nagmana at hindi sa Tatay niyang masama ang ugali. Lasinggero pa.
May babaeng huminto sa tapat ng bakery. Nakilala ko ito agad kaya kumunot ang noo ko. "Anong bibilhin mo, Karice?"
"Magkano ka ba?" nakangisi niyang sabi. Napapailing na lang ako.
Si Karice ay kapatid ni Richie. Masama ang ugali nang babaeng 'to. Maganda sana kaso maldita. Tipong buhay pa pero 'yong ugali nabubulok na.
"Hindi ko naman tinitinda ang sarili ko." sumimangot ako. "Kung wala kang bibilhin, umalis ka na lang."
Sinamaan niya ko nang tingin. "Alam mo namang gusto kita pero ganiyan pa din ang trato mo sa 'kin. Bakla ka ba?"
"Hindi ako bakla. Ayaw ko lang sa'yo." diretsahan kong sabi.
Bakit naman ako magpapaligoy-ligoy pa? Ayaw ko naman talaga sa kaniya. Mas mabuti nang alam niya ang totoo kaysa magdahan-dahan pa ako. Ayaw ko kay Karice.
Alam ko ang mga pananakit niya kay Chingching. Sinong matinong kapatid ang gagawa no'n? Hindi siya ang tipo ko.
Umalis si Karice na nakasimangot at aborido ang mukha. Si Chingching ang lumapit kaya ngumiti agad ako. "Si Ate Karice ba 'yon? Anong binili?"
"Wala." Kinurot ko ang pisngi niya. "Ba't mo binigay sa mga bata 'yong bigay kong tinapay? Para sa'yo 'yon."
Ngumiti lang siya. "Mas gutom sila kaysa sa 'kin. Marami kaya akong imbak sa patong-patong kong bilbil." Tinuro niya pa ang tiyan niya.
"Kailangan mo ding kumain." sabi ko. "Hindi porque mataba ka ay lagi ka nang busog."
Ngumuso naman siya. "Busog pa naman ako. Saka masarap 'yong tinapay. Hindi ko dapat sarilinin."
"Malamang masarap talaga." Tiningnan ko ang lagayan ng tinapay. "Wala pang alas dos, paubos na agad lahat ng luto ko."
"Yabang mo." inirapan niya ko.
"May baboy pa lang nang-iirap. Ang lupit ah." pang-aasar ko sa kaniya.
"Sus! Inggit ka lang kasi ako mataba tapos ikaw payatot!"
"Hindi ako payatot! Macho kaya ako." Pinakita ko pa sa kaniya ang mga braso ko. "Daig ko pa ang pumupunta sa gym."
Biglang may humintong magarang kotse sa gilid ng kalsada. Napatingin kami ni Chingching doon. Isang matangkad at maangas na lalaki ang lumabas mula doon.
Mukhang mas matangkad sa 'kin at pormal din ang suot. Kagaya no'ng mga negosyante sa telebisyon ang itsura niya. Pero mukhang ang bata pa niya.
"Richie! Fancy seeing you here." Lumapit kay Richie 'yong lalaki. "How have you been?"
Potek! English spokening dollars. Mukhang big time talaga. Kaano-ano kaya 'to ni Richie? Ngayon ko lang nakita 'to.
Kinalabit ko si Richie. "Sino 'yan, Chingching?"
Tiningnan niya ko kaya mas nakita ko ang mataba niyang mga pisngi. "Si Troyen. Kaibigan ko." Tumingin naman siya doon sa Troyen. "Ito naman si Joren. Kaibigan ko din."
Magkatunog pa talaga pangalan namin. Ang kaibahan lang, mayaman siya.
"Hi, Joren. So, can I borrow Richie for a walk?" Tumango na lang ako dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
Richie's POV
Sumama na ko kay Troyen. Hindi ko alam pero laging napapadpad 'to dito. Ang tagal ko nang nakatira dito pero ngayon ko lang siya laging nakikita.
"Ano pa lang kailangan mo?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad ni Troyen.
"I have a big offer for you." Ngumiti siya nang malapad. "I want you to sing on one of my bars."
Kumunot naman ang noo ko. "May bar ka?"
Tumango siya. "Marami."
Umiling naman ako. "Hindi pwede. May pinagtatrabahuhan na kong resto bar."
Ngumuso siya. Potek! Kagwapo naman nito. Kakagatin ko 'to eh.
"Just for one night. My brother's coming home on Sunday. I want to give him a surprise."
Napayuko naman ako.
Siguradong gwapo at mayaman din ang kapatid niya. At pang-mayaman 'yong bar niya. Baka mapahiya lang ako. Pangit ako at mataba. Baka sanay sila na sexy at maganda ang nakikita. Mapapahiya lang ako. Kukutyain lang ako.
"A-Ayaw ko." pagtanggi ko.
"Why? I'll pay you 20,000 pesos." pamimilit niya.
Nagulat naman ako. 20,000? Isang gabi lang? Ilang linggo bago ko kitain ang gano'n kalaki. Malaking tulong 'yon sa karinderia ni Nanay. Kaso, natatakot ako.
"Ayaw ko talaga."
"Dadagdagan ko pa! I'll make it 30,000 pesos. Just sing two songs."
"A-Ayaw ko eh."
"50,000 pesos."
"H-Huh?"
"Okay. 70,000 pesos."
"Sanda--"
"With free food!"
Tinakpan ko muna ang bibig niya dahil nakakagulat siya. Ang taas masyado nang offer niya. Sobrang taas.
"Walang problema sa bayad." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. "Kahit magkano, ayos lang."
"Pero, bakit ayaw mo? It's a good opportunity for you." nagtataka niyang sabi.
"Nahihiya kasi ako saka natatakot." napalunok ako. "Sigurado, puro mayaman ang nandoon. Baka kutyain lang nila ko. Kasi maitim ako, mataba, bilbilin, pangit--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang huminto siya sa paglalakad. Pinaharap niya ko sa kaniya saka kinulong ang mukha ko sa malalaki niyang palad.
"Listen, you're not ugly. Bakit ba masyado mong dina-down ang sarili mo? I want you to sing so they can hear your amazing voice. Siguradong matutuwa sila. Magaling kang kumanta, Richie. It's your talent and you don't have to be shy with your physical appearance. Basta wala kang ginagawang masama, hindi mo kailangang mahiya."
Napangiti ako dahil sa narinig ko. Parang biglang tumaas ang confidence ko. Parang kaya ko na bigla.
Sayang din naman kasi. Bukod sa pera, may pagkain pa. Masama pa naman 'yong tumatanggi sa grasya. Saka tiwala ako kay Troyen.
Ginulo niya ang buhok ko. "I won't let them judge you. Ako ang bahala sa lahat. Aayusin ko lahat. Your Sunday performance will be grand."
Nginitian ko siya nang matamis saka marahang tumango. "Sige. Payag na ko."
Nagliwanag ang mukha niya saka ako yinakap. Waring nanginig lahat ng taba ko sa katawan. Ang init niya. Pero mas mainit ang panahon.
Yinakap ko din siya. Ang gaan sa pakiramdam. Ngayon na lang ulit ako may nayakap ng ganito. Tipong totoong yakap.
Lumayo siya saka tumitig sa 'kin habang malawak ang ngiti. "I'll give you the best stage."
Tuwang-tuwa ang kalooban ko.
Pero agad ko ding naalala ang pwedeng mangyari. Ang mga pangungutyang maaaring ibato sa 'kin. Kakayanin ko.
Even if I'm just fat.
TinTalim
BINABASA MO ANG
Just Fat (Completed)
RomanceRichie Estrella is a good woman, but she's ugly, fat, and many people keep on discriminating her. But she has a voice of a siren that will also make her life even better.