Dear Diary,
Peste, kaklase ko pala yung pinsan ni ex, si Francis Elliott Lagrana, katabi ko with Dion, bwisit rin itong lalaking ito eh, makapanlait akala mo perpekto akala mo naman daig pa ang diyos at diyosa.
So ayun yun lang naman gusto kong sabihin diary, kasi these past few days naiirita at naiinis ako, nagkaroon rin ako ng mental breakdown kamakailan lang.
Naiirita, naiinis, at Pagod,
Amy.---
Extra
"punyemes ka Francis!!" sigaw ko sa kanya.
Nakita ko yung upuan ko na punong-puno ng box ng mga chocolates, valentines kasi ngayon, like wtf?!
"oh pre! Bakit? Gusto mo? Luh asa ka." Pachill-chill niyang tanong at sabi sa akin samantalang ako ay nagaapoy na sa galit. Punyemes ka talaga Francis!
"Wala akong sinabing gusto ko! Alisin mo nga yan punyeta! Sakit sa mata!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw ang masakit sa mata burrnn! Wala ring may gusto sayo aww HAHAHA, ikaw na mag-ayos niyan ah upuan mo naman." Sabi niya sa akin at binelatan ako, naiinis ako kaya ang ginawa ko, pumunta ako sa likod ng inuupuan niya at linaglag ko siya, *smirk* malakas to pre nag-gygym ako, nalaglag siya sa kinauupuan niya at gulat niya akong tinignan, buti nga sayo pre deserve mo yan.
"Oh ayan sa wakas nakaupo na rin ako, dahil dito na ako nakaupo, ikaw mag-ayos niyan ha?! Kasi sayo naman yan!" Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng nakamamatay na tingin. Pakyu pre!
---
BINABASA MO ANG
Diary Ng Bitter
Teen FictionIsang bitter, Amy. Kadalasan ang karamihan nangangarap ng magandang love life pero iba si Amy dahil ang pangarap niya ay tumandang single, walang dalang baggage sa buhay, bitter na kung bitter, ayaw lang naman niya masaktan sa bandang huli.