14 | Clinic

15 4 0
                                    

Amy

*krriiinggg*

Hay sa wakas tapos na ang klase at pwede nang maglunch, dadaan pa kasi ako ng clinic para ipalinis ang mga laslas ko, linagyan ko lang ng alcohol muna, pero sigurado akong hindi ito tuluyang nalinis at isa pa, suki na ako ni Nurse Eva doon sa Clinic, siya yung naglilinis ng mga sugat ko every time na malalaman niyang nag mental breakdown ako, at siya lang rin ang pinagkakatiwalaan ko tungkol dito.

"Amy tara na, lunch na tayo," tawag sa akin ni Jelai.

"sorry Je, di ako makakasabay ngayon," sabi ko sa kanya at malungkot na ngumiti, pero nginitian niya lang ako.

"ok lang Amy, time of the month ba? Magpahinga at matulog ka na lang doon okay," sabi niya sa akin at yinakap ako kaya yinakap ko rin siya pabalik.

Umalis na siya at nag stay muna ako sandali sa upuan ko, yung time of the month na sinasabi niya ay dahil one or twice a month kasabay nang pagpapalinis ko ng laslas ko ay natutulog at nagpapahinga ako sa clinic kung stress at pagod ako alam yun ng mga kaibigan ko, kaya tuwing hindi ako makakasama sa kanila ng lunch ay naiintindihan nila ako.

Kinuha ko na ang bag ko at lahat ng gamit ko sa kinauupuan ko, pero bago ako umalis ay napatingin ako kay Francis na natutulog na mayroong pang hilik kaunti. Hindi ko na siya gigisingin dahil mukha siyang pagod mula kanina pang umaga, pinabayaan ko na siyang matulog at tuluyan ng umalis.

Clinic

After kong kumain ng lunch mag-isa ay dumiretso na ako rito sa clinic.

"knock knock, Nurse Eva andito ka po ba?" tanong ko sabay katok sa pintuan ng office niya, hindi ko kasi alam kung nasa loob siya o nasa labas at may inaasikaso na estudyante.

"yes Ms. Layana, I am here, halika na." sabi niya at pagtawag niya sa akin papunta sa kanya sa pinakadulong bed stall.

Nakita ko na nakahanda na ang panglinis niya sa sugat ko, well ready na since tinawagan ko siya kahapon na kailangan kong magpalinis.

"halika na iha, lilinisan natin yan," sabi niya sa akin at pinaupo ako, pagkatapos niya akong paupuin ay sinarado niya ang mga kurtina, para maging pribado ang paglilinis niya sa sugat ko.

"time of the month again iha, why don't you seek help from Dra. Aquino, she could help you if you want." sabi niya sa akin with her soft and comforting voice.

"I want to get help, but there's stopping me, I also feel afraid everytime I think about going to a Psychiatrist, my last experience was horrible and traumatic, It is still hunting me." sabi ko habang nanginginig ang boses ko at may mga luhang malapit ng pumatak.

"kaya nga iha, it is time to try again, maybe this time it would work, don't keep yourself in darkness iha, it's time to set yourself free and see the light and life ahead of you." sabi niya sa akin at napansin ko na lang tapos na niyang linisan ang sugat ko.

Hindi ko na natiis at umiyak na ako sa harapan niya, lumapit naman siya sa akin at yinakap ako habang nakatayo siya at nakaupo ako.

"Ok lang na umiyak ka, pero alam ko balang araw Amy, tunay kang sasaya balang araw." sabi niya sa akin at yumuko upang punasan ang mga luha ko.

"magpahinga ka na iha, ako na magsasabi sa mga teacher mo na kailangan mo magpahinga, sige na iha." sabi niya sa akin at yinakap akong muli at hinimas ang ulo upang pakalmahin ako, tumango naman ako at humiga na sa kama.

Umalis na si Nurse Eva at ako naman ay tulalang nakatingin sa kisame, oras na nga ba para subukan ulit na pumunta sa isang psychiatrist, my last experience was horrible, it was traumatic, I don't want to remember it anymore, pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko at pumikit na para matulog.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon