Chapter 14: His Sorrow

38 6 0
                                    

It's been a year since I came back here in heaven. Like what I'm doing before I got that mission, I'm teaching the Little guardian Angels para matutunan nila kung paano mag guard ng mga tao specially mga babies dahil yun ang assigned sa kanila.

It's been a year but... It feels like it all happened yesterday.

I miss him. I'm missing him.
Si Simon ang pumalit sa akin bilang Guardian Angel ni Jhonny kaya hindi na ako masyadong naga-alala sa bata dahil alam kong maaasahan si Simon ang pino-problema ko kung anong pwedeng mangyari sa kanila ni Alfred dahil alam kong mainit ang ulo ni Simon kay Alfred. Tsk napaka over protective na kaibigan.

***

Napadaan ako sa Mirror Room at napansin ko na medyo nakabukas ang pinto nito. Isasara ko na sana ng makita ko si ate Hanna at Kuya Miguel at narinig ko na nag uusap sila.

"Sa tingin mo...nagsasabi ng totoo si Alfred?" Tanong ni Kuya Miguel kay Ate Hanna "Sa tingin mo ba talaga kuya Miguel mapagkakatiwalaan yang Demonyo na yan?" Balik na tanong ni Ate Hanna na may halong inis sa tono nito. "Hindi naman sa ganun. Pero tignan mo, simula nung bumalik dito si Angela at pinalitan sya ni Simon nag iba sya at parang walang gana lagi at parang hinahayaan nya nalang si Simon na i-handle ang batang si Jhonny" mahabang paliwanag ni kuya Miguel "Naalala mo ba kuya Miguel? Ganyang ganyan din sya noon, pero ano ambilis nyang nakapag adjust at nakapag move on" tugon naman ni Ate. Nung nakabalik ako dito sa langit at naikwento nila sa akin ang nangyari kila ate Hanna at Alfred na nagkaroon din sila ng pagtingin sa isa't isa pero nalaman ni ate Hanna na may binabalak sila Alfred at mga kasamahan nyang demonyo para patayin sya, Alfred promised that he will protect ate Hanna but when the time comes na kailangan na nilang isagawa ang plano ay walang nagawa si Alfred nang utusan sya ni Tasha na wag makialam at buti nalang ay dumating sila Kuya Angelo para iligtas sya. Nagalit ako kay Alfred ng malaman ko yun dahil may posibilidad na ganun din ang pinaplano nila sa akin pero may bahagi sa akin na nagsasabing wag akong magalit sa kanya at yun ang 'Puso' ko na nagsasabing mahal ko sya at pinaniniwalaan sya nito.

Natigil ako sa pag iisip at nabaling ang atensyon ko sa Guardians Mirror sa harap nila Ate Hanna at nakita kong gabi na pala sa lupa. Nakita ko si Alfred sa taas ng bubong sa labas ng bintana ng kwarto ni Jhonny, nakaupo lang sya doon at nakatingala sa langit at hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko sa panalangin nya. Oo nanalangin si Alfred.

"Sana mapatawad mo ako Angela, sana bumalik kana. Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka, alam ko na galit  sila sa akin. Ikaw na tinatawag nilang panginoon alam ko na napaka makasalanan ko pero dalangin ko lang makasama ko ulit si Angela at pangako magbabago na ako at magbabalik loob ako sa'yo"

I can feel his Sorrow... I can feel the sincerity in his words.

Napansin ako nila ate Hanna at lumapit sya sa akin at pinapasok nya ako sa loob at doon ay niyakap nya ako. Ramdam ko ang proteksyon sa mga yakap nya.

"Sorry... But he's not for you and all I want for you is to be happy, ayoko na mapahamak ka" saad nya na lalong nagpaiyak sa akin.

I can't accept it... I can't accept that I and Alfred can't be together.

***
A/N: So this is my last reserved Chapter and matatagalan pa siguro bago ako makapag-update... Thanks for the patience ^^

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now