Kabanata 2: Meet Him
Pag ka tapos ng usapan na iyon ay umakyat na ko ng kwarto para mag basa basa muna bago matulog.
—— KINABUKASAN ——
"Do you understand class?" Tanong saamin ng prof namin na si Mam Caballero.
"Yes, Ma'am!!" Sagot naming lahat.
"Alright, please study pages 163-165 for our quiz tomorrow. That's all for today, Goodbye everyone!" Paalam niya samin.
"Goodbye Miss!" Sagot naming lahat.
"Hoy te! Handa kana ba?" Kunot noo kong binalingan si Cath.
"Ha? Sinasabe mo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Next teacher natin si Sir Arth!" Pasigaw na sabi nya.
"Oh? Ano ngayon? Edi mag turo sya." Boring na sagot ko.
"Gaga! Diba mainit dugo non sayo?"
"Oh e ano naman?" Sagot ko habang nag babasa ng pocketbook ko.
"Pag rerecitin ka na naman non malamang!"
"Edi go lang, nag advance review naman ako." Sagot ko.
"Tsk! Sana all! Edi ikaw na prepared! Hmmp!" Sigaw nya sakin kaya napa kamot nalang ako ng ulo ko.
Sakto naman at pumasok na rin si Sir Arth sa room. At ayon na naman ang mga titig nya sakin. Psh. I don't care.
Mainit ang dugo nya sakin dahil nalaman nya na yung natitipuhan nyang estudyanteng lalake eh may gusto sakin, at isa rin sa mga binusted ko. Nang malaman nya yon aba! Galit na galit sakin! Sana daw sya na lang daw ako! Di ko na lang pinapatulan mamaya ibagsak pa ko sa subject nya. Psh.
Siguro na gets nyo naman siguro kung bakit sya ganon diba? Badiday kase si Sir.
Natapos ang pag tuturo nya na palaging ako ang tinatawag nya twing kaylangan nya ng mag sasagot. Sa totoo lng nakaka irita, pero di ko sya pwedeng patulan baka ibagsak ako jusko mahirap na no!
Mayroon kaming 1 hour break ngayon kaya nag pasya akong pumunta muna ng library para mag basa.
"Cath! Punta lang ako lib!" Paalam ko kay Cath.
"Gege!" Sagot nya.
Habang tinatahak ko ang library ay nag salpak na ko ng earphone sa tenga ko. Nang makarating ako sa library ay nag tungo muna ako sa desk ng librarian para i sulat muna ang pangalan ko sa log book ng librarian bago ako tuluyang makapasok sa loob.
Nag umpisa na kong mag lakad papunta sa history section ng mga libro.
Nang maka rating ako roon ay inisa-isa ko ang mga libro. Hmm ano bang pwedeng basahin dito? Hanggang sa na patingin ako sa pang 4th row ng shelf. Kaylangan ko pang umatras ng bahagya para makita ko ng maayos iyon.
Sa pamamagitan ng tingin inisa-isa ko uli ang mga libro na nasa row na yon, hanggang sa may isang libro na naka kuha ng atensyon ko. It's about Philippine history , my curiosity about histories strikes me.
Lumapit ako sa shelf na yon para abutin ang libro na yon kaso...
ANG LIIT KO!! Well, hindi naman sobrang liit pero kase ang taas nung pinag lalagyan ng libro!
My ghad! Pwede pa bang i-extend yung height ko kahit konti? Nakakahiya! Alanga namang talunin ko tong shelf para lang maabot ko yon?! Sobrang nakaka hiya yon!
Bakit naman kase ang tataas ng mga shelfs dito! Ang unfair para sa mga kulang sa height juskopu naman! Parang gusto kong mag reklamo! Hmmp!