"Ms. Culpo" Pagtawag ng amo ko sa pinto ng opisina niya. Agad akong tumayo sa aking pwesto.
"Kailangan kitang makausap." Bitaw na salita ng amo ko at pumasok na muli sa kanyang opisina. Sumunod naman agad ako. At mabilis lang naman ang aming pag-uusap.
Kapansin-pansin ang tamlay ko sa pagtatrabaho. Na kahit pilit kong ibigay ang lahat ng lakas ko, parang katawan ko ay walang buhay.
Kinausap ako ng amo ko at tinanong kung bakit. Hindi ko alam ang isasagot, dahil ako mismo di ko alam ang dahilan kung bakit.
"Kung may problema ka o pinagdaraanan pwede mo akong sabihan. Pero wag mo naman sanang hayaan na pati trabaho mo ay maapektuhan." Mata ko'y halos maluha sa mga narinig kong mga salita.
Lumipas ang ilang araw at sinubukan kong maging maayos sa trabaho. Matalino akong tao at responsable. Pero bakit nga ba ganon? Pag dating sayo'y hindi maintindihan ang sarili. Na para bang walang kontrol sa mga nangyayari.
Walang kontrol kung papano nagsimulang mahulog ang loob sa'yo. Walang kontrol kong binigay ang pagmamahal na di mo naman pinahalagahan. Na sa iyong pag lisan, sakit ay halos di makayanan.
Hindi ko alam kung gaano kasakit pero alam ko kung gaano kabigat sa pakiramdam. Na para bang gusto ko nalang matapos at walang maramdaman.
Kailan ko ba madaratan yung sinasabi nilang; 'Sa sobrang sakit, halos wala ka ng maramdaman?'
BINABASA MO ANG
Maikling kwento: "Bakit Lumisan" (unang yugto)
Historia CortaPagmulat ng aking mga mata, Anino mo'y wala na. At ang tanging natira Ay ang amoy ng iyong alaala. Alaalang mahirap bitawan, Di tulad mong basta nang-iwan. Pilit inaalam Kung saan ba nagkulang. Bakit ako nasasaktan Na di alam ang dahilan? Hindi par...