ANG SADISTA KONG GIRLFRIEND"A-aray babe naman eh, sorry na" sabi ko sa girlfriend na pinag susuntok ang dibdib ko.
"Sorry? Ayan na naman tayo eh sa sorry nayan!" Sigaw niya sa akin "palagi nalang ganyan"bulong niya na pinipigilan ang mga luha.
" sorry talaga babe, promise sasamahan na talaga kita okay?
Sorry kasi naging busy ako." Sabi ko habang niyayakap siya."sabi mo sasamahan mo ako eh!" Sabi niya then narimig ko nalang na hihikbi siya.kaya mas niyakap ko pa siya.
"Sige-sige kakain tayo ng ice cream ngayon". Sabi KO sa kaniya kaya naman nag liwanag ang mukha niya.
" talaga promise mo yan babe ha?" Sabi niya na parang bata.kaya mahal na mahal ko ito e kasi ang dali lang mag bago ng mood kahit sadista.
At habang kumakain kami ng ice cream ay biglang tumunog ang phone ko "yes, okay, oo naman hahaha. Sige-sige I'll call you back then? Ge bye." Sagot ko sa tawag at pag tingin ko sa girlfriend ko ay masamang-masama ang tingin niya sa akin ano nanaman ang problema nito.
"A-aray babe" sabi ko, batokan ba naman ako. "Sino yon babae mo?! Sabi niya habang hinahawakan ang T-shirt ko.
" A-aray babe ikaw lang naman ang babae ko e." Sampalin ba naman ako at tadyakan ang paa ang sakit kaya non ang sarap iwan e joke lang mahal na mahal ko kaya to kahit sadista.
"Eh kung Hindi mo iyon babae ide sino yon?!tanong niya." Kilala ko lang yon babe." Paliwanag ko. "A-aray babe." Pikutin ba naman yong tenga ko ang sakit talaga huhuhu.
"Mag Sama kayo ng babae mo!" Sabi niya habang mabilis na naglakad hahabolin ko sana siya kaso may tumawag."Yes?, okay-okaysa bahay kanalang mag haponan, hayysst sige-sige fine, I'll fetch you now, oo na oo na." Sabi ko at pag tingin ko wala na ang girlfriend ko for sure umuwi nayon haysst puntahan kp nalang yon mamaya kailangan kp pang sunduin ang pinsan ko bakit ba sa akin pa nangungulit.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya
"Kasama ko ang girlfriend ko kanina" tipid kong sagot. "Talaga? Asan siya? Gusto Kong makita ang girlfriend mong sadista" sabi niya sabay tawa."shut up kahit ganon yon mahal na mahal KO yon" sabi ko "fine so sweet" sagot niya.At hinatid ko na siya sa bahay para puntahan ang girlfriend ko kaso pagdating ko bahay ng girlfriend ko ay wala siya roon kaya naman nag hintay ako ng ilang oras pero wala parin siya at biglang tumawag si kath ang best friend ng girlfriend ko.
"He-hello" sagot ko kasi kinabahan ako baka may nagyari ng masama sa girlfriend ko.
Napa buntong hininga nalang si kath .
"Puntahan mo nalang siya dito" cold na pagkasabi niyo kinabahan ako kasi Hindi naman siya ganito huwag naman Sanang may ibang nagyari sa girlfriend ko papakasalan ko pa ang sadistang yon. At pag dating ko sa bahay nila kath ay nandon ang girlfriend ko may hawak-hawak na alak kaya mabilis akong pinuntahan siya."babe let's go"sabi ko sa kaniya peto tiningnan niya lang ako kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa mga sapak niya pero sa halip na sapakin niya ako ay umiyak siya."a-anong ginagawa mo rito (hik).puntahan Mona ang babae mo."sabi niya na umiiyak."u-umalis kana(hik) sabi niya lasing na lasing kasi siya. "Babe wala akong babae" sabi ko.
"Anong wala ako ba ang pinag loloko mo(hik) nakita ko kayong dawa kaya umalis kana(hik) at mas lalo siyang naiyak mabuti nalang umalis sila kath at kami lang dalawa dito sa sala.
"lasing kalang babe okay?"sabi ko sa kaniya. " I'm not you-you jerk (hik)layas!"sigaw niya kaya niyakap ko siya dam I love her.
"sige kapag Hindi ka titigil aanakan kita"sabi ko kaya namilog ang mga mata niya at hinampas ako masakit yon promise.
"Yong babae mo ang anakan mo(hik)sabi niya kaya natawa ako why your so cute babe
" paano ko aanakan ang pinsan ko"sabi ko at dito na siya tumigil at mas lalaong ng laki ang mata niya "wha-what? Pinsan!" Sigaw niya na gulat na gulat.
"pinsan? Asan? Ang sabihin mo ay alibi mo lang iyan! (hik) ang sama mo! (hik)."sabi niya kaya niyakap ko siya.
"I will introduce you to her okay tomorrow babe promise Kaya halikana bago pa kita aanakan " sabi ko kaya naman binatukan niya ako at hinila ang T-shirt ko.
"langya ka ba't dimo sinabi!"windang siyang tanong. Kaya naman nag smile ako.
"Remember nangako ako sayo na sasamahan kitang kumain ng ice cream"sabi ko at kinarga ko na siya papuntang sasakyan ko.
"I love you babe and now sleep" bulong ko.
At hinatid ko na siya sa bahay Nila.
A-aray babe naman ba't mo ako tinulak? Sabi ko sa girlfriend ko habang hinihimas-himas ang pwet ko ang sakit kaya non.
"Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?!" Gulantang niyang tanong kaya naman napa smile ako.
"anong nginingiti-ngiti mo diyan!"sabi niya.
"Tadyak gusto mo.!" kaya mabilis akong tumayo at niyakap siya.
"okay lang basta ikaw ang gumawa babe kahit araw-arawin mo pa basta huwag mo lang akong iiwan"Sabi ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya.
" MAHAL NA MAHAL KITA BABE KAHIT SADISTA KA"sabay Halik ko sa noo.
End
All right reserved
Plagiarism is a crime
By: CLOUSETOYOU

BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KONG SADISTA
Narrativa generale"kahit saktan mo ako ng paulit-ulit hinding-hindi Kita ipagpapalit ikaw Lang ang Sadista kong girlfriend "