Tahimik akong nag lalakad at iniisip parin ang panaginip ko kanina .At hangang ngayon ay kilabot parin ang aking nararamdman .
Hindi ko alam kung bakit ganun ang aking panaginip .
Sino ang taong iyon at bakit nais nya kong patayin .
Alam ko panaginip lang iyon. sabi saakin ng kaibigan ko ay kabaliktaran ang panaginip ngunit iba ang pakiramdaman ko parang totoo . Nakakakilabot .
" sunny san sunod mong klase " agad nmn ako na palingon sa kaibigan ko na nag aayus na din ng gamit nya para sa pangalawa nyang kalase .
" mamaya pa ang next class ko kaya baka pumunta na lang ako sa library para mag review " ngiting paliwanag ko .
" haynaku napaka sipag mo tlga mag araw . Halos isang buwan na mula ng ma trasfer ka dito pero hindi pa kita nakita mag enjoy " reklamo nito na kinangiti ko lang .
" lyn nag eenjoy nmn ako ah " nakita ko ang lag kunot ng noo nya at umupo muli para harapin ako
" nag eenjoy? Saan? Panay libro ang kaharap mo ? Alam mo girl tigil mo yan sa ganda mong yan hindi bagay maging nerd sayo ! "
parang diring diring sabi nya pa na may kasamang pag ikot ng mata nya nakita kamot ko na lang ng kilay .
" lyn alam mo naman na kailangan ko mag aral mabuti at maintain ang grades ko diba . Hindi nmn kasi ako kasing yaman mo "
Nakita ko nmn ang biglang pag lungkot ng mukha nito kasabay ng pag yuko .
" sorry " malungkot na sabi nito na animoy maiiyak pa ng umangat ang tingin nya sakin .
Napasapo nmn ako saaking noo sa akin isip ng makita ang itsura nya na para syang batang kinuhaan ng candy at pinipigil lang umiyak .
Kaya agad ko hinawakan ang kamay nya para pagaangin ang loob nya .
Mukhang dinamdam nya ang sinabi ko ." ok lang ano kaba yaan mo pag natapos ang exam natin promise pag inaya mo ko gugura ko sayo "
Ngiting sabi ko at nakita ko ang pag liwanag ng mukha nya at unti unting umusbong ang ngiti sa kanyang labi .
" promise yan ah ? " paninigurado nya pa na tinanguan ko .
" oh sya mauna na ko sunny baka malate pa ko at paginitan nnmn ako ng teacher ko na malapit na ata mag menopause "
Maarteng sabi nito na kinatawa ko lang at tuluyan na syang umalis .
Agad ko nmn inayus ang gamit ko para makapunta sa library .
Mejo malayo layo din kasi iyon mula rito pero malapit sa susunod kong klase .
Tahimik ang paligid sa pasilyong nilalakaran ng dalaga .
Huni ng ibon lagaslas ng hangin na nag mumula sa mga punong nakapalibot ang maririnig sa paligid.
At isa pang dalaga mula sa hindi kalayuan ang nakatanaw sa nag iisang dalga na nag lalakad patungo sa silid aklatan .
Agad na sumilay ang isang pilyang ngiti mula sa dlagang nagkukubli sa isang sulok at pinag mamasdan ang dalaga .
" sunny "
Bulong nito kasabay ang pag kagat sa pang ibabang labi .
Makikita sa mga mata nito ang ligalig na parang nakakita ng pinaka paborito nyang pag kain
Dahan dahan nya hinawakan ang kanyang labi gamit ang kanyang dalawang daliri na animoy na lalasahan nya ang dlagang kanyang pinag mamasdan
" sunny "
Bulong muli nito at dahan dahan pinagapang ang kanyang palad sakanyang leeg na animoy na uuhaw sa nakikita . Kagat labing na kangiti .sabay tawa na animoy nawawala sa sarili
" akin ka "
" hmmm " agad ako na palingon sa paligid ng parang may narinig ako tinig mula sa hindi kalayuan .
Ngunit wala nmn ako nakita napakamot na lng ako sa akin sintido dahil sa kung ano ano na naririnig ko .
Ng mkapasok ako sa silid aklatan ay humanap agad ako ng librong akin babasahin .
Tahimik ang paligid at kukunti lamang ang studyanteng narito dahil din siguro ay may ibang klase pa ang nagaganap
Kita sa mga libro na may kalumaan na ultimo ang silid aklatan na eto na parang hindi na pinag aksayahan ng panahon na ipabago .
Dahil makikita dito ang kalumaan ng mga haligi ang mga bookshelvs na gawa sa kahoy ng narra .
Luma man ang itsura ng silid aklatan makikita mo nmn na hindi pinabayaan napakalawak at malaki din ang silid aklatan na eto na prang isang buong bulding kung susumain kaya tlgang halos lahat ng libro ay andito .
Hindi ko namalayan na napalayo na pala ko kakahanap ng libro .
Ng makita ang librong nais ay agad ko kinuha eto . At pinag pagan dahil mejo maalikabok na din .
Blaaag !!
Agad nmn ako napalingon saaking likuran ng marinig ang kalabog na iyon .
Ngunit pader ang basa likod ko nag tatakang nilapitan ko ang pader at tinitigan eto .
Huh? Anong panong ? May secret door pa dito ??
Agad nanlaki ang mata ko sa naisip pero napaka labong mang yari dahil sa mga movie ka lang makakakita ng ganun .
Naisip na baka guni guni lang ang lahat . Kaya mas pinili ko na umalis
Ngunit hindi pa nakakalayo ng nakarinig muli ng malakas ba kalabogKaya agad ako na patingin sa pader na pinag mumulan ng ingay at dahil sa pagiging mausisa ay nilapit ko ang tenga sa pader at ssinipat kung may kakaiba ba sa pader na eto .
Prenteng pinakikingan kung muling may pag kalabog ang mgaganap .
Ngunit laking gulat ko ng biglang akoy mapasobsob dahil sa pag bukas ng pader na sinasandalan ko .
Halos tumama ang mukha ko sa sahig kundi lang na itukod ko agad ang aking kamay .
Ngunit halos mawalan ako ng hininga ng makita ang isang pares ng paa sa aking harapan . Kaba koy hindi maikubli bigla ako nakaramdam ng kilabot .
Hindi maigalaw ang aking katawan pakiramdam ko ay biglang lumamig ang pakiramdam ngunit pawis koy tumatagaktak .
Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko kaya nanunuyot ang lalamunan sa kaba ramdam ang panginginig .
WRONG MOVE
BINABASA MO ANG
UNKNOWN
Mistero / Thrillersino ba ? sino ba ? sa paligid hindi mo alam kung sino ang totoo at nag papangap lang . kung sino ang may sala at wala . kaya wag ka mag titiwala baka sumunod ka .