Kabanata 7: Keep on denying
Kinalma ko ang sarili ko matapos ang pag uusap namin na iyon, nakaka hiyang umiyak sa harap nya no! Psh, nasira ang make up! Nag paalam muna akong pupunta muna ng restroom para maka pag retouch.
Pag labas ko ay naka abang na si Jerome sa harap ng pinto ng Restroom. "Bakit inantay mo pa ko? Pupunta naman ako don sa table natin." Sabi ko.
"Baka kase umiyak kapa e." Natatawang sagot nya!
"Dadating rin yung taong mamahalin ka ng sobra at iibahin nya ang pananaw na naka sanayan mo.." muli kong narinig ang mga katagang sinabi nya sakin kani kanina lang.
"Jerome, sa tingin mo? Sino yung sinasabi mo kanina?" Nagulat sya sa tanong ko.
"Hindi natin alam, malay mo nasa tabi tabi mo lang." Sagot nya sakin. "Tara na?" Aya nya sakin.
Nag lakad na kami patungong table namin kung saan naka upo si Cath na tila nag aantay.
Inalalayan ako ni Jerome na maka upo at nag tanong.
"Okay lang ba kayo dito? Hindi ba boring? Alam nyo na? Children's party?" Parang nahihiyang tanong nya samin.
"Hinde ah! Ang cute nga ng mga batang nag lalaro. Meron pa ngang lumapit sakin para makipag laro habang wala kayo." Sagot ni Cath sa kanya. "Nga pala, san nga kayo nag punta? Kayo ahhh! Di nyo ko sinasama!" Pang eechos pa nya.
"Dyan lang sa pool side." "Gusto nyo bang kumain ule?" Pang sesegway na tanong nya samin ni Cath.
"Mm! Sige." Sagot ni Cath.
Tumayo na kami at pumunta sa catering, pero habang papunta kami doon ay naka salubong namin ang parents ni Jerome akala ko ay tatanguan lang ni Jerome ang mga magulang nya bilang pag bati, pero nagulat ako ng bigla nya itong tawagin.
"Mom, Dad, this is Alexia." Pag papakilala nya sakin. "And this is Cathrina," pag papakilala nya naman kay Cath. "They're my friends."
"Uhm, hello po nice to meet you." Si Cath ang unang bumati sa mga nasa harap namin. Kinakabahan ako e huhu!
"H-hello po, Mr. and Mrs. Santiago. N-nice meeting you p-po.." nag kanda utal utal na ko sa pag bati sa kanila.
"Hello, hija. Finally, I met you. I've heard a lot about you." "Dad!" Agap agad ni Jerome sa dad nya.
He heard a lot about me?! How come?!
"HAHAHAHA! You're funny son!" Sagot niya sa anak at bumaling na sa akin kaya kinabahan ako. "Hija, Mr. and Mrs. Santiago was too formal. You can call us Tita and Tito. You too young lady." Sabi nya samin ni Cath.
Hindi kaagad ako naka recover ng sabihin nya iyon kaya si Cath ang unang sumagot sa kanya.
"Mm, yes po Tito." Sagot ni Cath.
"You can eat whatever you want. Jerome, guide them," Sabi nito sa kanyang anak.
"Yes, Dad." Sagot ni Jerome sa Dad nya.
"Thank you, po." Sagot ko. Akala ko magiging pipe na ko e! Nakaka gulat naman kase talaga!
Tuluyan na nga kaming naka lapit sa Catering service. Kumuha ako ng plato at tumingin ng pwedeng makain.
"Gusto mo nito?" Turo ni Jerome sa Chicken Hamonado. Tumango naman ako bilang sagot.
Lahat ng naka helerang pagkain ay tinatanong nya kung gusto ko ba o hinde. Si Cath naman, ayon parang tangang nag pipigil ng ngiti parang ewan lang.
"Ako, Jerome gusto ko nyan." Biglang singit ni Cath saamin. "Ano ko? Hangin? Hello?! Tao ako! HAHAHAHAHA!" Pag puna ni Cath.
Pano ba naman kase! Ako lang tinatanong nya hindi man lang nya pinapansin si Cath. Nawiwirduhan na naman ako sa kilos nya.
Ang dami ng times na ganito ang ina asta nya saakin kaya minsan, nag tataka na rin talaga ako pero hinahayaan ko na lang. Wala namang masama, dahil kaibigan ko sya at isa pa masaya ako.
After namin kumuha ng mga pag kain ay bumalik na kami sa table namin pero bago pa kami maka upo ay nag paalam si Jerome saamin na aasikasihin lang daw nya ang mga bisita nila kaya tumango na lang kami ni Cath sa kanya.
Pag ka alis naman ni Jerome ay agad akong hinila ni Cath paupo sa table namin.
"Hoy! Babae ka! Bakit bigla bigla ka na lang nawawala! Mukha akong tanga dito palinga linga!" Reklamo nya.
"Sorry, binigay ko kase sa kambal yung regalo ko e. Tsaka pinakilala nya rin ako sa kambal." Sagot ko.
"Wow! Pakilala agad? Hanep ka Alexia!" Gatong nya. "Umamin ka nga sakin." Sabi nya sakin na nag pa kunot ng noo ko.
"Ano namang aaminin ko sayo? Tsaka teka nga! Kumakain ako e! Ang daldal mo! Pakainin mo muna ako!" Reklamo ko.
"Osige, mamaya ka sakin." Kinakabahan naman ako sa babaeng to.
Nag pa tuloy na ko sa pag kain ko habang sya ay nakatingin lang sakin habang ngumunguya ako na para bang binabantayan ang kilos ko. Okay, ang wierd.
Sinadya kong bagalan ang pag kain ko para inisin si Cath, pero kahit anong gawin kong pang iinis e seryoso parin syang naka tingin sakin.
Nang matapos akong kumain ay agad syang nag salita, "hoy ikaw!"
"O-oh? Bakit ba?" Nauutal kong tanong.
"Umamin ka sakin, gusto mo ba si Jerome?" Diretsong tanong nya sakin at may seryosong mata.
Nagulat naman ako sa tanong nya. "A-ako?" Nag kakanda utal utal nako.
"Malamang ghorl! Alangan ako? Ako nga nag tatanong sayo!" Sagot nya.
"S-shempre hinde! Oo! Hinde talaga! Hinde talaga! Hehe." Pag sagot ko sa tanong nya.
Halata naman sa mukha ni Cath na hindi sya naniniwala sakin.
"Ano ka ba naman Cath! Iilang buwan palang kaming mag kakilala no! Bakit ko sya magugustuhan?" Pag babalik tanong ko sa kanya.
"Really Alexia? Really? Sakin kapa mag sisinungaling? Saakin pa na decades mo ng kasama?" Sagot nya. "Minsan narin kitang nakitang mag mahal Alexia, pero pilit mong tinatago sa sarili mo ang totoo. Ayaw mo lang aminin dahil takot kang masaktan. Dahil takot kang magaya sa mama mo." Dagdag pa nya.
"Cath, hinde mo ko masisisi kung ganon yung pananaw ko sa pag mamahal." Pag aamin ko sa kanya. "Takot na takot akong masaktan, Cath. Takot na takot. Dahil itong takot at sakit nato, naranasan ko mismo sa pamilya ko. Takot sa posibleng yung kinahinatnatan ni mama ang mangyari sakin." Dagdag ko pa.
"Pero gusto mo si Jerome?" Tanong pa ule nya.
Ayoko, ayokong aminin.
"Hinde, kaya tumigil kana sa pag tatanong." Seryosong saad ko.
"Walang masamang sumubok mag mahal, Alexia. Pero sige, mag deny ka lang ng mag deny." Sabi nya. "Pero hinding hindi mo maloloko ang sarili mong damdamin at pati narin ako." Dagdag nya pa.
This is better Alexia, just keep on denying.
A/N:
Yo! Readers! Sa on-going na story na to, you may encounter wrong spellings, kulang sa letters and etc. But please bare with me hehe. I eedit ko ule to once na matapos ko na ang buong story. Wala pa kong estimated na bilang ng mga chapters. But kahit na ang bagal ng update ko sa story na to, tatapusin ko toooo hehe.
Lastly, I want to say thankyou for reading this story🥺. Hindi man kagandahan ang flow ng story but still mayroon paring nag babasa. So yeah! Thankyou again! Stay safe to all of you!
-Lady Isla