"Hindi ka pa ba mahihiga? Tabi na lang tayo?" Hindi iyon tanong. Isang paanyaya."Sige, mahiga ka lang. Babantayan na muna kita hanggang sa makatulog ka. Okey na ako dito" sagot niya. Humiga ako suot lang ang puting boxer short ko. Bumubukol ang bahaging iyon at sinabayan ko pa ng parang wala sa sariling pagkambyo.
Nang magawi ang tingin niya sa akin ay nagkakatitigan kami. Siya din muli ang unang yumuko. Tumayo siya at tinungo ang bintana. Nanatili siya doon ng ilang sandali. Hindi na siya muli pang lumingon. Parang napakalalim na ng kaniyang iniisip.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Hindi lang tanong iyon. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kailangan na niya akong tabihan, hindi ko nga lang maidiretsong sabihin.
Nilingon niya ako. Isang malalim na buntong-hininga lang ang tugon sa akin saka siya muling tumingin sa labas.
Inayos ko na lang ang aking unan saka tumihaya. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa ang aking antok. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Alam kong dala na din iyon ng pagod at puyat sa mahaba kong biyahe kanina.
Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang marahan niyang pagtabi sa akin. Dama ko ang init ng kaniyang brasong dumikit sa braso ko. Narinig ko ang pagbunot niya ng malalim na hininga. Nilingon ko siya. Napako ang aming mga mata sa isa't isa. Nag-aanyaya ang kaniyang kahubdan. Sinisilaban na ako ng kakaibang init sa katawan. Sinubukan kong ilapit ang labi ko sa kaniyang labi. Hindi niya iyon inilayo sa akin. Sa katulad kong laking Maynila at marami ng naging karanasan, hindi uso sa akin ang pa-hard to get. Alam ko din kung kailan ako papatulan at hindi ng isang estranghero pa sa akin. Muli kong inilapit ang aking labi sa kaniya. Amoy ko na ang lalaking-lalaki niyang hininga. Nagsimula na ding dumantay ang palad ko sa kaniyang maskuladong dibdib. Hanggang sa isang iglap ay nagtagpo ang mainit at mapupusok naming mga labi.
Nang una ay hinayaan niyang ako ang humahalik sa kaniya ngunit nang naglaon ay lumabas ang kaniyang pagkasabik. Walang puknat ang naging halikan namin. Nanginginig na sa pagkasabik ang aming katawan. Mabilis naming hinubad ang naiiwan naming saplot. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng kaniya na noon ay nakatutok na sa may kalambutan at maputi kong hita. Hanggang sa naging banayad ang aming halikan. May kakaibang ritmo. Hindi namin kailangan magmadali. Wala kaming kailangang habulin. Gusto kong namnamin ang sarap, isabay sa pintig ng puso ang bawat indayog ng aming katawan. Pupunlaan naming dalawa ng bagong sarap ang walang katiyakang simula. Pagtitiyagaan kong hintayin hanggang sa ang pinagpaguran naming indayog ng pag-iisa ay sasambulat ng matamis na bunga. Hindi na kailangang mag-usap, alam na alam na namin ang kailangan ng bawat isa. Hindi na kailangan pang isatinig, kapwa naming ginawa kung ano ang sa tingin namin ay makapagpapaligaya at kukumpleto sa amin. Napuno ng halinghing ang kuwartong iyon. Sinabayan ng manaka-nakang pagmumura, kasama ng mabibigat at malalalim na hininga. Hanggang sa bawat ritmo at indayog ay dumating sa rurok ng pagputok.
Hingal na hingal na ibinagsak ni Rod ang katawan niya sa kama mula sa pagkakapatong niya sa akin. Hinahabol pa din naming dalawa ang aming hininga ngunit nakangiti na kaming nakatitig sa isa't isa. Narinig ko muli ang pagbunot niya ng malalim na hininga kasunod ng paghila niya sa akin.
"Sorry" bulong niya.
"Saan?" tanong ko. Muli kong hinalikan ang kaniyang labi.
"Baka nasaktan ka."
Tipid lang na ngiti ang tugon ko sabay paghaplos sa maumbok niyang dibdib.