Tristan's POV.
Tinitignan ko lang si Asher habang nagpipaint ng aming backdrop. Ako naman ay nagtatahi upang magkaroon nang magsisilbing tali sa paglalagay sa aming Booth.
"maganda ba?...." sabi ni Asher na siyang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"oo naman! bakit?"
"Wala kinakabahan lang ako kasi baka hindi magandahan ang mga pupunta sa booth natin" sabi nito sa akin.
"Bakit inii-SMALL ka ba nila?" tanong ko dito na sinuklian niya lamang nang iling.
"wag ka magalala kasi inii-BIG naman kita!" sabi ko dito ngunit isang irap lamang ng mata niya ang sinukli.
Nagpatuloy kami sa ginagawa hanggang sa nauna akong matapos. Nagunat unat ako ng katawan at nagpaalam na pupunta muna ng Banyo.
"Oh Tristan! tapos na ba kayo?" tanong ni Tita Rob matapos kong lumabas ng banyo.
"hindi pa po Tita eh!"
"Sige dalhin mo na lang itong niluto ko at sa kwarto na lang kayo kumain!" sabi nito sa akin.
"Kain na muna tayo Baby..."
"este Asher""tigil tigilan mo ako masapak na naman kita" sabi nito sa akin na nagpatawa naman sa akin.
"kumakain ka ba ng pancit canton?" tanong ni Asher sa akin
"oo naman lalo na ngayong kasabay kita feeling ko tuloy LUCKY ME eh" sabi ko na nagpangisi naman sa kanya ng panandalian.
"dami mo talagang alam no! kumain ka na nga lang!" sabi nito habang tuloy pa rin sa pagpepaint.
Nang iaabot na sana sa akin ni Asher ang Juice ay natisod siya ng tali na ginawa ko kanina. Natumba ito sa akin at ako naman ay nabuhusan ng Juice.
"Sorry Tristan! promise hindi ko iyun sinasadya" sabi nito sa akin habang pinupunasan ang damit at pantalon kong basang basa sa Juice.
"Papahiramin na lang kita ng damit at short para makapagpalit ka muna"
Pumunta ito sa drawer niya at kumuha ng short at damit na kaniyang ipapahiram sa akin.
"Mahabaging Langit" ang napasabi niya na lang matapos makita akong hubo't hubad.
Binato niya sa akin ang damit at short at tumalikod ito. Dahil sa may pagkamapusok ako nilapitan ko ito sa inabot ang panyong kanina ay pinapamunas niya.
"Asher pwede mo ba akong punasan?" sabi ko dito habang iniaabot ang panyo.
"paano mo ako pupunasan ng maayos kung nakatalikod ka?" tanong ko dito.
Humarap ito sa akin na nanginginig ang mga kamay. Tanging boxer ko lang kasi ang suot ko. Sa sobrang nginig niya ay nalaglag niya ang panyo.
"ASHEEEERRRRRRRR" sigaw ng Nanay niya na dahilan upang mapaupo din ako.
"hindi niyo na ginalang ang pamamahay ko at dito pa kayo naglampungan!" sabi ni Tita Rob
"ano bang pinagsasabi mo Mommy?" sabi ni Asher sabay tayo at lumapit sa kanya.
"Nakita kita na nakaluhod sa harap ni Tristan! Hindi ko lang nakita kung anong ginagawa mo kasi nakatalikod si Tristan sa akin!" sabi nito kay Asher na nagpatawa sa akin.
"Tita nalaglag niya kasi yung panyong pinapamunas niya sa akin!"
"Eh bakit ba naman kasi nakahubad yang batang iyan?"
"aksidente ko po kasing nabuhusan siya mommy! okay ka na?"
"hay nako makalabas na nga! magligpit kayo diyan ah! ang samok samok niyo" sabi ni Mommy
Lumabas ito at muling nilock ang pinto.
"ikaw na magpunas ng sarili mong mokong ka" sabi ni Asher sa akin at binato ang hawak niyang panyo.
Dinampot ko ang panyo at lumapit papunta kay Asher. Tinitigan ko ito sa mata ngunit nilayo lamang nito ang kanyang tingin. Lumapit pa ako dito lalo at niyakap ito. Kahit makailan man akong ulit gusto ko lang iparamdam sayo na seryoso na ako ngayon.
"I love you Asher! Akala ko noong una laro laro lang pero nung nagalit ka sa akin at naisip kong mapapalayo ka sa akin nasaktan ako!"
Tinignan niya lang ako at yumuko. Nagulat ako sa mga sumunod niyang ginawa.
"I love you Tristan!" sabi niya sa akin matapos niya akong halikan.
Nagulat ako at napipe sa sa mga nangyari. Binato niya sa akin ang damit at short.
"magbihis ka na! lalabas lang muna ako!" sabi nito sa akin sabay labas ng kwarto
BINABASA MO ANG
From TOP to BOTTOM
Narrativa generaleSi Asher Buenaventura ay isang High School Student. Matalino na gwapo pa kung kaya siya ang Campus Crush sa kanilang School. Dahil sa taglay na kagwapuhan ay lapitin ito ng mga babae. May pagkamadaldal ito at pagkasungit lalo na sa mga hindi nito ka...