CHAPTER IV

88 5 0
                                    


Sa gabing iyon sabay kaming naligo bago. Nang nakatalikod ako ay kinuha niya ang sabon at nagsimula niyang sinabon ang buong katawan ko at ramdam ko ang paglapat ng kaniyang basa ngunit mainiti na katawan sa aking hubad at madulas na katawan. Napapikit ako sa hatid nitong kaibahang. Ang maumbok at matigas niyang dibdib na lumapat sa aking likod at ang nakatindig na iyon na bumubundol sa akin puwitan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang dibdib ko pababa sa bahaging iyon sa gitna ng aking mga hita habang nakatalikod ako sa kaniya ngunit magkasalubong ang aming mga labi. NInanamnam ko ang bawat indayog ng aming pag-iisa. Matiyaga naming hinahabi ang sarap ng pag-abot sa rurok ng walang pagsasawa naming pagnanasa. Sa pagdantay ng kaniyang mga palad sa aking kabuuan ay dinadala niya ako sa dimensiyon ng sarap. Sa hagod ng mahusay niyang pag-indayog at ang masuyo niyang paghalik sa aking labi ang siyang kumukumpleto sa tindi ng kakaibang sarap na sa kaniya ko lang nalasap. Iba siya, ibang-iba si Rod sa lahat ng aking nakatalik. Abot niya ang kaibuturan ng ligaya ko. Dama ko ang lalaking-lalaki niyang pag-angkin sa aking pangkalahatan. Naroon yung astigin at bruskong pagtatalik. May kakaibang bangis at lakas. Puno ng pagtuklas. Mapusok at madiin ang aming mga naging halikan. Ang lahat ay nagtapos sa pagsambulat ng katas kasabay ng malalakas na pagmumura at ang mabibilis at malalim naming paghinga.

Kahit gusto kong puntahan ang dalawang nag-iinumang tiyuhin ko ay hindi ko naman maiwan si Rod. Ayaw din naman kasi niyang samahan akong makipag-inuman. Si Rod pa ang unang humiga sa aming kama. Nakita kong bukas na naman ang bintana at sinasaliw ng hangin ang puting kurtina. Ayaw ko sanang lumapit at isara iyon ngunit gusto kong muling hamunin ang takot ko. Madalas pa din kasing nagpaparamdam sa akin sa mga nakaraang gabi ang multo ng babae. Nandiyang kapag sinasara ko ang bintana ay nakikita ko siyang nakaupo sa ibabaw ng nakasalansan na mga malalaking kahoy sa lumang balon o kaya ay pasimpleng dumadaan sa malaking salamin sa sala. Nabawasan na din yung tindi ng takot na nararamdaman ko. Iniwasan ko nang magkuwento pa kay Rod tungkol sa mga nakikita ko. Alam kong hindi bebenta sa kaniya iyon. Hindi niya ako pinaniniwalaan.

Hanggang sa bago ko isara ang bintana ay muling nagpakita ang babae. Nang sigurado ako sa nakikita ko sa may balon ay tinawag ko si Rod para mapaniwala ko siyang hindi lang kathang isip ang lahat. Naisip kong kunan ito ng video sa iphone ko.

"Kailan mo pa nakikita sa balon na 'yan ang sinasabi mong babae?" seryosong tanong ni Rod.

"Madalas."

"Madalas na pala eh. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na sa mismong sa balon mo siya madalas nakikita?" tanong niya habang pilit niyang inaaninag ang sinasabi ko sa may balon. Kinuha din niya sa akin ang iphone ko at pinanood ang kinunan ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbunot ng hininga at pamamasa ng paligid ng kaniyang mga mata.

"E, kasi parang di ka naman kasi naniniwala sa mga nakikita ko nitong mga nakaraang araw."

Tumingin siya sa akin. Malungkot ang kaniyang mga mata. "Hindi kaya may gusto siyang sabihin sa'yo kaya siya sa balon madalas nagpapakita?"

"Ibig sabihin, naniniwala ka na? Nakikita mo na din ba ang nakikita ko?"

"Hindi ko na kailangan pang makita pa ang nakikita mo Jerick. Alam kong may kakabalaghang nangyayari sa bahay na ito noon pa lang. Ayaw ko lang na takutin kita kasi ngayon palang uli may naglakas loob na bumalik dito. Kailangan ka nila. Kailangan ka namin para mailabas ang hustisya." Pabulong lang iyon habang niyayakap niya ako at isinara ang bintana. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anong ibig mong sabihing kababalaghan? Anong hustisya? Kailangan ninyo ako? Bakit?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

"Ikaw na ang bahalang tumuklas no'n pero alam kong nandito ka para tulungan kami. Malaki ang tiwala kong ikaw ang magpapabalik sa mga nagkasala para harapin nila ang kanilang mga kasalanang tinakasan." makahulugan niyang tinuran.

HAUNTED BY YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now