:Hello mga ka okay! Okay pa ba kayo dyan? Charot, btw
Lunes na naman kaya pasukan na naman. Makikita ko na naman si Ms. Ocado, ang teacher ko sa filipino na ubod ng sungit. Totoo nga ang sabi nila na kapag walang asawa o matandang dalaga, ay masungit talaga. Tsk, buti nalang at nagawa ko ang aming takdang aralin kung hindi? Naku gigisahin na naman ako nun.
Ako pa naman ang favorite niyang ipahiya sa klase. Minsan gusto ko nang sagutin si Ms. Ocado e para naman tigilan na niya ako. Nakaka-stress na nga siya, dumagdag pa ang mga lesson niya na di naman niya pinapaliwanag. Ididikit lang sa board ang vissuals niya then ipapasulat saamin. Hay, marami na nga ang badtrip sa kanya dahil sa kagagawan niya. Bakit kasi di nalang nila e-report para magtanda. Tss, papasok lang naman siya para mag-make up, wala namang pinagbago.
Binuksan ko na ang pinto ng bahay namin para makaalis na. Kanina pa kasi ako tinatawag ng dalawa kong pinsan na lalaki, sabay kasi kami laging pumapasok. Isa pa itong mga 'to lagi akong minamadali, palibhasa hindin naghihilod kapag naliligo kaya mabilis lang sila.
"bagal mo naman, bilisan mo nga!" apora sakin ni Jarred. Nasa may gate na siya habang dala ang kanyang paboritong lolipop. Nasa tabi naman niya si Jess na nagpapa-cute sa salamin na hawak.
"oo na, aporado talaga," nagmamadali na ako sa kilos ko papunta sa kanila. Makikisilong ako sa payong ni Jarred dahil sobrang init. Si Jess naman ay immune na kaya hindi na nagpapayong. "ay sandali! Naiwan ko yung notebook ko sa filipino. Balikan ko muna, gigisahin na naman ako nito ni Ms. Ocado"
"ano ba naman yan Winslet! Kanina kapa sa bahay niyo't lahat may nakalimutan ka parin? " bulyaw sakin ni Jarred.
"Ikaw kaya mamadaliin ko tignan natin kung wala kang makakalimutan. Kupal ka talaga. Mauna nalang kayo, tse! "
"bilisan mo! Papagalitan kami ni kuya kapag hindi ka namin kasabay. " sabi sa akin ni Jess. Hay mabuti naman at nagsalita na siya matapos magpa-cute sa salamin.
"okay.." tanging sagot ko at tumakbo na pabalik sa bahay.
"Winslet!!!.... "Halos lumabas na ang tutuli ko dahil sa lakas ng sigaw na bumungad sakin pagpasok palang namin sa gate. Nakita ko si Jean na papalapit sakin habang nakabukas ang dalawang braso, sinalubong ko naman siya ng yakap.
"Grabe na miss kita, bakit ba ngayon kalang bumalik?" tanong ko sa kanya. Kakauwi niya lang kasi galing sa probinsiya nila, ilang buwan din siyang nandoon kaya naman sobrang na miss ko siya.
"miss na rin kita, ano marami ka bang ituturo sakin na lesson? "
"oo pero bago yun... Bakit ang itim mo na?" usisa ko sakanya.
"maitim ka dyan! Amputi ko nga daw e." pinaglandas pa niya ang kanyang palad sa braso.
"kapag galing ka sa syudad, malamang maputi kang tignan para sa mga taga probinsiya. "
"ang sama mo sakin ah, kakarating ko lang lait na agad ang sinalubong mo sakin." may bahid na pagtatampo sa kanyang boses.
"
hey, i was just kidding okay? Masyado ka naman seryoso dyan. " wika ko sakanya ngunit hindi umobra iyon. "okay fine, ililibre na kita ng lunch mamaya. "
At doon na nga kuminang ang mga mata niya na para bang nakakita ng ginto.
"talaga!? "