Chapter 2: Another One

4 0 0
                                    

Sa pagdating ko sa first class ko, ang laman lang ng isip ko ay 'yung sinabi ng demigod sa akin kanina.

Medyo bored ako kasi wala si Shazine dito. Ang lungkot kung wala 'yung partner-in-crime ko. Bored na bored ang presensya ko at gusto ko na talagang umuwi. Kahit isang salita sa discussion, hindi pumapasok sa kokote ko.

" Tracy Finman, are you participating? " nagulat naman ako nang biglang tawagin ng guro namin ang name ko.

Naghanap ako ng magandang palusot dahil strict si sir Samson. " Opo, " mahinhin kong sagot ngunit nauutal ako.

" Good, " sabi niya at bumalik na sa pagtuturo. Nag-act nalang akong nakikinig kahit bored na talaga ako.

In fact, hindi 'yon palusot. Ginamit kolang ang cuteness power ko. No one can resist my cuteness overload hahaha.

Medyo nagka-interest na ako sa History na di-ni-discuss ng guro namin hanggang sa may nagtaas ng kamay.

Isa itong magandang babae. Nakasuot siya ng eyeglasses pero hindi naman siya nagmukhang nerd dahil sa kagandahan niya.

" Can I go to the restroom? " sabi niya at napangiwi naman ang guro namin.

Biglang may nagsalitang babae at nagulat naman ako, katabi ko lang kasi siya.

" It's not 'can' you cerebral moron. It's 'may', " cold na cold niyang sabi habang naka cross arms.

Nakasuot rin ito ng eyeglasses pero hindi rin siya nagmukhang nerd dahil sa sobrang kagandahan niya.

Kilala siya dito bilang isang 'campus brain' dahil sa sobrang katalinuhan niya.

Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay na para bang nagtatanong kung may sasabihin ba ako.

Tumayo na siya at kinuha ang bag at nagtangkang umalis ngunit pinigilan siya ng guro namin.

" Hang in there kiddo, where do you think your going? " bulaslas ng guro pero inirapan siya nito.

" If I were you, I'll let my student walk out of the classroom. Ask that to the deities from Olympus you bonehead, " mataray niyang sabi.

Hindi pa hinintay ng guro na umalis siya at nagsimula ng magsalita. " See students, that is one of the example of a rude person. Don't copy this kind of attitude. "

" So, I supposedly won't copy you, why, you are just milking those money from the rich ones in here. Your fave students are rich, so, what would I expect? " confident niyang sabi. Hindi man lang siya natatakot na ma expell.

" What did you just said? " galit na si sir Samson kaya halos kaming nandito, nanginginig na sa takot, pero siya, nakangiti lang.

Pumalakpak si Xavier (That is her name) at inilapit ang mukha sa guro.
" I don't repeat my words mr.
Samson. "

Napalaki ng mga mata si sir at parang nawalan ng salitang bibigkasin.

" 'Diba pera lang naman ang kailangan mo sa mga fave students mo? " dagdag pa ni Xavier at umalis na ng classroom. Napasinghap ang guro at tumingin sa akin ng masama.

Hala bakit ako? May nagawa ba akong kasalanan??

" Tracy, pabalikin mo 'yong batang 'yon. 'Di pa ako tapos sa dalagang iyon, " utos niya sa akin kaya agad na akong umalis.

Napalingon-lingon ako at nakita si Xavier, nakatingin sa akin habang naka-smirk. Kinalibutan naman ako dahil sa ginawa niya pero tinatagan ko na lamang ang sarili at lumapit sa kanya.

" Kahit kaladkarin mo pa ako, hinding-hindi ako babalik doon, " sabi niya sa akin habang nakatitig sa kawalan.

Nginitian kona lamang siya pero parang ayaw niya talaga sa akin. Wala naman akong nagawang hindi niya magugustuhan kaya bakit ganoon siya sa akin, baka naman ganito talaga siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Drop Of A Divine BloodWhere stories live. Discover now