Winter A. Rodriguez
"I thought he will be back next year?" I asked my uncle with a confused face. "May meeting daw siya dito sa Philippines." He answered. I just sighed and just looked at the window until we arrived.
"Dumating na pala kayo, malapit na rin maluto itong hapunan niyo." Bati sa amin ni Nay Berta "Sige ho aakyat po muna ako para makapagpalit." Sagot ko sa kanya tsaka umakyat.
After changing my clothes, I went downstairs and ate my dinner with my uncle. After that I went upstairs, brush my teeth and took a bath. Today was a very long day, I turned off my lamp and slept.
。。。。。
George A. Yardley
Good morning mga bes! NagkaPOV rin ang bakla sa wakas! Georgia is awake in the house, still beautiful and fabulous! Georgia is me.
Bumangon nako sa napakalambot kong kama at naghilamos and toothbrush. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal. "Good morning mamang and papang!" Bati ko sa magulang ko ng bonggang-bongga. "George anak, mabuti't gising ka na. Gisingin mo nga yang bunso mong kapatid, nagpuyat nanaman ata." Sabi sa akin ni papang "Papang naman ih, diba Georgia na dapat tawag niyo sakin." Sabi ko sa kanya ng painis na tono. "Nahibal-an nako nga ikaw bayot apan ang imong ngalan George gihapon." Nagbisaya pa talaga eh
"Oo na ho gigisingin ko na." Umakyat ulit ako para gisinging yung apakagaling kong kapatid."DAHLIA! GISING NA UY!" Sigaw ko pagkatapos kong pumasok sa kwarto ng kapatid ko. "Kuya naman eh..." sabi niya na halatang inaantok pa. Paano kaya to hindi nagkakapimples kahit puyat nang puyat ang bakla. Tanong ko sa sarili ko. "Gigising ka o bubuhatin kita pababa?" Pagbabanta ko sa kanya pero mission failed pa ata ako dahil ang sagot niya ay "Buhatin mo nalang ako..." Aba't talaga nga namang tamad ampotek.
Wala na akong nagawa kaya binuhat ko nalang siya sa aking likod at bumaba na dahil gutom na ako as in sobra! Pagkababa ko ay halatang nagulat ang magulang namin at sabay tumawa "HAHAHAHAHA ang kusog sa akong batan-on nga lalaki!" Tawang-tawa si papang habang sinasabi ang bawat salita. "Eh sa ayaw bumaba ng señoritang toh." Reklamo ko habang binababa si Lia. "Hija magmugmog ka muna't maghugas ng kamay bago kumain." Sabi ni mama na siyang ginawa ka agad ni Lia. Kahit kailan talaga, Kung di magsalita si mamang baka linta na tong kapatid ko.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis dahil baka ma-late pa ako pumasok. Sumakay na ako sa sasakyan namin at nagmaneho ang aming driver. Naunang bumaba ang kapatid ko sa A.I High dahil mas malapit ito 'tsaka ako nakakababa sa A.I University. FYI lang ha, hindi Artificial Intelligence meaning ng A.I sa University namin. Academic Intellect University ang real name nito, kung hindi pa 'to obvious ay ewan ko sayo. Charot lang A.I University is a university of people with intelligence in any way like in academics, sports, or any talents. Kapag matalino ka sa isang bagay ay puwede kang magtake ng entrance exam. Halimbawa kung sa academics ka matalino ay parang normal lang na exam ang itatake mo. Kapag sa talents naman for example ay dancing or singing, may three judges naman ang magdedesisyon kung makakapasa ka o hindi, para bang nasa Got Talent ka na pero sooooooobbrang strikto as in to the max! Kaya nga buti nalang sa sports ako eh dahil skills ang tinitignan.
Tama na ang chukchakan gumora na tayo! "George!" Rinig ko at kilala ko na kung sinong babae toh. Tumingin ako sa kanyang tsaka pinaikot ang mga mata ko. "Hey! Bakit mo ba ako iniignore?" Tanong ng conyo. Hindi ako sumagot dahil di ko bet ang tawag niya sakin. "Uuggh fine Georgia." Pagkatapos niyang sabihin ay humarap na ako sa kanya ng may kasamang ngiti. "Bakit ba Georgia ang like mong icall sayo, it's so not bagay." Tanong ni Theora gurl "Bahala ka na nga diyan." Sabi ko na tangkang umalis. "Teka Georgia waiiittt."
。。。。。
11:30 na at tapos na ang morning classes namin kaya papunta na ako sa cafeteria para puntahan yung mga kasamahan ko. "Georgia!" Tawag sa akin ni Sam kasama ang kambal. "Hellooo musta klase." Bati at tanong ko sa kanila "Erkey lang naman, we just nagkaroon ng quiz." Sagot ni Theora gurl, napansin kong halos magdikit na ang kilay ni Theo sa itsura niya. "Anyare don?" Tanong ko sa kambal niya "He just have problema or galit but I think he has galit on someone." sagot ng conyo "Pano mo naman nasabi na may galit siya sa ibang tao?" Tanong at nagulat ako sa kanyang sagot "Dahil he got a high score sa quiz ng Calculus." Ano?! Seryoso ba toh?! "S-seryoso?!" Tumango si Theora at di nalang ako makapaniwala.
"Tabi nga jan!"
Napalingon kami sa pinanggalingan ng sigaw sa cafeteria. Anak ng tinola si Jake nanaman, hilig mambully ang g*go. Nilapitan si Jake ng ibang lalaki ngunit dahil sa mayaman ito ay wala silang magawa kung hindi ay panoorin ang lalaki na inaapi ang babae. "Ganyan ka ba kahina ha? Simpleng tulak nadapa ka agad?! Well lahat naman talaga ng mga babae ay mahihina. HAHAHAHAHAHAHAHA" Pang-aasar ni Jake sa kawawang babae. Tatadyakan na niya dapat ang babae hanggang sa may sumipa sa kanya sa kanyang tiyan, anak ng- Theora anong ginagawa ng babaeng yon!
"Aray! Bakit mo ginawa yon ha?!" Galit na galit na tanong ni Jake, lagot... "To make you feel the feeling that you have when having a period every minute." Sabi ni Theora "Do I look like I give a f*ck about periods?!" Sigaw ni Jake "Listen here you jerk. Can you cook, clean, and talk on the phone at the same time?! How about wearing a 5 inches heels?! Can you still stay alive after 7 days of bleeding from menstruation?! Ano?! SAGOT!" mas malakas na sigaw ni Theora, grabe! Katakot ni gurl! Pati si Jake natame-me. "K-kilala mo ba kung sino ako?! Ako lang naman ang anak ng nagmamay-ari ng Torres Corporation. Pwedeng-pwede kitang paalisin sa university na toh ano mang oras!" Pagyayabang niya, tsk tsk tsk di niya at kilala ang kachukchakan niya. "Pwes, do you even know me?!" Tanong ni Theora habang nakangisi, mukhang may mapapaihi dito sa takot. "P-pake ko?!" Here it goes "I am Theodora B. Harrison, the future heir of Baffier vignoble et hôtels and the sister of the heir of Harrison Banking Company. Sa isang pitik ko lang, kick out ka na sa university na toh!" Sabi ni Theora na may kasamang nakakatakot na awra. Natame-me talaga si Jake, unting push nalang talaga ay mapapaihi na siya. "Hindi ko toh palalampasin!" Sabi ni Jake habang tumatakbo palabas ng cafeteria, iihi na ata yun.
"Ok lang ba you?" Bumalik na si Theora sa pagiging conyo, mukhang di na siya galit. Buti naman, para kasing ibang Theora ang kaharap ko. "Oho, salamat po..." sabi ng babae kay Theora. "Ano ka ba! Wag mo akong i-po! It's so not bagay! What's your name ba? Why is g*go bullying you ba?" Sunod-sunod na tanong ni Theora sa babae "Cassie ang pangalan ko, aksidente ko kasing natalsikan ng tubig yung coat ni Jake..." "Dahil lang doon?!" Tanong ko na dahilan kung bakit nagulat ang babae "Ay sorry hehehehehe" pagsosorry ko kay Cassy at Theora na nagulat din. "Basta just iwas that g*go and be be careful next time." Tumango si Cassy at bumalik nalang sa kaniyang mga kaibigan. Bumalik narin kami sa upuan namin dahil di pa namin natatapos ang pagkain namin.
"Quite the show sis." Sabi ni Theo na mukhang natawa sa nangyari. "Oh wow, you look maayos na." Sabi ni Theora kay Theo "Ayos na yung problema ko." Sagot ni Theo "Erkey." Sagot na lamang ni Theora habang may katext ata sa phone niya. Sana naman ay wala nang pa-epal, nagugutom pa ako eh.
To be continued 。。。
BINABASA MO ANG
Who are you?
Mystery / ThrillerMinsan mas masayang kausap ang mga online friends mo ngunit kilala mo ba talaga kung sino ang nakakausap mo? Winter is a 22 year old girl who don't have a lot of friends because of a "certain incident", but because of the internet she met a few frie...