Chapter 30 - Breakdowns

200 11 3
                                    

Tristan's Pov

Sinabi na sa akin ni Asher ang lahat. Pinagiisipan ko kung makikipagkita pa ba ako kay Mama. Natatakot lang ako sa kung anong posibleng mangyari sa aming dalawa ni Asher kung sa sakaling pumunta kami ng bahay.

"Nasayo pa rin ang desisyon Tristan! Naaawa lang talaga ako kay Tita!" sabi sa akin ni Asher habang nagtutupi ito ng mga damit.

"Wala namang galit sa akin si Mama pero si Papa ang iniintindi ko! hindi ko alam ang gagawin ko kapag pinaghiwalay niya tayo!" sabi ko rito.

"gusto mo bang samahan pa kita?"
seryosong tanong niya sa akin pero hindi ko na nasagot.

Nagayos ako at nagbihis. Naglalakad pa lang ako ay kinakabahan na ako.

"ano? sigurado ka na ba?"

"oo baby! sana wala si Papa!"

Kumatok si Asher sa pinto ngunit wala pa ring sumasagot. Kakatok na sana ako ngunit biglang nabuksan ang pinto.

"Tito..." sabi ni Asher matapos makita si papa.

"WAG MO AKONG MATITO-TITO WALA AKONG KAKILALANG MGA BAYOT!"

"PAPA!"

"ISA KA PA! WAG MO AKONG MAPAPA-PAPA! HINDI KITA ANAK! MATAGAL NA AKONG WALANG ANAK!"

Aamba na sana ako ng sapak ngunit nahawakan agad ako ni Asher.

"Tristan 'wag! papa mo pa rin yan!"
pagmamakaawa ni Asher habang hawak-hawak ang aking braso.

"Anak!!!" sigaw ni Mama matapos niya akong makita.

"sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis!" lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.

Naramadaman kong umiyak si mama dahil bahagyang nabasa ang aking braso.

"Babalik ka na ba sa amin anak?"

"ANONG BABALIK? WALA NA AKONG ANAK!"

"CARLITO! ANAK NATIN ITONG PINAGSASABIHAN MO!"

"ANONG ANAK? WALA AKONG ANAK!"

"DAHIL LANG SA HINDI STRAIGHT ANG ANAK MO IKAKAHIYA MO NA?"

Hindi nakaimik si Papa ng mga oras na iyun. Alam ko naman talagang ayaw niya sa mga bakla pero anong magagawa ko? namin ni Kuya Tyron? tao pa rin kami! nagmamahal lang rin ako katulad ng normal na lalaki at babae.

"MAMILI KA! LALAYAS KA NG PAMAMAHAY KO AT KOKONSINTIHIN YANG ANAK MO O AKO?"

Hindi makasagot si mama at mas lalo pa itong umiyak. Kahit nasa bakuran kami ng aming bahay ay nagtitinginan ang ibang tao sa may gate.

"Ang anak ko CARLITO! KAYANG KAYA KITANG PALITAN PERO ANG ANAK HINDI!" sabi ni Mama.

Niyakap ko ito at nagmakaawang 'wag umalis ng bahay.

"Ma! ano bang pinagsasabi mo?"

"Huwag mo akong intindihin anak! kayang kaya kitang buhayin! nakapagtapos rin naman ako!"

"MGA WALA KAYONG KWENTA! MAGSIPAGLAYAS KAYO NG PAMAMAHAY KO!"

Pumasok si Mama at kumuha ng mga gamit. Dali-dali itong nagimpake at tanging mga mahahalagang gamit lang ang kinuha.

"SA ORAS NA LUMABAS KA NG PINTONG IYAN AY HINDING HINDI KA NA MAKAKAPASOK PANG MULI!"
banta ni Papa pero hindi natinag si Mama.

Umalis kaming tatlo sa bahay na iyun at nagpaplanong pumunta kay Kuya Tyron. Hinatid namin si Asher papuntang bahay nila at iniwan ko muna ito.

"Salamat Ma!" sabi ko rito sabay yakap sa kanya.

Sumakay kami ng jeep at duniretso na kila Kuya Tyron. Ako lang kasi ang nakakaalam ng bahay niya.

"Kuya Tyron!" tawag ko rito.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae.

"Oh Tyron! nandito si Tantan at ang...." naputol na sabi ng babae.

"OH TANTAN!..." masaya nitong bungad sa akin ngunit naputol ito matapos makita si Mama.

"Anak!..."

"bakit mo naman sinama 'yan?!"

"Kuya Tyron! pinili tayo ni Mama!"

"Bakit? takot ba siyang mawalan nang magaalaga sa kanya pag dating ng araw?"

"anak! 'wag ka namang ganyan sa akin!"

Pumasok ito at hindi man lang kami inanyayahan pumasok.

"Tita! Tyron! pasok muna kayo!"
"Ako nga pala si Shane! asawa ni Tyron!" sabi nito

"Totoo ba ito?" tanong ni mama

"Oo Ma! BISEXUAL AKO HINDI AKO BAKLA! AT KUNG HINDI MO AKO TANGGAP AT SI SHANE PWEDE NA KAYONG UMALIS!"

"Kuya naman! Lumayas si Mama ng bahay dahil sa pinili niya tayo... dahil sa mahal niya tayo!"

"basta bahala kayo! anong plano niyo rito!"

"dito muna sana si Mama! Kuya"

"ano?! naalala mo ba Ma yung araw na pinalayas niyo ako ni Papa dahil sumama ako sa isang lalaki?"

"anak sorry!"

"umuulan nun! alam mong wala akong mapupuntahan at yung damit ko binato niyo pa sa bakuran!"

"Kuya! nakikiusap ako sa iyo!"

"Hindi Tantan! Ngayon ko lang naman masasabi ang lahat ng hinanakit ko after 5 years!"

"Nakapagtapos ako Ma! napagaral ko ang sarili ko sa 4rth year at ngayon magkakaanak na!"

"MAGKAKAPAMANGKIN NA AKO?"
gulat kong tanong

"Oo Tantan! sa katunayan nga 2months na itong si Baby, mabuti nga nakita na kita! plano kasi naming ipaalam sayo sa kasal!"

"magkakaapo na ako?" tanong ni Mama

"wala kang apo hindi rin naman kita Ina!"

"Tyron! mahal tama na! nanay mo oa rin 'yan!"

Umakyat si Kuya sa itaas. Niyaya naman kami ni Ate Shane na kumain. Hindi ko naman akalain na magaasawa si Kuya matapos ang dalawang lalaki na dumaan sa buhay nito. Sa ngayon kila Kuya Tyron muna kami titira nila Mama.

From TOP to BOTTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon