2

49 3 0
                                    

When I opened my eyes, everything was gone.

It was all just a memory now.


I decided to go to the Admin Building so I can process my requirements such as my TOR at para kuhain na rin ang yearbook ko. This might be the last time na magagawa ko 'to eh.


"Genesis?" I heard someone called me. It was Manong. Nandito pa rin siya sa tapat ng College of Engineering nakapwesto para magtinda ng taho.

"Manong! Kumusta po?" nilapitan ko siya para makausap.

"Mabuti ako, hija. Nakita ko ang picture mo doon sa tarpaulin! Palagi nga kitang kinukuwento dito sa mga estudyante na bumibili sa akin eh. Proud na proud ako sayo, Gen" he is almost teary eyed.

Parang tatay ko na rin kasi ng mga estudaynte si Manong. Sa tuwing hinihintay ko si Ethan matapos sa klase niya, si Manong ang kasama ko na maghintay sa kanya. Kung tutuusin pwedeng umuwi na lang siya sa pamilya niya. Pero ganito si Manong sa lahat ng mga estudyante na mabait sa kaniya.

"Ito 'yung palagi kong kinukuwento sa inyo! Siya 'yung topnotcher sa CPA. Dati bumibili lang sa akin ng taho 'yan" pagmamayabang ni Manong doon sa magjowa na bumibili sa kaniya.

"Ate, ano pong sikreto niyo?" magiliw na tanong sa akin nung babaeng estudyante.

"Sipag at dasal lang. Siyempre, malaking tulong din ang tinitinda na taho ni Manong sa akin noon. Kaya bumili kayo palagi sa kaniya ha?" nakangiting sagot ko sa kanila.

"Mahalaga rin na mahal mo ang ginagawa mo at masaya ka rito. Kasi kapag mahal mo, hindi mo susukuan." pahabol ni Manong.


Kapag mahal mo, hindi mo susukuan. Madalas niyang sabihin sa amin ni Ethan 'yan noon. Kaya din siguro kami nagtagal.


Nang makaalis na ang dalawang bata, nakangiti pa rin si Manong. "Parang kayo lang ni Ethan noon."

Napailing na lang ako.


Parang kami noon. Masaya. Puno ng pangarap. Pangarap na sabay sana naming tutuparin.


"Genesis, hija" I came back to my senses when Manong waved his hand in front of my face, "ayos ka lang?"

I smiled at him. Trying to hide my real emotions.

"Gen, naghihintay pa rin ako ng imbitasyon. Sabihin mo lang para masabi ko na sa misis ko na ipatahi na niya 'yung susuotin ko."

"Manong talaga, tinalo mo pa si Tito Boy sa mga tanong mo e! Sige na po, mauna na po ako. Ingat po kayo"


Masyado palang napatagal ang pakikipagkwentuha ko kay Manong kaya inabutan na ako ng lunch break. Pumunta na muna ako sa cafeteria para kumain. Sabado ngayon kaya hindi masyadong madaming estudyante ang nandito.


"Hi, Tiyang. Pork Steak po tapos bottled water" sabi ko kaagad sa isang stall na kinakainan namin madalas. Ayan ang usual order ko, hindi ko naman 'yan favorite, sadyang madalas ko lang bilhin talaga. Paborito namin dito kila Tiyang Nelya kasi bukod sa masarap ang mga pagkain nila, mabait pa si Tiyang.

"Genesis, ikaw pala 'yan! Ngayon ka na lang ulit napasyal dito ah?" masiglang bati sa akin ni Tiyang. Ganoon pa rin siya, masiyahin. Nakapalda na lagpas tuhod, naka white blouse, naka-hair net at syempre ang apron niya na may nakalagay na Nelya's Cuisine.

The Broken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon