-Winslet-
Nagising ako sa isang istraherong kwarto, napaka-manly ng dikorasyon nito. Napakalaki rin ng kwarto na 'to, sigurado akong hindi basta-bastang tao ang nakatira rito. Tsk, at ano naman ang ginagawa ng isang magandang tulad ko sa panlalaking kwartong to?
Magpa-panic na sana ako pero naalala ko ang sinabi ni kuya dati.
" kapag may mang-re-rape sayo, kunwari hindi ka papalag, kunwari gusto mo rin ang ginagawa niya, ng sa ganun ay magiging panatag siya na hindi ka tatakas. At kapag ganun ay luluwagan niya ang hawak sayo, doon kana kumuha ng pagkakataong makatakas."
Napatango pa ako ng maalala ang sinabi ni kuya ngunit sa huli ay napasigaw parin ako. Hindi naman ako ma-re-rape e, na-kipnap ako, nakalimutan ni kuya sabihin sakin ang dapat na gagawin kapag nasa ganitong sitwasyon.
Tsaka, linggo na ngayon lunes bukas at may pasok kami. Yari ako kay Ms. Ocado kapag absent ako!
"waaaahhhhh!!!! Anong ginagawa ng dilag na gaya ko rito!?" agad akong umalis sa kama at naglibot sa kwarto. Ngunit sa aking paglalakad paikot sa kwarto ay narinig ko ang lagaslas ng shower sa bathroom. Kinabahan ako dahil hindi lang ako nag-iisa sa kwartong ito.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto, parang laggam akong naglalakad dahil walang tunog ang aking yapak. Pinihit ko ang siradura sa pinto, muntik pa akong mapa-palakpak dahil hindi ito naka-lock.
Goodbye kidnaper, kala niyo--
"Where did you think you're going?" isang baritong boses ang narinig ko habang nagdidiwang ang puso ko sa tuwa dahil hindi naka-lock ang pinto.
"Ahmm... Malamang aalis, ano pa ba?" sagot ko sa kanya habang hindi siya nililingon.
"You will stay here." mariin niyang wika. Napairap naman ako,
Kapal ng face ng kidnaper na 'to. Pa-english-english pa tss.
"Sanaol nag-i-stay." pabulong na sagot ko sa kanya.
"What did you say?" humarap ako sa kanya para sagutin siya at bulgawan. Ngunit ako lang ang nagulat ng dahil sa nakitang nilalang sa aking harapan. At ito lang masasabi ko.
Sana lahat ng kidnaper ganito ka pogi.
Winslet! Kinidnap kana't lahat lumalandi ka parin! nasaan ang hiya mo!?
"h-hoy! a-anong..." bweset bakit ako nauutal?! Tumikhim ako para mawala ang pagkabuhol ng dila ko. " Anong ginagawa ko rito, kuya?" tanong ko sa kanya.
"What the hell, did you just called kuya?!" medyo napatalon ako dahil napataas din ang boses niya. Tsk, napaka harsh niya sa mga kinikidnap niya ah.
"Hello naglinis ka naman siguro ng tenga para marinig ng malinaw ang sinabi ko. At teka nga kuya, bakit mo ba ako kinidnap ha? Wala kaming pera kung kidnap for ransom ito. Mahirap lang po kami." sabi ko sa kanya sabay irap. Bigla ko lang naalala ang niluto kong bicol express sa bahay kanina. Shit! Baka nasunog na ang bahay namin, huhu yari na talaga ako nito.
"Mayaman ako kaya diko na kailangan ang pera mo," walang paki niyang sagot. O mayaman naman pala siya e ano pang gi agawa ko rito?
"punyeta ka talaga kuya, kinidnap mo ko! Alam mo bang may niluluto pa ako sa bahay! for sure sunog na bahay namin. Bweset na to, wala ka naman palang kailangang pera nangingidnap kapa!" nagpapadyak pa akong parang bata na sinaltik.