Joren's POV
Pinipilit ko pa rin si Chingching na sumali roon sa singing contest. May nakita kasi akong poster. Sa isang sikat na channel 'yon gaganapin kaya siguradong maraming sasali. Pero, sure naman ako na kayang-kaya sila ni Chingching. Ang laki nitong best friend ko, eh.
Habang naglalakad kami sa mall, may namataan ako. Awtomatiko kong hinawakan ang kamay ni Chingching.
"Oh, bakit?" Nagtataka niyang tanong pero hindi ako sumagot. Hawak-hawak ko lang ang kamay niya habang naglalakad kami.
Huminto lang kami sa paglalakad dahil sa lalaking nasa harapan namin. Ngumiti ako roon sa lalaki saka mas hinigpitan ang hawak sa kamay ni Chingching.
Nginitian ko 'yong lalaki. "Oy, ikaw pala! Kumusta ka, Troyen? Tagal mo ring nawala."
Pinilit kong maging kaswal lalo na nang maramdaman kong napahigpit na rin ang hawak ni Chingching sa kamay ko. Kasabay din no'n ang kakaibang pakiramdam dahil sa talim ng titig sa 'kin ni Troyen. Bubulagta na ko rito kapag hindi pa siya umiwas ng tingin.
"Richie, can we talk?" tanong niya pero ang sama pa rin ng tingin niya sa 'kin.
Hindi ko na hinayaang sumagot si Richie. Siguradong babalik siya sa 'kin na umiiyak kapag nag-usap sila. O baka hindi na siya bumalik sa 'kin kapag nag-usap sila. "Sorry, pre. May date kami ngayon ni Richie. Sa ibang araw na lang kayo mag-usap."
"Huwag mo mong tawaging pare. We're not close. And, I'm talking to Richie." Nagulat ako nang hatakin niya si Richie kaya nabitawan ko ang kamay niya. "We're going to talk about what happened last night."
Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako nang biglang sampalin ni Richie si Troyen. Literal na nanlaki 'yong mga mata ko. Sobrang sakit no'n. Ang lapad pa naman saka ang laki ng palad ni Richie. Baka natanggal ulo ni Troyen kung mas malakas pa 'yon.
"Huwag mo kong hahatakin." Muntik pa kong mapa-wow dahil seryoso ang boses ni Chingching. Parang eksena sa drama. Akala mo naman talaga hindi marupok.
Lumapit sa 'kin si Richie at kumapit sa braso. Nakita kong mas naging masama ang tingin sa 'kin ni Troyen. "Last night, did we really met?"
Lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya nang tumingin siya kay Richie. "Iniwan mo ko, Richie."
Gusto ko sanang matawa kasi parang nagmamakaawa siya pero namamaga 'yong kabila niyang pisngi tapos mukhang babakat pa roon 'yong kamay ni Richie. Matagal pa naman gumaling 'yong gano'n.
"Totoo 'yon." seryosong sagot ni Richie. "At oo, iniwan nga kita. Tinulugan mo ko tapos gusto mo hintayin pa kita? Ilang buwan kang nawala tapos pagbalik mo papakantahin mo lang pala ko para may lullaby ka sa pagtulog."
Whoa! Tindi naman no'n. Parang kaninang madaling araw lang pumapalahaw 'to ng iyak, ah.
"That's not it, Richie!" Halatang napipikon na si Troyen sa inaasal ni Richie. Hindi naman kasi talaga ganiyan si Richie. Mabait siyang babae. Soft at mahinahon. Selfless din minsan. Mas gusto niyang siya ang masaktan kaysa ibang tao. Pero, humahanga ako sa katapangan niya ngayon.
"Pre, huwag mong pagtaasan ng boses si Richie. Huwag ka namang mag-eskandalo rito." Nagsalita na ko kasi mukhana kong estatwa na nanonood sa kanila.
"Shut the fuck up!" iritado niyang sabi sa 'kin. "You're not even her boyfriend! Bakit ba masyado kang mapapel?"
Napayuko naman ako. Hindi nga pala ko boyfriend. Best friend nga lang pala ako. Haha, tangina naman 'yon.
"Boyfriend ko siya!" Napasinghap ako nang lingunin ko si Richie. Taas-noo niyang sinabi na boyfriend niya ko sa harap ng lalaking iniiyakan niya kani-kanina lang.
Ako 'yong nasasaktan. Basta ang sakit sa pakiramdam. Dapat matuwa ako na sinabi niyang boyfriend niya ko pero hindi naman niya ko mamahalin kagaya ng pagmamahal niya kay Troyen. Palabas lang 'to para layuan na siya ni Troyen. Okay lang naman sa 'kin. Kapag lumayo na si Troyen, mas malaki na ang tiyansa ko kay Richie pero bakit ang sakit pa rin?
"We kissed! You said that you missed me too!" pagpupumilit ni Troyen.
"Lasing ka lang no'n, okay? Imagination mo lang 'yon. Ganiyan talaga kapag walang jowa!"
"Can you please be serious, Richie? I'm fucking in love with you and you're just acting like you don't care!"
Sana gano'n din ako katapang. Harap-harapan niyang nasasabi 'yon kay Richie. Samantalang ako, pabulong-bulong lang. Heto rin ako ngayon, selos na selos. Gusto ko nang lumayo sa kanila pero ayaw kong iwan si Chingching. Papaiyakin na naman siya nitong Troyen kapag iniwan ko siya. Hindi ko na 'yon hahayaan. Kahit masakit sa 'kin, alam kong makabubuti naman 'to kay Richie. Para sa kaniya 'to.
"Hindi kita mahal, Troyen." Humina ang boses ni Richie. Halatang nagsisinungaling lang siya.
"I know that you love me! You're just using Joren to make me fucking jealous! Why are you doing this? Richie, mahal kita!"
Hindi ko na kinaya kaya sinapak ko na lang si Troyen. Tumumba siya sa sahig kaya mabilis kong hinatak si Richie palabas ng mall. Hindi ko na kasi kaya. Hindi ko na kayang marinig na sinasabi niyang mahal niya si Richie.
Hindi ko na kayang marinig na sinasabi niyang mahal niya ang babaeng mahal ko.
Troyen's POV
"Shit!" I cursed as I felt the pain on my left and right cheeks. Richie slapped me and Joren punched me. Fuck!
Hindi ko na sila naabutan. Nakatulala na lang ako rito sa parking lot habang nakasandal sa kotse ko.
I lost my chance! My emotions got ahead of me. Nagselos agad ako nang makitang hawak ni Joren ang kamay ni Richie. Dapat kinausap ko siya ng maayos! Dapat kumalma ko! Pero, tangina!
"Largo!" My eyes turned to the direction where that voice is coming from. I gulped as I saw that familiar figure. Si Kuya Harold...
Agad niya kong kinuwelyuhan nang makalapit siya sa 'kin. "What did I just saw, Troyen Largo? Can you fucking explain why are you talking to that fat ass bitch and saying that you are in love with a black pig?!"
"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si Richie!"
"Go back to Cebu or Mommy's resort will be burnt down! Huwag mong inuubos ang kakaryampot kong pasensya! Baka ipadala na kita sa dulo ng mundo dahil diyan sa lintek na pagmamahal mo sa baboy na 'yon!"
Hindi ko na kinaya at tumulo na ang mga luha ko. "B-But, I love her! Why can't you understand that, Kuya? Bakit mo ko nilalayo sa kaniya?! Tangina naman!"
"Because she's ugly and I hate ugly people." Binitawan niya ako saka siya lumakad palayo.
And my weak side is triggered again. I sat on the floor and cried harshly. I'm jealous, hurt, disappointed, frustrated yet still in love with Richie.
If only I could snatch her and keep her myself. Yet I'm still scared to lose my Mom's resort. I'm scared of losing her and Daddy's last memories.
It's between my parents' memories and Richie. I'm going to lose one if I'm going to choose one.
Oh, God! Why? Just freaking why?!
Why are you pushing my Richie away?
My not just fat Richie...
TinTalim
BINABASA MO ANG
Just Fat (Completed)
Storie d'amoreRichie Estrella is a good woman, but she's ugly, fat, and many people keep on discriminating her. But she has a voice of a siren that will also make her life even better.