Andito kami ngayon sa Park kasama ni Jhonny ang Mommy at bunso nyang kapatid.
Masaya pa nung una nanonood lang ako sa paglalaro ni Jhonny at ng kapatid nya,si Alfred naman walang senyales na may binabalak sya nakaupo lang sya sa malaking trunk ng isang puno kung nasaan ang picnic mat nila Jhonny ako naman ay naka upo sa isang bench malapit kila Jhonny.
Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang ihip ng hangin at nakita ko si Alfred na naging alerto din at agad na bumaba sa puno at lumapit sa akin. "What's happening?" Nag aalala kong tanong "He's here" tugon nya "Sino?" Nagtataka kong tanong pero nasagot din ang tanong ko ng may biglang sumulpot sa harapan namin na isang lalaki na kasing tangkad lang ni Alfred,medyo natatakpan ang mukha nito ng kanyang buhok at nakasuot ng yung parang sa mga rock star ang creepy nya. "Anong ginagawa mo dito Tasha?" Tanong ni Alfred doon sa lalaking dumating.
"Tatrabahuin ko ang hindi mo matrabaho ng maayos" tugon naman nito at saka tumingin sa akin ng nakakatakot "I'll work with it,kaya wag ka nang mangialam" saad naman ni Alfred "I think you can't because I think you fell inlove with her" saad naman muli nung Tasha kaya napatingin ako kay Alfred mula sa likod nya."No I'm not,so can you please shut your fu*king mouth up" inis na saad ni Alfred
***
Alfred's P.O.V
" I think you can't, because I think you fell in love with her" saad ni Tasha na ikinagulat ko ayoko hindi pwede na mahulog ako sa Anghel na nasa likuran ko ngayon sa isang nilalang na kinamumuhian ko pero kahit di ko aminin alam kong may kakaiba akong nararamdaman para kay Angela
"No I'm not,so can you please shut your fu*king mouth up" pagdedepensa ko naman dahil di ko rin naman masasabi na nahulog na nga ako I'm still confused.At ayaw kong mangyari ang nakakatakot na bagay na 'yon sa pangalawang pag kakataon "Okay sabi mo eh,but I'll be back kung sakaling tuluyan ka nang nahulog at para ako na ang gagawa ng hindi mo kayang gawin" mahabang turan nito bago umalis.
Nilingon ko si Angela na nasa likuran ko at kita ko sa mukha nya ang pagtataka pero di ko na yun pinansin at bumalik na ako sa pwesto ko sa may trunk ng puno.
***
Angela's P.O.V
Bumalik na si Alfred sa pwesto nya kanina pag-kaalis nung Tasha ang weird pano naman nasabi nung Tasha na nahulog na sa akin si Alfred eh mortal enemy kami.Aish ang gulo,tinignan ko naman ang paligid at normal naman at napadpad ulit yung tingin ko kay Alfred nakapikit habang nakahiga dun sa malaking trunk ng puno.
***
Naka uwi na kami ngayon at medyo ginabi kami.Pagka uwi ay dumiretso na si Jhonny sa kwarto nya at sumunod naman kami ni Alfred agad namang nakatulog si Jhonny dahil na rin siguro sa pagod.
Nandito naman ako sa tabi nya nakaupo at binabantayan sya. Naalala ko naman ang nangyari kanina sa park "Ahhm Alfred" pagkuha ko ng atensyon nya dahil tahimik lang sya na nakasandal malapit sa bintana at naka cross arms sya "hmm?" Tugon nya saka tumingin sa akin "Can I ask?" Saad ko "Sure" tugon naman nya akala ko pipilosopohin nya ako pero hindi "Ahmm yung kanina sa park-" nag aalangan akong itanong baka mali ang iniisip ko "What's about it?" tanong nya "Anong ibig sabihin ni Tasha na sya ang gagawa ng di mo kayang gawin?" Tanong ko, napatingin naman sya ulit bigla sa akin saka bumuntong hininga "He'll kill you if I didn't" saad nya na ikinagulat ko. Kill me? Why? Is it because they're losing kasi bumabait na si Jhonny? 'Di na ako nakasagot kasi hindi ko alam ang sasabihin, pero bakit naman hindi kaya ni Alfred? Totoo kayang nahulog na sya sakin? Ang gulo.
***
A/N: please do vote,you don't need to comment just vote it is highly appreciated.
YOU ARE READING
👼 Angel and Demon 🧛 (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]
FantasyA forbidden love of a Demon and an Angel. Would they fight for their love? Would they survive their love? Started Writing: November 2020 Finished: May 2021