13 | The Mask

9 4 0
                                    

Amy

Panibagong araw na naman kung saan ilalagay ko na naman ang maskarang gusto ko nang itapon para makapagpahinga na ako, pero anong magagawa ko? Sa pamamagitan ng pagsusuot ng maskarang ito kahit papaano nakakangiti ako, nakakalimutan ko na gusto ko nang lumisan sa mundo.

Tumingin ako sa body mirror namin ni ate dito sa kuwarto, suot ang uniform, nakita ko ang mga laslas ko at sa tuwing nakikita ko ito naaalala ko ang hirap at pagod na nararamdaman ko.

Tinignan ko muli ang sarili ko at kinuha na ang jacket ko para matakpan ang mga sugat, pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto namin.

"Himala, naka-jacket ka ngayon, Hindi ka ba naiinitan?" tanong sa akin ni mama nang makita niya ako.

"naka-aircon naman po sa school ma, kaya hindi naman po mainit," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"ganon ba? Oh sige, labas ka na, hinihintay ka na ni ate mo." sabi niya sa akin at lumabas na ako ng bahay para puntahan si ate sa garahe namin.

"ate, halika na." pagtawag ko sa kanya kasi busy siyang tumitingin sa phone niya, mga files siguro sa trabaho niya.

"tapos ka na pala, tara na." sabi niya sa akin at pumunta siya sa driver's seat at ako naman ay sa shotgun seat.

***

"bye, pakabait hahaha charot." sabi sa akin ni ate, natawa naman ako kaunti at nagba-bye na rin ako sa kanya.

Maglalakad na sana ako papunta sa classroom, kaso nga lang parang ayaw gumalaw ng mga paa ko, peste naman bakit ganito? Napabuntong hininga ako at sinubukan ko ulit maglakad, sa wakas! Pwede na!

Naglakad na ako papunta ng classroom ng may naririnig akong bulungan ng ibang estudyante.

Uy yan yung top 1 ng Section 1 di ba?

Ah oo, siya nga

Ang pangit niya hahaha, hindi bagay maging top 1, buti na lang talaga nailipat si Dion.

What do you mean?

Well duh, papalitan ni Dion yang pangit na yan, as far as I know mas matalino si Dion kaysa diyan.

Sige mag-usap lang kayo sa likod ko na para bang kunwari hindi ko naririnig.

Alam kong pangit ako, alam ko yon. Matalino ako pero yun lang ang meron, pero wala rin akong paki sa ranking, basta nakakapag-aral ako okay na ako doon.

Nakarating na ako sa classroom namin at sinalubong naman ako ng mga yakap ng mga kaibigan ko. This is one of the reason why I can't get rid of the mask. Ayaw kong maging dagdag na problema sa kanila at isa pa napapangiti nila ako.

"good morning Amy!" bati nila sa akin habang naka ngiti at nginitian ko rin sila pabalik.

"himala nagsuot ka ng jacket ngayon" gulat na sabi ni Esme at tinignan naman akong mabuti ni Jelai at ni Jude.

"oo ngaaa! Omgg! Anong nakain mo ateng?" gulat at tanong sa akin Jude.

"wala feel ko lang magsuot, baka lamigin ako mamaya hahaha." sabi ko sa kanila at tumango-tango na lamang sila habang nakangiti.

Pumunta na ako sa upuan ko at nakita kong wala na ito, wtf?
Tinignan ko si Francis na natutulog, mukhang hindi siya, mukha siyang pagod eh. Tinignan ko naman ang upuan ni Dion, wala pa siya so ibig sabihin hindi rin siya. So kung hindi silang dalawa, sino?

Napalingon ako sa nagatatawanan na babae, buti na lang at may pagka-ninja ako kaunti kaya naman nakalapit ako ng hindi nila napapansin at narinig silang dalawa na nasa rooftop ang upuan ko.

Psh, mga walang magawa sa buhay, buti na lang at maaga pa para kunin yung upuan doon sa rooftop.

Rooftop

Pagkarating ko dito sa rooftop ay sinalubong ako nito ng malakas na hangin, napakapresko walang toxic na mga tao, sobrang peaceful.

Hinanap ko kung nasaan ang upuan ko at nakita ko rin naman agad. Pero hindi agad ako bumaba.

Pumunta ako malapit sa railings ng rooftop. Pinagmasdan ko ang view galing dito sa taas, ang ganda talaga kapag nasa itaas ka at titignan mo ang mga view sa baba.

Gusto ko sanang magtagal kaso nga lang baka mamaya mag-mental breakdown ako. *sigh*

Classroom

Pinasok ko na ang upuan ko sa loob ng classroom at nakita ko ang dalawang babaeng nagtago ng upuan ko na gulat na gulat, na-lip read ko ang sinabi niya wtf, how? Simple lang naman char, hindi nila kayang gawin ang ginawa ko aabutin ka muna ng ilang taon bago mo magawa hahaha.

"oh anyare sa upuan mo?" bored na tingin at tanong sa akin ni Francis ng makapunta ako sa pwesto namin.

"linagay sa rooftop," bored ko ring sabi.

Ang weird naman ng lalaking to, nakatingin sa akin psh.

"nakatingin ka? Yung jacket ko?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"nanibago lang dahil sa jacket pero pangit ka pa rin," sabi niya sa akin sabay belat, psh!

---

Diary Ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon