how it started

38 3 0
                                    

***


Oh shit! Of all the days naman na pwedeng matapunan ng taho ang black heels ko, ngayon pa na may defense ako mamaya.

"Sorry,"

Maibabalik ba ng sorry niya 'yung nangyari? Mas nakakainis kasi wala na akong oras para magalit pa sa kaniya kasi baka malate pa kami ni Leia and Dianne sa defense.

"Maganda sana, masungit lang..." rinig ko pang comment niya, hindi ko na siya nilingon kasi baka buong corporate attire ko na ang malagyan ng taho!

Gwapo sana, pero gago.

Diyan kami nagsimula. Sa taho. Si Manong pa ang naging bridge para makilala namin ang isa't-isa. Na-guilty daw kasi siya kaya tinanong niya si Manong kung ano ang pangalan ko. Hinanap niya ako sa facebook para tanungin kung kailan ako may free time kasi gusto niya mag-sorry ng maayos. Buti na lang pala at suki kami nila Leia kay Manong.


Days turned into weeks. Hindi ko napapansin na madalas na kaming magkasama. Third year Accountancy student ako at siya naman ay Fourth year Architecture student. Magkalayo ang building naming dalawa at magkaiba ang course namin pero we became study buddies. Sabay kami nag-aaral kapag nagtutugma ang mga schedules namin. Bibili muna kami ng taho kay Manong tapos tatambay na kami sa student lounge ng College of Engineering and Architecture para magreview. Minsan naman, doon sa student lounge ng College of Business and Accountancy.

Wala sa plano ko ang pumasok sa relationship habang college pa. Until he came into the picture. I was just the normal Accountancy student. Hindi nga ako top student eh, saktong pumapasa lang. I don't have time to deal with anyone and anything except my Accounting, Law, and Taxation books. But then, he made me realize that college wasn't just about studying and grades. Minsan kailangan rin mag-enjoy.


Sa University Grandstand ang unang event na pinuntahan ko na kasama siya. It was our University Fair. Surprisingly, parehas pa kami ng paboritong banda kaya siya ang sumama sa akin. Busy kasi si Leia at Dianne magreview. Habang ako, ito pumaparty na.

"I'm falling in love with you, Gen."

That night, I didn't regret hugging him and saying that I am also falling in love with him.


Weeks turned into months. Mas lalo lang akong napapamahal sa kaniya. Kung noon, ang gusto ko lang ay makagraduate, ngayon gusto ko na maging CPA. Gusto ko magtake ng boards, gusto ko maging topnotcher. Masyado na akong naiimpluwensyahan ni Ethan sa pagiging goal-oriented niya. Isa 'yan sa mga bagay kung bakit mas minahal ko siya. He helps me to be the better version of myself.



"CPA, here we go!"

"Anong 'we'? ako lang namang ang kukuha ng CPALE sa ating dalawa"

"I know. But I want you to know that I'll be with you in every step that you will take." he held my hand and pulled me into a hug.

Wala na, hulog na hulog na ako. Hindi na ako makakaahon pa dito.

"Look at this, Love" ipinakita niya sa akin ang kanina niya pa pinagkakaabalahan habang nakikinig sa kwento ko – ang sketchpad niya.

"Ten years from now, this will be us. I'll marry you when we are emotionally, mentally, spiritually, and financially ready. Tapos dito," turo niya sa bahay na drawing niya "Dito tayo titira. We're going to build a home."

I couldn't speak. I am just staring at him. I love how passionate he is about his dreams.


In that moment, I knew that I have already found the man of my prayers.

The Broken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon