Naalimpungatan ako nang biglang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Hindi ko na nagawang mag-inat pa. Nararamdaman ko kaagad ang kirot ng aking sintido dahil sa hang-over. Lasing na naman akong umuwi kagabi at ginising na naman ako ng paulit-ulit na ka-dramahan. Tinabig ko ang may kabigatang bag na nakapatong sa hubad kong katawan. Umupo muna ako sa kama at ginamit ko ang puting kumot para itago ang tumitindig ko pang pagkalalaki. Kinusot ko ang aking mga mata saka tumingin ako sa walang humpay na pagbubunganga ng lalaking gumising sa akin. Naka-boxer short lang din siya. Maputi ang makinis at alaga sa gym niyang katawan. Katawan at mukhang katakam-takam sa iba ngunit sa akin, nasanay na ako at kapag nasanay ka nang nakikita iyon, nawawala yung matinding pagkagusto o pagnanasa.Medyo hindi ko lang makuha ang kaniyang ipinagpuputak nang umagang iyon. Mas malalim ang galit. Mas may ibang pinupunto siya. Hanggang sa naging malinaw din sa akin ang lahat. Pinalalayas niya ako. Gusto niyang mawala na ako ng tuluyan sa kaniyang buhay.
"Umalis ka na sa condo ko! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo dito." ilang beses ko nang narinig iyon mula kay ETHAN , ang aking kinakasama. At dahil sanay na, pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Dinampot ko ang aking boxer short sa sahig. Hubo't hubad akong tumayo sa harap niya. Napapangiti ako habang sinusuot ko ang aking boxer short. Dinaanan ko lang siya ngumangawa at tinungo ang ref para makainom ng malamig na tubig. Sinundan niya ako doon at muling inihagis sa harap ko ang bag na ibinato niya sa akin nang tulog pa ako.
"Ano bang problema mo?" singhal ko.
"Problema ko? Yung kakapalan ng mukha mo! Umalis ka na dito. Sobrang nagiging pabigat ka na sa buhay ko Jeric!" nanggagalaiti siya sa inis.
"Pinalalayas mo na naman ba ako?"
"Oo! At ngayon sigurado na ako."
"Paano ako? Paano tayo?" sinubukan kong pagsusumamo.
"Wala ng tayo Jeric. Said na said na ako na unawain ka. Bumalik ka sa inyo. Hindi ko pinangarap magkaroon ng kinakasamang inutil at walang pangarap sa buhay."
"Ganoon na lang 'yun?" bumunot ako ng malalim na hininga. "May..." pagpapatuloy ko sana nang may lumabas sa CR na nakatapis lang ng tuwalya. Simple ang dating, maganda ang katawan at matangkad. "Siya ba? Siya ba ang putang-inang ipagpapalit mo sa akin? Kaya ka ba matapang ngayon?" sumisigaw na ako sa galit.
"Pre, huwag ka namang magmura." wika ng lalaki na siyang lalo kong ikinagalit. Sumasagot-sagot pa kasi! Nangingialam sa amin ni ETHAN
"Oo. At least, hindi siya kagaya mo. Nagtatrabaho siya, hindi man kasingguwapo mo, ngunit tang-ina Jeric mas matino siya sa'yo! Ngayon, lumabas ka na! Hindi na kita kailangan pa! Hindi ko na kayang tiisin ka pa!" Lumapit siya sa akin at pinagtulakan ako ngunit hindi ako nagpatinag.
"Huwag mo nga akong ipagtulakan! Makakatikim ka sa akin!" Tinabig ko ang kaniyang kamay.
"At ano ha! Sasaktan mo ako? Ang kapal ng mukha mo! Mahiya ka nga! Kung pinaalis ka na, puwede bang lumayas ka na agad dahil nakikitira ka lang naman sa akin!" Malakas ang pagkakatulak sa akin ni ETHAN habang sinasabi niya iyon. Nasaktan ako. Napahiya sa ibang tao at parang noon lang din ako sobrang nasaktan na ipinagtutulakan na niya ako sa kaniyang buhay.
"Tang-ina naman,ETHAN " Naubos ang pasensiya ko. "Ayaw mo ba talagang tumigil!" Isang malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko.
