Kabanata 1

52 2 0
                                    

Kabanata 1: Suitor

"Alexia!" Hindi ko sya pinakinggan, nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad sa gitna ng hallway.

"Alexia naman!" This time nahawakan nya na ang braso ko at sapilitang iniharap sa kanya.

"What the hell do you want?!" Sigaw ko sa mukha nya mismo.

"Alexia, hindi mo ba talaga ako pag bibigyan muna?" Pangungulit nya sakin.

"Wency, simula pa lang nung una! Sinabihan na kita na HINDI.AKO.TUMATANGGAP.NG.MANLILIGAW!"

Naka tingin lang sya sakin. Ako ang nahihiya para sa kanya dahil ang daming estudyante na nakatingin samin. Yung iba ay mahinang nag uusap.

"Tigilan mo na, Wency. Walang patutunguhan yan." Sabi ko na lang at tumalikod na para mag lakad ng maka salubong ko sa Cath, ang bestfriend ko.

"Pero gusto talaga kita, Alexia!" Sigaw pa uli ni Wency.

Nakakainis na! Pinapasakit nya ang ulo ko! My ghad!

"Infatuation lang yan!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Nilapitan ko naman si Cath para sabay na kaming pumunta sa susunod namin klase ng bigla syang sumigaw. "Oh! Ano? Tapos na eksena! Pwede na kayong mag patuloy sa mga buhay nyo!" Sabi nya sa mga estudyante na nanood ng drama ni Wency.

Agad naman silang nag iwas ng tingin at nag patuloy sa kung ano mang mga ginagawa nila.

"Uy girl! Ayaw mo ba talagang mag paligaw? Sayang den yun si papi Wency! Gwapo naman sya teh! Ayaw mo?" Pag uusisa ni Cath ng maka upo kami sa sarili naming mga upuan.

"Tigilan mo ko Cath, alam mo ang sagot dyan." Tinignan ko na lang sya at saka kinuha ang pocketbook sa loob ng bag ko.

Mas mabuti nang mag basa basa na lang neto kesa pakinggan ang paulit ulit na tanong ni Cath na paulit ulit ko ring sinasagot ng iisang sagot.

Nag salpak ako ng earphone sa tenga ko para mas ma relax ang utak ko habang nag babasa. Di ko alam pero music calms me ito lagi ang ginagawa ko tuwing na iistress ako sa paperworks, reviews at kung ano ano pang nakaka i-stress na gawain tulad na lamang nung nang yari kanina.

Psh.

Alam kong hindi na ko kukulitin pa ni Cath, dahil alam nya na pag nag salpak na ko sa tenga ko ng earphone ay gusto ko ng peace, na gusto ko ng i relax ang utak ko.

Sinilip ko kung ano ang ginagawa nya, at ayun na naman sya. Naka yukyok na naman sa table, hobby nyang matulog twing gantong sitwasyon. Yung wala pang teacher, o di kaya wala pang gagawin.

Itinuon ko na lang sa pag babasa ang atensyon ko. Nasa gitna ako ng pag babasa ng biglang dumating ang prof namin at nag simula nang mag discuss sa harap kaya tinago ko na ang pocketbook na binabasa ko.
———————-
Natapos ang isang buong araw ko na nakinig lang ako lagi sa nag tuturo at kung minsan ay natatawag para sumagot sa recitation.

At kung sa tingin mo ay sobrang sobrang ganda ko dahil sa nangyari kanina, ay nag kakamali ka.

Im just a normal girl with a normal life. Whoa. Miraculous ladybug lang ang peg? Charr lang.

Ang totoo ay simpleng babae lang ako, sabihin na nating cute ako hehe at may sapat na utak. Hindi ko matawag ang sarili ko na matalino dahil alam kong may limitasyon ang kaya kong pag aralan at intindihin.

Yung nangyari kanina? Laging nangyayari yon sa tuwing may nanliligaw sakin. Sa totoo lang pangalawa na si Wency na sumubok manligaw sakin, pero ayoko talaga. Tama yung sinabi ni Cath kanina, may itsura nga si Wency at kahit naman si Mico na nanligaw noon sakin ay may itsura rin, pero sadya talagang ayoko ko lang mag karoon ng boyfriend.

Sa Kabilang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon