CHAPTER V

87 6 1
                                    


Tinakpan niya ang bibig ko. Nagpagulong-gulong kaming dalawa sa sahig. Lakas sa lakas. Kahit anong gawin kong pagsipa at pagsuntok sa kaniya ay hindi niya ako binibitiwan. Hanggang sa nahawakan ko ang isang figurine at buong lakas ko iyong inihampas sa kaniyang ulo.

Nabitiwan niya ako.

Mabilis akong tumayo.

Nakita ko ang pag-agos ng dugo sa kaniyang noo. Gusto kong lumabas para humingi ng tulong. Kailangan ko siyang isuplong sa kinauukulan at ipakulong.

Kaya lang may kung anong pumipigil sa akin para gawin iyon. HIndi siya gumanti. Hindi niya ako sinaktan. Pinigilan lang akong lumabas ngunit hindi niya nagawang saktan ako kahit pa ilang dagok, sipa at suntok ang inabot niya sa akin.

"Huwag kang umalis please? Huwag mo akong iwan." pagmamakaawa niya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang kagustuhang hindi ko siya dapat iwan. Ngayon lang ako napakiusapan na huwag umalis. Nakita ko ang sarili ko noong sinaktan ako ni Greg. Gano'n na gano'n yung tindi ng aking pakiusap.

"Sino ka ba talaga Rod! Kriminal? Isang kaluluwang lumilinlang sa akin? Sabihin mo sa akin kung sino ka nga bang talaga!" singhal ko.

"Makinig ka sa akin, Jerick. Totoong tao ako. Maaring di ko sinabi kung sino ako pero totoo ang lahat ng ipinapakita, ipinaparamdam at higit sa lahat ay ang sinasabi ko sa'yong mahal na mahal kita. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa mga mahal ko. Maniwala ka sa akin, hindi ako katulad ng iniisip mo." pabulong iyon habang sapo niya ang duguang ulo. Nakahandusay pa din siya sa sahig.

"Rod, di ba ikaw itong isa sa tatlong nasa litrato? Sino yung dalawang nanditong kasama mo na babae at lalaki? Sila ba yung kinukuwento mo sa aking mga kapatid mo? Rod, alam mong patay na ang ate mo dahil siya ang nagmumulto sa balon. Kaya ka nandito dahil gusto mo maghiganti. Ikaw ang pumatay sa dalawa kong tiyuhin? Ikaw ang kriminal!"

Dahan-dahan siyang bumangon, saka siya muling tumingin sa akin. Nagpakawala muna ng malalim na hininga saka siya nagsalita.

"Oo, inaamin ko. Ako ang isa sa tatlong nadiyan. Patay na ang ate. Nakita ko ang mga labi niya sa balon kaninang umaga lang. Tinawagan ko na ang Police Forensic para imbestigahan ang nangyari sa kaniya. Pinatay nila ang walang kalaban-labang ate ko. Pinatay nila ang ate ko Jerick! Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa akin?" Masaganang luha ang umagos sa kaniyang pisngi.

"Kaya ka ba naghihiganti? Kaya mo ba sila pinagtataga? Paano ka nakakasigurong sila ang pumatay sa ate mo?" sunud-sunod kong mga tanong. Hindi pa din ako nakaramdam ng awa sa kaniya.

"Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa'yo ngayon, Jerick. Kung mahal mo din ako, sana piliin mong pagkatiwalaan ako. Kahit ngayon lang." pinilit niyang tumayo. "Kailangan kong hugasan ang itak. Kailangan kong linisin ang dugo sa kuwarto. Hindi ko hinihingi ang tulong mo. Pero please, pagbigyan mo na muna akong linisin iyon. Kung anong susunod mong gagawin, bahala ka na pero sana, pagkatiwalaan mo ako. Pangako, hindi ako katulad ng iniisip mo. Hinding-hindi kita bibiguin." naglakbay pa din ang luha sa kaniyang pisngi. Ang walang tigil niyang pagluha ang tuluyang nagpalambot sa pagmamatigas ko kanina.

Bakit ba hindi ka na lang umamin sa akin na ikaw nga ang pumatay sa kanila. Hindi ka magsasaka. Hindi ka din nakatira sa likod ng aming bahay dahil ang bahay ninyo ay matagal nang bumagsak sa kalumaan. Bakit lahat ng iyon ay inilihim mo sa akin?" pilit kong pagmamatigas.

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ni Rod. Hindi siya sumagot. Hindi siya umamin at di rin tumanggi. Magkahalong dugo mula sa kaniyang noo at luha ang umagos sa kaniyang pisngi. Hirap man ay sinikap nitong muling umakyat sa hagdanan. Naiwan ako doong hindi alam ang gagawin. Nasa akin na lahat ng kalayaan at pagkakataon ngunit bakit hindi ko siya magawang iwan? Mahal ko na yata si Rod. Kahit gusto ko siyang isuplong ay hindi ko magawang lumabas ng bahay. Nag-aanyaya na ang pintuan para lumabas ako o kaya tawagan ang mga pulis ngunit hindi ko kayang gawin.

HAUNTED BY YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now