We're here now in the school play ground dahil break time nila Jhonny kaya as usual andito rin kami ng asungot na 'to.
Nakakapanibago lang kasi simula ng nangyari nung isang araw ay wala akong pang aasar na natanggap mula dito sa asungot. Lagi syang tahimik at parang malalim ang iniisip. Natigilan ako nang may batang magsalita "Kuya anghel po ba ang kasama mo?" Tanong nung bata kay Alfred nagulat ako dahil bakit nya kami nakikita, naging gulat din ang ekspresyon ni Alfred ng lumapit ang bata pero biglang naging seryoso ang ekspresyon nito "So you're a demon child" saad ni Alfred kaya naguluhan ako "Mm-hhmm" tugon nung bata "Yes, she's an Angel. Why?" Sambit ni Alfred kaya medyo kinabahan ako
Ano kung anghel ako at bakit nya kami nakikita? Tsaka ano yung demon child. "Pwede ko po ba syang gawing food?" Sambit ng bata kaya halos napako ako sa kinauupuan ko "Nope" tipid na sagot ni Alfred "Sige na po kuya ang tagal ko na rin hindi nakakakain ng grace ng mga anghel" pangungulit ng bata sabay pout cute pero–Ano daw kakainin nya ang grace ko
'Grace is the energy from an Angel or the white light'
"No, she's mine. At ayaw ko na nagsi-share ng akin" saad ni Alfred na may halong pang aasar "Ano ba naman" reklamo nung bata "Find your own food kid" sambit ni Alfred at nag smirk. Umalis naman na yung bata dahil nabigo sya sa pakikipag usap kay Alfred. Nabaling yung tingin sa akin ni Alfred sabay ngiti na parang sinasabi na ayos na.
"Don't worry I won't let anyone to eat you 'coz I'm the only who has an authority to eat you" saad nya sabay ngiti ng nakakaloko. Sabi ko nga nagkamali ako asungot parin 'tong lalaking 'to, aish.
***
Alfred's P.O.V
Haay, muntik na 'yon napaka pabaya naman ng mga magulang ng batang yun. Dapat manlang tinuruan nila na mag-ingat sa pagsasalita at baka may makakitang ibang tao sa kanya.
Alam kong natakot si Angela kasi kahit ako natakot sa pwedeng mangyari, natatakot ako na baka kung anong masamang mangyari kay Angela.
Teka ano ba ito, Alfred tumigil ka nga focus on your mission don't fall for her because someday you'll---kill her.
Thinking of killing her, I can't but it can't be.
***
Angela's P.O.V
Andito ako ngayon sa may bubong as usual pag gabi na at tulog na si Jhonny, medyo kumakalma kasi ako pag nandito ako.
Naaalala ko ang nangyari kanina, 'di ko akalain na may demon child akong makakaharap nakakatakot dahil kumakain pala sila ng Grace ng isang anghel. Nakakatakot.
'Don't worry I won't let anyone to eat you 'coz I'm the only who has an authority to eat you'
Naalala ko naman ang sinabi ni Alfred. Anong ibig sabihin nun? Yun ba ang Sinasabi ni Tasha nung isang araw? Arrgh kung ano ano nang pumapasok sa isip ko.
"Still bothered?" Napalingon naman ako sa may kaliwa ko at andito na rin si Alfred, umupo sya sa may tabi ko saka tumingin sa malayo "Don't worry, I won't eat or kill you" sambit nya habang nakatingin parin sa malayo "But why?" Wala sa sarili kong tanong " 'Di na mahalaga yun" sagot naman nya saka tumingin sa akin at ngumiti.
Unti-unti na akong nasasanay sa mga ngiti nya. Pero hindi pwede 'to, hindi pwedeng mahulog ako sa kanya may misyon ako at dun lang dapat ang focus ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/244649059-288-k872562.jpg)
YOU ARE READING
👼 Angel and Demon 🧛 (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]
FantasiaA forbidden love of a Demon and an Angel. Would they fight for their love? Would they survive their love? Started Writing: November 2020 Finished: May 2021