1

53 3 0
                                    

"Congratulations!" I almost jumped in surprise when my friends hugged me. Nandito kami ngayon sa university para tignan ang bagong kabit na list of CPA passers. Maagang nirelease ang results ngayon, mas maaga kaysa sa inaasahan namin. It's been 2 weeks since the PRC released the results at mabilis na nakapagpagawa ng tarpaulin ang Acocuntancy Department ng College of Business.

2 months na rin ang nakakalipas nang mag-take kami ng CPALE. Akalain mo nga naman, after 2 months, CPA na rin ako at ang mga kaibigan ko.

Printed there was our graduation pictures with our names and the three letters na pinaghirapan naming ng ilang taon.

Top 8 - 87.84%

Genesis Bliss R. Gonzalo, CPA

Who would have thought that I'll make it? After all those countless sleepless nights, cups of coffee, heartbreaks, and tears, I finally made it.

I couldn't help but smile as I remember all the obstacles that I've been through just to get the title. Akala ko nga babagsak na ako kasi nawala ako sa focus, eh.

"Wala bang libre diyan?" mapang-asar na hirit ni Dianne, college friend since freshman year.

"Tigilan niyo nga ako. CPA na rin naman kayo." I rolled my eyes at them.

"Oo nga, CPA na nga kami. Pero hindi naman kami 'yung nasa top 8 ng CPALE"

Topnotcher nga, pero parang hindi ko maramdaman. Siguro kasi wala pa rin akong trabaho? Siguro kasi ako lang ang pumasok sa top 10 at hindi sila Leia at Dianne? Siguro kasi wala na siya? Hindi ko alam.

"Next time na ako sasama sa inyo, may lakad kami ni Paul ngayon." pagpapaalam ni Leia, "Congrats ulit, Gen!"

Nauna na rin umalis si Dianne kasi kailangan na daw siya sa bahay nila. Ang ending, hindi natuloy ang celebration naming magkakaibigan.

Naiwan akong mag-isa dito. Pumunta na lang ako sa Grandstand kasi ayaw ko pa umuwi. Estudyante pa lang ako, isa na 'to sa mga tambayan ko kapag mag-isa lang ako. Paborito ko lang dito kasi tahimik, tanaw mo kung gaano kaganda ang langit na para bang walang problema, ramdam mo rin ang simoy ng hangin.

I closed my eyes and took a deep breath. A thousand memories flashed through my mind like a lightning.

The Broken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon