Chapter 1: Crazy Bat B!tch

5 0 0
                                    

'Andito ako ngayon sa Olympus. Tahimik akong nakayuko habang nakikinig sa sermon ni Daddy. Kung akala niyong mahinhin si Papa, Lord Hermes, hinding-hindi kasi isa daw akong sakit sa ulo.

Hahaha. May nagawa na naman kasi akong kasalanan eh. Ninakaw ko kasi 'yung pinakamahal na painting sa isang museum. Duhh, perks of having a father that is god of thieves.

" Daddy naman eh, saan koba naman 'yung pagiging magnanakaw, mabilis na tumakbo, at mag teleport kung saan-saan, edi sa'yo, " sabi ko habang nakatitig siya sa akin ng masama.

"Tumahimik kanga diyan, may gagawin pa ako. Kailangan kopang puntahan ang anak ni Zeus para masabi ang mensahe sa anak niya, " wala sa mood niyang sabi.

Pagod 'ata siya. Mahirap na pag magalit ang isang greek god, kaya lumabas nalang ako at nagtungo sa hardin ng Olympus. Nakita ko si Shazine na nasa pinakadulo ng hardin. May hawak siyang wine glass at isang bote ng alak.

Sobrang pula na ng mukha niya dahil sa kalasingan. Perks of being a Dionysus' kid.

Nilapitan ko siya at agad namang naagaw ang atensyon niya. Kahit lasing siya, ang ganda parin niya.

" Cheers Tracy, " nalalasing niyang sabi sabay taas ng wine glass niya sabay laklak ng alak.

I tried to comfort her to stop what she is doing but she didn't listen to me. Fuck naman.

" Hoy Shazine tumigil ka na nga sa pag-iinom, pupunta pa tayo ng school, " giit ko ngunit tumawa lang siya.

Ang lasinggera talaga ng tukneneng na 'to. My lords graaahh!!

" 'Di ako makakapasok ngayon, " giit niya at ininom ang alak na nasa bote. Ang bilis niyang uminom grabe.

" My god Shazine, you are wasted, " maarte kong sabi. Tumawa lang siya at tumingin sa akin.

Hindi na ako mabibigla kapag masabi niya na Aphrodite's kid siya. Sa gandang niyang 'yan. Okay stop flexing this alcoholic kid.

" Hala bakit? " tanong ko at bigla siyang nag-pout.

"Nahuli kasi ako ng faculties na may dalang booze, " sabi niya at sumimangot. Gaga talaga niya.

Bakit ba siya nagdala ng booze sa campus eh bawal naman talaga 'yun sa campus. Stupida rin pala 'tong anak ng lasinggerong diyos.

" Sige na, sasabay nalang ako kay Zaiynhe, " sabi ko at lumayas na. Naglalakad lang ako papuntang earth ng biglang kumulog ng sobrang lakas. Dahil sa lakas, napatalon ako at napatakbo pa ng wala sa oras.

Nilingunan ko ang pinanggalingan ko at nakita si Zaiynhe na humahalakhak ng malakas.

Gaga talaga siya.

" Surprised? " pang-aasar niya at tumawa ng balik. Pumikit naman ako at sa pagdilat ko, nasa likod na ako ni Zaiynhe.

Nagulat naman siya nang bigla akong nawala sa harap niya. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya ng malakas.

Napa-aray naman siya sabay himas sa parte ng binatukan ko. Lumingon siya sa akin at ang sama ng tingin niya.

" Surprised? " pag-ulit na sabi ko sa sinabi niya kanina. Inirapan naman niya ako at nakita ko ang nakakuyom niyang mga kamao na may mga electricity pang lumalabas.

Siya 'ata ang may ari ng meralco.

Kahit nakangiti siya, alam na alam kong nagpipigil siya ng galit habang nakatitig sa akin. Nakakatakot talaga ang mga anak ni Zeus. Yeeehhh nakakakilabot talaga 'pag galit sila.

" Nakalimutan ko na may kakayahan ka palang mag teleport, " giit niya sabay irap. Nakangisi lang ako habang siya naman ay nakatitig sa akin ng masama.

The Drop Of A Divine BloodWhere stories live. Discover now