Simula ng nangyari samin ni Alfred kahapon hindi na kami nag-iimikan ni Alfred. Ang awkward hindi ako sanay sa ganito ang tahimik naming dalawa at parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin. Ito ako nakaupo lang sa may bench sa school playground nila Jhonny, si Alfred naman andun sa may malaking puno nakaupo at nag mamasid lang. Arrgh bakit ba kasi...nangyari pa yun kahapon.
***
In heaven...Angelo's P.O.V
"Pinatawag mo daw po ako kuya" saad ni Simon pagkapunta nya rito sa mirror room "Oo, gusto ko na sunduin mo na si Angela sa lupa sa lalong madaling panahon" utos ko rito "Bakit naman po kuya eh may dalawang buwan pa si Angela sa lupa" nagtataka nitong sambit "Oo pero hindi na sya ligtas sa lupa" saad ko naman at saka tumingin sa guardian's mirror kung saan kita si Angela.
"Anong ibig mong sabihing hindi ligtas kuya?" Tanong agad ni Hanna pagkapasok nya rito kaya napalingon ako sa kanya at napabuntung hininga "Si Alfred" tugon ko at alam ko na naintindihan nya ang ibig kong sabihin kaya biglang nagbago ang ekspresyon nya at parang nalungkot. Ito ang ayaw ko, kaya dapat sa lalong madaling panahon dapat mai-uwi na namin si Angela.
"Ako na ang mamumuno sa pag-sundo kay Angela kuya" pagpi-prisinta ni Hanna pero hindi ako pumayag dahil ayoko na muli silang mag kita ng Demonyong yun "Pero kuya panigurado na hindi sasama si Angela dahil kilala mo sya hindi sya agad sumusuko o umaalis ng hindi tapos ang misyon nya" pangungumbinsi pa nito pero...ayoko na dalawa pa silang mapahamak "Hindi Hanna, ako nalang ang susundo sa kanya" saad ko naman kahit ayoko na sapilitan pauwiin si Angela pero kailangan at ako lang ang makakagawa non. Tama hindi sya sasama sa kanila kaya ako nalang ang susundo da kanya.
"Simon, Miguel maghanda kayo samahan ninyo ako" utos ko "Opo kuya". "Sige Ángelo para kay Angela" sabay nilang tugon. Wala nang nagawa si Hanna kaya lumapit na lamang sya sa guardian's mirror at alam kong nag-aalala sya kay Angela at alam ko rin na...May naaalala sya sa nakaraan.
Wala ng oras delikado na ang buhay ni Angela, we need to save her, we need to Rescue her. Sana lang hindi pa kami huli, sana hindi pa sya napapamahal sa Demonyong 'yun, sana hindi pa ito nalalaman nila Tasha. Sana hindi pa nila alam ang ginawa ni Alfred kay Angela, kung hindi... Hindi ko na siguro mapipigilan ang sarili ko at mapapaslang ko na si Alfred. Hindi ko hahayaan na matulad si Angela kay Hanna na umibig sa maling nilalang.
***
Angela's P.O.V
Bakit ganon? Parang may hindi magandang magyayari? Bakit pakiramdam ko may pag-hahandang ginagawa sila Kuya Angelo? Nararamdaman ko na parang paparating sila.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, kinakabahan ako.
***
Alfred's P.O.V
Parating na sila para sunduin si Angela. Alam na siguro nila, wala talagang matatago sa mga taga-langit.
Napatingin ako kay Angela na naka-upo sa may bench at parang nararamdaman nya rin ang paparating pero alam kong hindi nya alam kung ano iyon.
Sana hindi ako nagpaka tanga, sana tinago ko nalang ang nararamdaman ko. Alam kong susunduin nila si Angela dahil... Naghahanda na rin si Tasha para patayin si Angela. Sa pangalawang pag kakataon mawawala nanaman ang babaeng mahal ko. Sa pangalawang pag kakataon may napahamak dahil sa akin. Sa pangalawang pag kakataon mag kakaharap kami ni Angelo at alam kong hindi maganda ito.
Hahayaan ko ba si Angela na umalis? Kakayanin ko ba? Pero kailangan para mailigtas sya.
Angela patawad kasi napamahal ako sayo at dahil doon napagamak ka ng hindi mo alam.

YOU ARE READING
👼 Angel and Demon 🧛 (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]
FantasyA forbidden love of a Demon and an Angel. Would they fight for their love? Would they survive their love? Started Writing: November 2020 Finished: May 2021