Kabanata 2

55 0 0
                                    

Lumipas nanaman ang ilang araw ngunit hanap parin ay ikaw.

Araw ng sabado at linggo, na sana'y magkasama tayo. Pero kahit pala Lunes hanggang biyernes wala ring pinagbago.


Matapos kong mag-simba ay dumaan ako sa paborito nating lugar, kung saan una tayong nagkita. Tandang-tanda ko pa, mga mata mong ka'y saya. Na pati ako ay iyong napatawa.

Kay bilis ng panahon, na dati hawak-hawak natin ang isa't isa. Di ko namalayan nakabitaw ka na pala. Pilit ko mang ipaglaban, pag-ibig nating dalawa. Ngunit lingid saaking kaalaman, ako'y kaibigan lang pala.

Umasa ako sa mga binitawan mong salita na punong-puno ng pag-asa. Pag-asang makakamit na mahalin pabalik.


Aking binabalikan mga masasayang nakaraan, ngunit nababalot na ito ng kalungkutan.

Pero alam kong ito lang ang paraan, para matapos ang nasimulan. Dahil ayoko ng umasa pang ikaw ang magpaalam. Dahil una palang hindi na malinaw kung ano ang sinimulan.


Saan nga ba tayo nag simula? O ano ba ang tamang tanong? Tayo ba'y may nasimulan? O inakala ko lang?

Naiipit ako sa dalawa. Na gusto kang makita at ayaw na muli pang masilayan. Ngunit gusto kong marinig ang mga sagot sa tanong kong bakit. Pero alam ko namang pag nakita kang muli, salitang 'kamusta' lang ang masasambit.


Pangalan mo'y paulit-ulit kong naririnig sa aking isip, kasabay ng dibdib kong naninikip. Ayaw ko na sana pang marinig, ngunit sa labi ko'y kusang nasasambit.


"Gerwine".

Maikling kwento: "Bakit Lumisan" (unang yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon