Chapter 24 - Until we Meet Again

260 20 5
                                    

Asher's POV

Maaga akong natulog ngayon sa kadahilanang maaga akong papasok bukas. Mga bandang alas dos ng madaling araw nang maalimpungatan ako.

"Kuya Richard!"

"..." sabi nito na hindi ko naman maintindihan

"ayos ka lang po ba?" tanong ko rito

"hmmm..." sabi nito sabay yakap sa akin

Langong lango si Kuya Richard sa alak ng mga oras na iyun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung kaya nilayuan ko agad ito.

"ano ba kuya?! nasasaktan na ako!" sabi ko habang patuloy pa rin ito sa paghahatak sa aking katawan.

Pwinersa ko ang pagkakaalis sa kanya hanggang sa napahiga ko ito.
Kaagad naman akong kumuha ng bimbo upang gamiting pang punas sa nangangamoy nitong katawan.

"Kuya Richard! umayos ka pupunasan kita!" sabi ko ngunit tila tinakasan na ito ng lakas

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakabutones ng kanyang longsleeve. Bumungad naman sa akin ang napakatikas nitong katawan na parang batak na batak sa gym.

Pinunasan ko ang kanyang mukha hanggang sa kanyang katawan. Maya-maya lamang ay hinatak ako nito papunta sa kanya. Pinahiga ako nito samantalang siya naman ay nakapatong sa akin.

"Kuya Richard anong..." hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil tinakpan niya ang aking bibig.

Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Sa pangalawang beses ay nagahasa na naman ako ng sariling kamaganak.

"tama na po Kuya!" sabi ko rito ngunit patuloy lamang ito sa pangbababoy sa akin.

Naiyak na lamang ako sa mga ginawa niya sa akin. Hindi ko magalaw ang aking katawan at nakaramdam akong muli ng kakaibang takot. Nakatulog na lamang ako sa sobrang iyak.

"Asher..." tawag sa akin ni Kuya Richard

"Ngayon lang ako nahimasmasan sa mga nangyayari!"

Napaatras ako kay Kuya Richard at naramdaman ko na ang Trauma na dinanas ko rin ilang taon na ang nakararaan. Niyakap ako nito pero nagpupumiglas ako.

"Sorry Asher! nabigla lang ako!"

Nagsuot ako ng damit at kaagaran namang lumabas sa aking kwarto. Nanginginig akong uminom ng tubig. Napahawak na lamang ako sa aking likuran at sa pangalawang pagkakataon ay dinugo itong muli.

"Tristan... sorry" sabi ko na lamang habang naiiyak sa lahat ng mga nangyari kagabi.

"oh Asher, Anak! anong ginagawa mo riyan? kumain ka na!" sabi ni Mommy

Napatalikod ako sa kanya at marahang pinunasan ang aking luha.

"sige po Mommy!" garalgal kong sabi

"umiyak ka ba?"

"hindi po napuwing lang po ako!"

"namumugto ang dalawa mong mata at gusto mo akong maniwala na napuwing ka?" sabi nito sa akin

Magsasalita na sana ako ng bigla namang sumingit sa usapan si Kuya Richard.

"Inaway siya ni Tristan!" sabi nito na kinagulat ko

"Kuya! ano bang sinasabi mo?"

"umamin ka na Asher! sinasaktan ka ng Mokong na iyun!" sabi nito sa akin na siyang dahilan upang tumaas ang boses ko

"SUMUSOBRA KA NA KUYA!"

"Asher! anong nangyayari sayo? bakit ganyan ka kung makipagusap sa kuya mo?"

Dito ay mas lalong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na nagawang kumain at nagkulong ako sa aking kwarto.

"Asher... sorry!"

"Ang sakit sakit kuya! anong ginawa ko sa iyo para gawin mo ito sa akin at kay Tristan?!"

"dahil kay Tristan!"

"pero mabait siya Kuya! malayo siya sa nakilala mo roon sa restaurant at mahal ko siya!"

"eh ako? paano tayo?" sabi nito na kinabigla ko.

"anong tayo? walang tayo Kuya Richard! magpinsan tayo!"

"Paano yung pinangako mo sa akin noon na ikaw lang at ako hanggang dulo?"

"nasisiraan ka na ba Kuya? Magpinsan tayo! Gumising ka nga sa kahibangan mo!" sabi ko na mas lalong nagpatulo ng luha ko

Nilapitan ako nito at pinaghahalikan nito. Pinahawak niya rin sa akin ang kanyang alaga.

"ito! ito ba ang gusto mo?" tanong nito na siya ring dahilan upang sumabog ako sa galit.

Nasampal ko si Kuya Richard at nakita kong tumulo ang luha nito.

"Mahal kita Asher!"
"ano bang mayroon ang Tristan na iyun na wala sa akin?" tanong nito

"maraming magkakagusto sa iyo Kuya at sigurado akong may magugustuhan ka pang iba!"

"pero ikaw lang ang laman nito at nito!" sabi nito sabay turo sa kanyang puso at utak

Tinulak ko ito palayo at pinalabas ng kwarto. Hindi ko na binalak pang pumasok. Naglayas ako ng bahay na tanging ang dala-dala lamang ay isang sling bag na may lamang cellphone at kapirasong pamalit damit.

"Tristan! sunduin mo ako rito sa kanto ng Kardel!" sabi ko rito sa tawag

"bakit? anong nangyari? umiiyak ka ba?" nagaalala nitong tanong ngunit pinutol ko na lamang ang linya

Mahigit kalahating oras akong naghintay sa kanya rito. Dumating itong parang basang sisiw dahil tagaktak ang pawis nito.

"napaano ka baby?"

Hindi ako nakaimik at umiyak ako sa kanya habang yakap yakap ko ito.

"Ayaw ko muna sa amin!"

"HUH?" gulat nitong tanong

"basta ilayo mo ako rito!"

Plinano naming umuwi muli ng Antipolo. Kumuha lamang siya ng kanyang gamit at pera at dumiretso na kami ng Terminal.

From TOP to BOTTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon