Kalayaan Na Tanging Hiling

20 4 0
                                    

Kalayaan na tanging hiling

Kalayaan na hinihiling
Hinihiling ng sambayanan
Ngunit ayaw namang dinggin

Nagbibingi-bingihan
Pilit iwinawaksi ang sigaw ng bayan
Mga salitang pasok dito labas doon

Kalayaan na aming karapatan
Tila tuluyan na atang maglalaho
Maglalaho dahil sa hindi kaaya-ayang pamamaraan

Kalayaan sa pagsasalita
Na ngayo'y pinapipigil na
Wala ba kaming karapatan?

Bakit? Sa bawat paglipas ng oras,
Unti-unting nagbabago ang mundo,
Mapa-gobyerno at mapa-karapatan .

Aming hiling na kalayaan
Sana kami'y dinggin
Ama kami'y nananalangin.

Poets tryna write,Where stories live. Discover now