-Winslet-
Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone. 6am na pala, sinadya ko talagang ala sais mag alarm para hindi kami mahuli sa oras na nakatakda pagpunta namin sa park. Matagal pa naman gisingin si Jarred, tulog mantik kasi. Pupungas-pungas akong bumangon at pumasok sa banyo upang maligo. Magluluto pa kasi ako ng agahan ko.
Mamaya ko na lang gigisingin si Jarred kapag nakaluto na ako.
30mins din ang tinagal ko sa banyo, pinaka-mabilis ko na iyon. Kadalasan kasi ay isa't kalahating oras ako roon. Ewan ko ba kung bakit ang tagal ko lagi sa banyo, naliligo lang naman ako.
Nagsuot lang ako ng bath robe na kulay pink, mamaya na ako magbibihis pagkatapos kong magluto.
Bumaba na ako sa kusina at nangalkal sa ref. Gagawa lang ako ng sandwich. Hindi kasi ako nag-he-heavy breakfast.
Dahil nandito si Jarred ay nagluto ako ng hotdog, ham, at itlog. Hindi kasi iyon pwedeng di kumain ng kanin. Ganyan siguro kapag lalaki, kailangan talaga ng kanin.
Nagsaing pa ako, at pagkaluto ng kanina ay ginawa ko itong fried rice. Gusto kasi nun ng fried rice tuwing umaga. Pasalamat siya at meron siyang pinsan na singbait ko.
Nang nakaluto ay agad na akong umakyat upang gisingin si Jarred. Kumatok ako sa pinto, nakakahiya naman sa kanya kung papasok ako agad tss.
Ilang minuto na ako kumakatok ay hindi parin siya nagising. Halos manakit na ang kamay ko kakakatok, kaya naman binuksab ko nalang ang pintuan at pumasok.
At doon ko nadatnan ang kupal kong pinsan na nakadapa sa kama. Ang sarap ng tulog, kala mo wala kaming plano lumakad ngayon tsk.
"Jarred, Jarred, Jarred...." tawag ko sa kanya. Gumalaw lang siya at pagkatapos ay natulog ulit.
"Buhusan ko kaya ito ng tubig?" bulong ko sa aking sarili. "wag nalang pala baka hindi kami nito sasamahan mamaya sa park."
Lumapit ako sa kanya at kumuha ng unan, hinampas ko sa siya at tinawag ng malakas ang pangalan.
"Jarred!!... May bagyo nilipad na ang bubong natin!" sigaw ko sa kanya patuloy parin sa paghampas ng unan. Hindi naman gaano kalakas ang aking hampas.
Nagulat siya sa sigaw kaya naman kahit nakapikit pa ay bumangon ito. Dumeretso sa pinto at lumabas, ako naman ay nagpipigil ng tawa.
Maya maya lang ay may padabog na nagbukas ng pinto.
"Tangina mo Winslet, hindi nililipad ang rooftop." doon ko na hindi napigilan ang tawa ko. Halos di na ako makahinga sa kakatawa. "Sige tawa pa, hindi ko kayo, sasamahan mamaya sa park."
"Hahahaha!, hindi na. Ikaw naman kasi, kanina pa kita ginigising pero hindi ka naman nagising." sagot ko sa kanya.
"Kasalanan ko pa,"
"kumain kana pala doon sa baba. Tsaka bilisan mo ang kilos mo, 7am na, 8 tayo aalis." paalala ko sa kanya. Inirapan na naman niya ako. "tigil-tigilan mo yang kakairap mo sakin Jarred, baka isipin ko na na paminta ka" ngumisi ako sa kanya, agad naman siyang sumimangot.
"Baka gusto mo bigyan kita ng pamangkin." sagot niya naman sakin.
"Lols, sapak aabutin mo kay Tito."
Tumatawang lumabas ako sa kwarto. Kakain ako bahala siya sa buhay niya.
Pagkarating ko sa kusina ay agad na akong kumain. Nagtimpla ako ng gatas ko, ewan ko ba sa kapatid ko at palagi parin akong pinapainom ng gatas, masyado akong binibaby.