PROLOGUE

1.5K 97 33
                                    

Tumunog ang pang-unang school bell udyat na limang minuto na lang bago magsimula ang flag ceremony habang hinahabol ang aking hininga pagkatapos ko maakyat ang palapag kung nasan ang classroom namin. Nagmamadali ang bawat estudyante na makapasok sa kanya-kanyang classroom upang hindi mamarkahan na "late" sa attendance lalo na't etong palapag na 'to ay nakalaan lamang sa mga grade 9 students ng paaralang ito. 


"Summer! Dalian mo naman maglakad!" I heard someone say, which I clearly know naman kung kanino galing, habang naramdaman ang isang mabigat na braso ang dumantay sa aking balikat na dahilan sa pagkahulog ng strap ng bag ko sa siko.


"Ano ba yan, Nzo! Sa tingin mo ba makakapaglakad pa 'ko ng mabilis kung buhat ng balikat ko yung mabigat mong braso?!" Inirapan ko siya ng pabiro bago buksan ang pintuan sa classroom para sa aming dalawa. Tignan mo 'to, siya 'tong lalaki sa amin pero ako pa talaga ang nagbukas.


Nilapag ko ang bagong bili ni mama na Michael Kors kong mini backpack nang narinig ko ang bulong niya, "Teacher daw natin si Ms Gonzales sa isang subject kaya for sure may quiz na agad yan. Pakopya ah?" dahilan kung bakit napatingin ako sakanya at umismid. Dinilaan niya muna ang labi niya bago ngumiti na mukhang loko-loko bago umupo sa upuan na nasa harap ko. Sakto namang tumunog na ang bell para sa flag ceremony bago pormal na mag-umpisa ang klase.




"Ang tagal naman lumabas ng mga 3rd year!" sigaw ng kaibigan kong si Shae na naka-upo na sa table kung saan kami lagi nakapwesto kapag break time ng 3rd year at 4th year sa paaralang ito. Kahit na nasa mas mataas na antas ang iba naming kaibigan ni Nzo, nasa iisang friend group pa'rin kami. Pwedeng maisip na napag-iwanan kaming dalawa dahil sa aming magkakaibigan pero dahil lang yon sa mas bata kaming dalawa kesa sa kanilang lahat.


"Eto na nga madam oh! Ikaw na lang kaya maging teacher namin para lagi maaga dismissal ng subject namin?" tugon ko sakanya habang hinihila ang monoblock chair para makaupo sa tabi niya. Nakita ko ang dalawa sa kaibigan namin na nakapila na para bumili ng pagkain.


"Ewan ko sayo, Summer! Ang dami mong satsat ang sakit sa tenga." patawa niyang sinabi habang humalukipkip.


"Hoy, Shae! Asan na allowance ko? Sabi ni mama sayo daw binigay ni papa allowance na'tin. Mamaya bawasan mo nanaman 'yan!" reklamo ni Nzo habang paupo sa tabi ko.


"Oh bakit? Ano naman kung bawasan ko? Ako mas nakakatanda no!" Ang ingay ng dalawang to ay rinig na rinig ko dahil napaggigitnaan lang naman nila ako. Bakit ba hindi na lang magtabi 'tong dalawang to? Nakakainis naman!


"Sumbong kita sa boyfriend mo bahala ka jan. Ayaw pa naman non sa mga ganung babae. Eww." pang-aasar naman ni Nzo. Nagtawanan na lang kami dahil sanay na kami sa dalawang 'to.




Inikot ko ang paningin ko sa buong canteen hanggang sa may nahagip ang mata ko na isang lalaki na naglalakad papunta sa kabilang side ng canteen. Dalawa kasing side ang nagtitinda ng mga pagkain. Sa kanan ay ang mga mas magaan sa tyan na pagkain katulad ng mga biscuits o tinapay habang sa kabila naman ay mga rice meals. Sa mga rice meals pumunta ang iba naming kaibigan. Gusto ko pa man din sana ng spamsilog pero sige, magbibiscuit muna ako ngayon. May lunch pa naman.

End of the ReignWhere stories live. Discover now